Hei-En's POV
I was busy writing something on my notebook when we heard someone screaming and crying out loud on the other section.
Napaangat ang aking tingin dahil sa distraksyon na ingay na nagmumula sa kabilang classroom. Ang mga kaklase ko rin ay nagtataka na rin kung ano ang nangyayari sa kabila.
"Ano yun? May nag-aaway ba sa kabilang room?"
"Baka naman may nagwawala."
"Parang ganun na nga, umiiyak pa ata habang nagsisisigaw, eh."
Rinig kong sabi ng mga kaklase ko. Hindi ko na rin maiwasang mapatanong sa aking sarili kasabang ng pagkunot ng aking noo.
"Pre, si Harvey ata 'yun. Di'ba kakasugod lang sa hospital ng shota niya kahapon?"
"Ay, oo nga. Si Luna 'yun diba? Baka may nangyaring masama na du'n kaya 'yun nagwawala."
Patuloy nilang bulong na ikinabilis ng tibok ng aking puso. Parang nakakaaramdam na naman ako nang matinding takot at awa.
Paano kung totoo nga ang sinasabi nila? Paano kung totoo nga ang nasa isip ko? Na wala na siya. Pero imposible naman. Sana nga nagkakamali lang ako ng hinala, o mas tamang sabihin na hinala naming lahat.
Tatakas sana ang dalawa kong kaklase para silipin kung ano ang nangyayari sa kabilang section nang bigla silang sitain ni Sir Eyolandro. Ang first class teacher namin.
"Saan kayo pupunta? Pasok! Stay here. Ako na ang sisilip sa kabila." Sabi nito na ikinakamot naman ng ulo ng dalawa kong kaklase.
Agad na naglakad si Sir Eyolandro papunta sa kabilang section. Napatayo nalang bigla ang mga kaklase ko nang bigla silang nakarinig ng mga bagay na ipinaghahagis sa kung saan saan, ang pagkakaalam ko ay mga upuan ito na ibinabalibag.
Lumapit sila sa bintana at sumulip doon. Doon na rin nagsimulang umugong ang kanilang mga boses.
"Totoo nga! Si Harvey nga yun." Sabi ni Leya na nay bahid na pag-aalala at pagtataka sa kanyang mukha, siya nga pala ang babaeng kaklase ko at dakilang tsismosa ng section namin. Kahit anong nangyayaring kaganapan dito sa school namin ay nalalaman niya tsaka ipinapasa-pasa na ikinakwento para lang pansinin ng karamihan.
"Bakit daw nagkakaganyan?" Tanong naman ni Talia habang nakadungaw pa sa sliding window namin at sinisilip kung anong nangyayari sa kabilang kwarto.
"Malay ko ba, kita mo ereng parehas tayong nandito." Sagot naman ni Aubrey, ang kaklase kong batangeña.
Patuloy lang sila sa pagtsitsimisan at pakikiusosyo sa nangyayari sa labas habang ako ay nakaupo lang dito sa aking upuan at tahimik silang pinapanood.
Nilalaro ang ballpen sa aking mga kamay at halos mata lang ang gumagalaw.
The door suddenly opened, halos lahat kami ay napatingin dito at iniluwa nu'n si sir Eyolandro na may matamlay na ekspresyon sa kanyang mukha pero ang mga mata naman ay hindi masasabing nalulungkot. Bagsag din ang kanyang mga balikat na dumiretso sa kanyang lamesa.
He then sighed heavily before looking at his class. We are just patiently waiting for him to talk while we are looking at him like a puppies waiting for a food.
Napahigpit nalang ang hawak ko sa aking ballpen. Huwag naman sana. Sana hindi totoo ang aking iniisip. Kawawa ang isa kung sakali man.
"I'm sad to announce that..." Mas humigpit pa ang hawak ko sa ballpen ko na para bang mababali na rin ito anytime. Napakagat na rin ako sa aking labi habang pinipigilan ang paghinga.
Ang mga kaklase ko naman ay sabik lang na naghihintay sa susunod na sasabihin ng propesor namin.
"Luna was already.. D-dead." Halos lahat ng mga kaklase ko ay biglang nalungkot sa kanilang nalaman. Sabay sabay pang bumagsak ang kanilang balikat. Nagsimula na ring umingay ulit ang classroom namin.
YOU ARE READING
School Of Murders [✓]
Mystery / ThrillerAzrael University, a known institution where students from wealthy families can only enter. However, little did they know this school is full of hidden secrets. So you better leave, or else, you could be the next target. There's so many questions t...