Chapter 23

198 48 1
                                    


Hei-En's POV

Without saying any words, I stood from the chair then walked out without giving them a glance, I even closed my fist as my my jaw clenched because of anger that's building inside me.

Matalim at madilim ang mata ko habang tinatahak ang daan papunta sa faculty room. Wala na akong ibang iniisip pa kundi ang makausap sila at makaharap.

Ilang ulit pa akong nabangga sa iba't-ibang estudyanteng nakaharang sa dinaraanan ko pero hindi ko pinagtuunan ng pansin.

Tinawag pa ng mga kaibigan ko ang aking pangalan pero patuloy lang ako sa paglalakad. Ang mga paa ko ay mabibigat sa pagyapak sa tiled floor ng corridor namin.

"HeyN! Where are you going, hintayin mo kami!" Rinig ko pang sigaw ni Crixtal mula sa kalayuan pero hindi ko siya binalingan ng tingin dahil deretso lakad lang ako.

Nang nasa harapan na ako ng faculty ay hindi na ako nag-aksaya pa ng kahit na anong segundo. Agad-agad kong binuksan ang pintuan at pinihit ang seradula nito, hindi na ako nag-abalang kumatok pa.

Lahat ng mga propesor at propesora ay napatingin sa akin, lahat sila, nagtatakang nakatingin sa akin.

"What are you doing here, Ms. HeyN?" Mr. Briton asked me. Mas umigting pa ang aking panga kasabay ng pagdidilim ng aking paningin habang nakatuon ang aking tingin sa kanya.

I want to punch him and break the bridge of his fucking big nose! Siya itong narinig ko noong nagsalita tungkol sa pananhimik nila.

Nakatayo lang ako sa ginta ng faculty habang sila ay nakatitig lang sa akin at hindi alam kung ano nga ba ang aking sadya sa kanila.

Matalim lang ang aking tingin at ganoon pa rin ang aking mga kamao na kanina pa nakakuyom dahil sa matinding galit na nararamdaman.

"Ms. HeyN, i'm asking you, what are you doing here?" He asked again pero hindi pa rin ako natinag. Matalim lang ang tingin ko sa kanila.

Hanggang sa unti-unti nang bumuka ang aking bibig at nagpakawala ng mga salitang alam kong insulto sa kanilang pagkatao at sa kanilang propesyon ngayon, but they deserve to be slapped by my words. Mas malala pa ang kanilang ginagawa.

"You guys are unbelievable, nasabihan kayong mga propesor at propesora sa malaking paaralan na ito pero napakatanga ninyo para magbulag-bulagan lang sa mga krimeng nangyayari dito," i spathed while i'm glaring at them.

Napaawang nalang ang kanilang mga bibig dahil sa aking sinabi pero wala na akong pake pa. Mababakas mo ang pagkagulat sa kanikang mga mukha at ang pagkainsulto at pagkadisgusto sa aking sinabi.

"W-what did you say?" Gulat na tanong ni Mrs. Bermudes habang ang kanyang bunganga ay awang pa na nakatitig sa akin gamit ang kanyang mga matang para bang nababastusan na siya sa akin.

Huminga ako nang malalim tsaka ko sila isa-isang tinitigan sa mga mata. Tinitigan ko sila hanggang sa ikailaliman ng kanilang mga mata at umiwas naman sila sa akin isa-isa.

"Watch your words, young woman," sabi pa ng isang propesora sa akin pero umiling-iling lang ako.

"No. You watch your behaviors. Nakakaawa kayo. Takot madamay sa mga nangyayari dito sa Azrael a.k.a HELL UNIVERSITY NA ITO. Do you guys think you will fool us? Hindi dahil mas nakakataas kayo ng ranggo sa amin ay mamaliitin at balewalain niyo nalang kami ng ganon-ganon lang, at hindi purke't mas matanda kayo sa amin ay ganoon ninyo na lang maliitin ang aming mga kakayahan," i spathed again at them that made them look at me with disbelief and curiosity in their faces.

I continued talking again while they are just staring at me and waiting for me again to speak.

"Ang tanga-tanga ninyo sa part na takot kayong magsiwalat ng katotohanan. Ipinagkakait ninyo ang katarungan sa mga estudyante dito na namatay," pagak pa akong tumawa matapos ko iyung sinabi. Mas umawang pa ang kanilang mga labi dahil sa aking sinabi.

School Of Murders [✓]Where stories live. Discover now