Chapter 4

522 20 5
                                        

CHAPTER 4

"You know him, anak?" tanong ni mommy sa akin.


"He's a friend, mom. Madalas ko siyang makita sa campus kaya nakilala ko rin siya." Friend, my ass. Kahit na mamatay pa ako ay hindi ko iyon kakaibiganin. No, not and never.


Hindi na nagtanong si mommy dahil gusto niya nga akong magkaroon ng kaibigan sa school namin. But girls don't want to be friends with me. Kaya minsan ay namimili na lang ako ng mga lalaking kakaibiganin ko. Pagkatapos ko roon ay umuwi na rin ako at nagpahinga. I'm doing my skincare when. . .


"Inom tayo, Majesty."


Napatingin ako sa pintuan. Nakita kong nakasilip si Verdell sa may maliit na awang ng pintuan. He looks sad and disappointed. May nangyari na naman ba sa school nila?


"Univ problem?" tanong ko. Tumango siya kaagad. "Kasama si Vermont?"


"Yeps. Siya na ang nagpapaalam kina mommy and daddy. Let's go?"


"Owki. Bihis lang ako."


Nang maisara niya na ang pintuan ay mabilis lang akong nagbihis at naglagay ng light make-up bago lumabas. Naabutan ko ang dalawa na nasa garage na kaya pagkarating ko ay umalis na rin kami kaagad.


We drink not because of family problem but a universiy problem. Stress kasi talaga minsan sa program namin at hindi p'wede laging magreklamo dahil pinili namin 'to.


Mabilis kaming nakarating sa may Conrado Bar at marami-rami na ang tao dahil alas-nueve na ng gabi. Mas dadagsain pa 'yan mamaya kapag nagkataon dahil sabado naman bukas.


"Ccr lang kami, Majesty. Dito ka lang," bilin sa akin ni Vermont kaya tumango lang ako. Nagpaiwan ako sa sofa at saka inilibot ang aking tingin.


Tumigil ang aking paningin nang makita ko si Andro na nakasuot ng waiter outfit. Nagtatrabaho siya rito ngayon? Umiwas na ako ng tingin nang makita kong titingin siya sa gawi ko. Nasaan na ba iyong dalawang 'yon?


"Hoy, bata anong ginagawa mo rito?" Napatingin ako kay Andro na nasa tapat na ng table namin. "Hindi ba't dapat natutulog ka na ng ganitong oras? Aba, lumalabas pa."


I rolled my eyes at him. "Excuse me? Sinusundan mo ba ako?" pang-iinis ko sa kaniya.


He chortled. "Huy, nagtatrabaho ako. Mapagbintang ka talaga kahit kailan. Baka nga mas isipin ko pang sinusundan mo ako."


"Ang kapal ng mukha mo."


"Ang kapal ng mukha mo," he mocked me. "Pero in a serious tone, you should go home now. It's already nine in the evening. Uwi na, bata."


Tinapik ko kaagad ang kaniyang kamay nang akma niya akong hahawakan at sinamaan siya ng tingin. "P'wede ba? Stop calling and treating me a child. I told you that I'm already nineteen years old!" malakas na boses na sabi ko.

Spill the BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon