Chapter 18

186 4 0
                                        

CHAPTER 18

Mabilis lang na natapos ang mga araw, lalo na ang bakasyon namin. Kinabukasan ay pasukan na naman ulit. 2nd sem na ng 2nd year ko. Wala pa naman gaanong ginagawa ngayong taon pero mararamdaman mo ang pressure dahil pangalawang taon na namin ito sa college. 


Hindi ko ramdam ang pressure sa bahay pero sa school namin, oo. Alam nila na ang mommy ko ang may-ari ng restaurant at ang mga kapatid ko ay kilalang mga magagaling na students sa kanilang mga paaralan. Dumagdag pa na kilala si daddy sa university na pinagtatrabuhan niya kaya pakiramdam ko ay kailangan ko ring mag-excel sa ganitong bagay because if not, I'm a failure in our family.


Mas naging busy si Andro sa trabaho niya dahil sa mga bills ng nanay niya at pang-araw-araw nilang pagkain. Kinailangan niyang mag-part time job sa dalawang trabaho kaya halos hindi na kami halos nag-uusap. Iniitindi ko ang sitwasyon niya pero hindi lang lubos na maisip na parang naiwan na ako sa ere.


Tahimik akong nags-scroll lang sa tiktok sa kwarto habang nakadapat when I received a message from him. 


Andro Vilmeridi

can we talk? may ginagawa ka?


Gusto ko na rin matapos kung ano mang meron kaming dalawa. Nagiging malabo na rin kasi sa akin ang communication namin. Hindi ko alam kung may pakialam pa ba siya sa akin o wala na.


Majesty Villavicencio

saan?


Andro Vilmeridi

nasa labas ako ng bahay niyo


Kaagad akong bumangon at nagpalit lang ng komportableng damit bago bumaba. Ako lang ang tao sa bahay dahil busy sa mga kani-kaniyang lakad ang pamilya ko. Pagkalabas ko ng gate ay naabutan ko si Andro na nakasandal sa kaniyang motor. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin saka ngumiti.


"May pupuntahan tayo," aniya at umayos nang pagkakatayo.


Walang gana akong tumingin sa kaniya. "We can talk here," I said coldly.


"Beb, marami akong sasabihin," aniya sabay hawak sa kamay ko. 


"We can talk inside."


Umiling siya. "Wala ang parents mo diyan, hindi ako p'wedeng pumasok. Let's go."


Hindi ako kumibo. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko dahil parang gusto kong sabihin lahat ng hinanakit ko sa kaniya pero ayokong dagdagan ang problema niya. Maybe this is the time to end our situation.


Maya-maya pa ay naramdaman ko ang yakap niya sa akin. Hindi ako yumakap pabalik, hindi ako nagsalita o ano pa man. I just let him to hug me. 


"Alam ko na nagtatampo ka, and I'm sorry. I'll fix everything." Kumalas siya mula sa pagkakayakap ko at hinarap akong muli. He cupped my face and smile. "Let's go? Mag-usap tayo, please?"


Marahan akong tumango. Hinayaan ko siyang suotan ako ng helmet hanggang sa alalayan niya akong makasakay sa kaniyang motor. Hindi na ako nag-inarte nang magsimula niya nang paandarin ang motor, I wrapped my arms around his waist. 

Spill the BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon