CHAPTER 12
Ang bahay nina Andro ay stilt house ang kaibahan ay ang sa ilalim ay ang kanilang kusina at mesa kung saan sila kumakain. Sa pinakagilid naman no'n ay ang hagdanan paakyat sa itaas.
"Akyat na tayo, Majesty."
Nakita ko kaagad ang isang ginang na pababa ng hagdanan. Namukhaan ko kaagad siya dahil siya iyong tinulungan namin ni mommy few years ago na magbayad ng bills sa hospital dahil sa cancer niya. Napatingin ako kay Andro, kaya pala ilang trabaho ang pinapasok niya, gusto niyang matulungan ang kaniyang ina.
Napatingin ako ulit sa ginang at nakita kong namuo agad ang mga luha sa kaniyang mga mata. "Ang aking anghel," malambing niyang saad. Kaya nang makababa siya ay kaagad siyang lumapit sa akin.
Nagmano ako. "Kumusta po kayo, tita?" tanong ko.
She smiled at me widely. "Gumagaling na ako, ija. Salamat din sa tulong niyo noon, ha? Kung hindi siguro nabayaran ay malamang at nasa hospital pa rin ako," maluha-luha niyang sabi.
"Walang anuman po, tita. I'm glad to help you."
Niyakap niya ako na ikinagulat ko. Kalaunan din ay niyakap ko siya at hinaplos ang kaniyang likuran. "Sana magpatuloy na po ang inyong paggaling."
"Sa awa ng Diyos ay gumagaan na ang aking pakiramdam..." Kumalas siya sa pagkakayakp at tumingin sa anak. "Dapat pala ay naghanda ako ng maraming pagkain dahil hindi ko naman na makikita mo ang anghel ko, anak."
Napatingin ako kay Andro na nakatitig sa akin. Parang may namumuo ring luha sa kaniyang mga mata na hindi ko maintindihan. Napalunok ako nang makita siya nagsisimula nang humakbang papalapit sa amin.
"Hindi na kailangan, ma. Iisang tao lang naman sila ng dadalhin ko rito sa bahay at ang anghel mo," seryoso niyang sambit.
"Oh? Talaga ba? Nakatutuwa naman at ang liit talaga ng mundo. Kung gano'n ay maupo na kayo at kumain. Kakainit ko lang din ng pagkain. Umakyat lang ako saglit dahil may kinuha," sambit ng ina ni Andro.
Nang makaupo na kaming tatlo ay hindi ko maiwasang hindi mahiya dahil nakatingin sila sa akin pareho. Tumikhim si Andro kaya napatingin ako sa kaniya. Inangat niya sa mesa ang mga pinamili ko kahapon na grocery. Inabot niya sa akin ang nasa paperbag dahil alam niyang ibibigay ko iyon sa kaniyang ina.
"Tita, sana tanggapin niyo iyong dala ko."
Ngumiti siya kaagad sa akin. "Naku nag-abala ka pa, anak pero salamat sa mga ito."
"Nalaman ko po na mahilig kayong magluto kaya binilhan ko po kayo nitong kawali at saka po spatula na may apelyido niyo po."
Nang i-abot ko sa kaniya ang paper bag ay mas lalong lumawak ang kaniyang mga ngiti. "Wow. Ang ganda ng mga ito, anak. Maraming salamat talaga."
"Walang anuman po."
"Oh siya, siya ano pang hinihintay natin? Kumain na kayo para mailibot ka ni Andro rito sa bahay."
