Chapter 22

208 51 2
                                    

Hei-En's POV

"Una na kami, ha. Mag-iingat ka dito," paalam nila Crixtal sa akin na ikinatango ko naman. I also wave my hands at them noong umandar na ang kanilang sinasakyan.

Nang ako nalang ang naiwan dito sa parking lot ay sakto namang dumating na rin ang itim na kotse namin, ang sundo ko.

Ako na ang nag adjust na lumapit dito tsaka binuksan ang kotse at pumasok. Tahimik lang naman ang naging biyahe namin hanggang sa nakarating na kami sa bahay.

Bumaba ako sa tapat ng mansion at si tatay Inu naman ay ipinark ang kotse sa garahe namin. Agad-agad akong umakyat sa kwarto ko tsaka ko inilapag ang bag ko sa aking kama.

Hindi na ako nag-abalang magbihis pa dahil deretso upo na ako sa aking study table tsaka binuksan ang aking laptop. May mga tinapos lang akong activity works then after finishing them, I immediately went in my bed.

I lay down then I took my phone in my pocket. Nagtipa lang ako dito tsaka ko idinial ang number ni daddy.

Nakailang ring lang din ito bago niya sagutin. Tumikhim pa ako bago nagsalita.

"Dad. I have a bad and a good news to discuss with you," bungad ko kaagad sa kanya. Medyo natawa pa siya nang mahina dahil sa bilis kong magsalita. Bakit ba, excited lang ako, eh.

"Okay, so tell me first the good news," aniya at nakatutok lang naman ang cellphone ko sa kabilang tenga ko habang ang aking mga paa ay nilaro-laro ko pa.

"I already knew who is the killer at Azrael University a.k.a HELL university," sabi ko dito dahilan para matahimik siya.

Hindi ko siya nakikita pero parang nararamdaman kong nakangiti siya ngayon sa kabilang linya. Nagpatuloy pa ako sa pagsasalita at tahimik lang naman siyang nakikinig sa kabilang linya.

"The bad news is, marami raw sila. I don't know what to do anymore, dad. Humihirap na. But I don't want to give up, nasimulan ko na ito kaya kailangan kong tapusin." Nagpakawala pa ako ng mahabang buntong-hininga, hinintay ko pa siyang magsalita sa kabila.

"Nakakalimutan mo na ba ang itinuro ko noon sa'yo? Never give up that easily, finish what you've started. At kung ayaw mo na talaga at nahihirapan ka na, just tell me and i'll work about it. Alam mo namang hindi kita kayang pabayaan pero kung gusto mo pa, why not do it?" napangiti ako nang tipid matapos kong marinig ang mga katagang iyun sa kanya.

Kapag talaga hindi ko na kaya ang ginagawa ko ay nandiyan lang siya para palakasin ang aking loob o 'di kaya ay i-support ako sa mga pinaggagawa ko. He's always at my back.

"By the way, do you still remember Josh Uytenchuo?" Pag-iiba ko sa usapan namin at narinig ko naman siyang nag-'om' nang mahina sa kabilang linya. Nagpatuloy pa ako sa pagsasalita.

"Siya na sana ang magiging susi ko para alamin kung sino nga ba ang lahat ng mga killer sa Azrael Univ but someone killed him. You know what, dad? He knew something that I don't know. He's hiding something, ang galing nga niya kase kaya niyang maglihim ng ganoong bagay, ganun ba talaga ang mga taong tatahi-tahimik lang? I have something important to talk to you, too. I saw who killed him, dad. I saw using my two eyes, at nalaman ko pa kung sino ito," mahabang kwento ko sa kanya at tahimik pa rin naman siya sa kabilang linya habang nakikinig sa akin.

"I can't even believe na siya pala ang matagal ko ng hinahanap na pumapatay sa Azrael, ang lapit na sa akin, eh, pero nagsuspetsa pa ako noon ng mga taong malayo sa akin. Siya lang pala, siya na nakaaligid lang sa amin." Dagdag ko pa sa aking sinasabi habang ang boses ko ay puno ng pagkadismaya.

"Oliver... Oliver Cole Bridgetone. One of the killer of Azrael University," ang huling sinabi ko dito.

"I am happy that you almost solve the case of Azrael University. Just keep it up. Someday, you will be called Hei-En Lavender McNamar, the greatest detective of the town." Napangiti nalang ako matapos yun sabihin ng sarili kong ama.

School Of Murders [✓]Where stories live. Discover now