Hei-En's POV
Prente siya ngayong nakaupo sa kanyang upuan, which is katabi rin ng aking upuan, habang siya ay nakatingin ulit sa harapan, gaya ng lagi niyang ginagawa. Wala nalang ako nagawa kundi ang magpakawala ng buntong-hininga tsaka naglakad ng banayad pero mabibigat papalapit sa kanya.
Padabog kong ibinaba ang bag ko sa aking armchair pero wala pa rin siyang kibo sa kanyang upuan. Nakatingin pa rin siya sa harapan.
Kahit ata anong ingay ang ginagawa ng mga kaklase namin ay un-bothered pa rin siya. Kahit siguro lumindol na at bumagyo, hindi pa rin siya gagalaw sa kanyang kinauupuan.
Pero one thing for sure, he is quiet but dangerous.
Gaya pa rin ng dati, natapos lang ang mga klase namin nang mabilis, na halos hindi ko na namamalayan na uwian na namin.
Kasalukuyan ko ngayong inaayos ang mga gamit kong nagkalat sa aking lamesa habang inilalagay ito sa loob ng aking bag. Halos konti na lang din kaming nandito sa loob mg classroom namin dahil ang iba ay lumabas na rin para umuwi sa kanya-kanya nilang mga tahanan.
Matapos kong ayusin lahat ng mga gamit ko ay lumabas na rin ako tsaka ako nagsimulang maglakad sa corridor namin papunta sa parking lot.
Nang makita ko sina Crixtal at Lindsay ay kumaway muna ako sa kanila bago ko sila lapitang dalawa.
"Hi, girl. Mauuna na ako, ah? Nandito na kase ang sundo ko," paalam ni Crixtal sa akin at tumango lang naman ako tsaka ko siya nginitian ng tipid. Lumapit pa siya sa akin bago makipagbeso, at ganoon rin naman ang ginawa niya kay Lindsay.
"Babye, uwi na rin kayo mamaya," sabi nito at tumango lang naman kami.
"Ingat!" saad namin ni Lindsay hanggang sa magsimula ng umandar ang sasakyan nila Crixtal. Tinitigan lang namin itong papaalis at walang kahit ni isang nagsasalita sa pagitan namin ni Lindsay.
"May sundo ka?" Pagbasag ko sa katahimikang namumutawi sa pagitan namin ni Lindsay.
Tumango naman siya.
"Hinihintay ko lang 'yong sundo ko." Saad nito na ikinatango ko rin.
"How about you? Malapit na ba ang sundo mo?" Tanong nito pabalik sa akin.
"Hindi ko alam kung may sundo ako ngayon. Hindi ko pa nete-text yung sundo ko, eh. Nawalan ako ng load." Kumamot pa ako sa aking ulo matapos kong magsalita at magtapat sa kanya.
May bahid na gulat sa kanyang mukha nang tignan niya ako.
"Pwede kang sumabay sa akin, paano kung hindi nakapunta ang sundo mo? Babae ka pa naman. Delikado diyan sa daan kung mag-isa ka lang." She offered while she's looking at me.
Nginitian ko lang naman siya nang hilaw bago ko ulit kamutin ang aking ulo. Baka sabihin niya pa may kuto ako.
"Huwag na, nakakahiya naman. Tsaka kaya ko namang umuwing mag-isa." Sabi ko dito pero shempre biro ko lang iyan dahil ang totoo naman talaga ay kahit dalaga na ako ay natatakot pa rin akong umuwing mag-isa sa bahay namin. Natatakot ako sa mga kalalakihang nasa kanto habang nag-iinuman. Baka kase makita nila akong mag-isang naglalakad at mapagtripan pa.
Umasa akong hindi sasang-ayon si Lindsay sa aking sinabi pero ganoon na lamang ang pagkataranta ko nang bigla siyang tumango.
"Okay. Kung 'yan ang gusto mo," sabi nito at agad naman akong napahawak sa kanyang kabilang braso bago ako ngumiti nang hilaw.
"Huy, nagbibiro lang ako. Sasakay nalang ako sa inyo, hehe." Pagbawi ko sa aking sinabi kanina. Tumango lang naman siya ng alanganin tsaka niya ako tinapunan ng tingin na para bang naguguluhan siya sa inaakto ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/368135025-288-k766035.jpg)
YOU ARE READING
School Of Murders [✓]
Mystery / ThrillerAzrael University, a known institution where students from wealthy families can only enter. However, little did they know this school is full of hidden secrets. So you better leave, or else, you could be the next target. There's so many questions t...