Chapter 5

308 12 5
                                    

CHAPTER 5

Tumawa siya lalo. "Sus. Baka mamaya magmakaawa ka na naman sa akin na halikan ka."


"Ang kapal ng mukha mo," I said with a gritted tooth. "Who knows baka mas magaling pa ako sa 'yo, eh."


He smirked. "Ako pa hinahamon mo? Gusto mong subukan ulit?" taas kilay niyang tanong.


"Aba. Hinahamon mo ba ako? Hindi kita aatrasan."


"I'm just giving you the fight you want. Nanghahamon ka rin, eh. Ano? Bukas or sa biyernes ulit?"


Humakbang ako papalapit sa kaniya. "May hinahabol ka bang klase ngayon?"


Kumunot ang noo niya at napalayo nang kaunti dahil sa gulat. "Ano? Bakit? Don't tell me gusto mo ngayon?"


"Bakit naman, hindi?" panghahamon ko pa sa kaniya.


Pagak siyang tumawa sa akin. "Are you serious?"


"I'm asking you. What now? Do you want it or not?"


Tumaas ang sulok ng labi niya. "Siguraduhin mo lang na wala kang pagsisisihan pagkatapos nito."


Hinawakan niya ang kamay ko saka ako marahang hinila. Napunta kami sa isang room, ang music room. "Okay na ba rito?" nakataas kilay niyang tanong.


"Satisfy yourself," sabi ko at saka ibinaba ang aking bag sa tabi, gano'n din siya.


Binuhat niya ako at saka iniupo sa mesa. Our eyes met. Para akong hinihipnotismo ng kaniyang mga mata. I placed my hand on his shoulder.


"Tagal," panghahamon ko pero kinakabahan din ako. I'm sober right now pero hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa? Am I in the right mind?


"Sandali lang. Kinakabisado ko pa ang mukha mo. Baka pagkatapos nito ay iwasan mo na ako," aniya.


My forehead knotted. "Ako? No way. Sino ka naman para mailang ako sa presensya mo?"


He smirked. "Talaga lang, ha?"


Magsasalita pa sana ako nang maramdaman ko na ang mga labi niyang nasa labi ko. I could feel his lips gently moving while his hands guiding my back. I closed my eyes before I respond to his kisses. Ibinaba niya ang kamay ko dahil hindi siya makabwelo. I wrapped it on his waist and gently squeezing him because of what I feel right now. Minutes after, his moves became more natural. Ayaw ko na ring tigilan!


Naramdaman ko ang kamay niya sa may braso ko kaya nagtayuan ang balahibo ko. Ganito pala ang feeling ng hinahalikan. Pero baka naman ma-addict ako, ah. 'Wag naman sana. Bumitaw siya saglit pero naramdaman ko ang sarili kong hinabol pa ang kaniyang mga labi. Napamulat ako at nakita ko ang pagngiti niya sa akin.


"Chill lang. Tama na 'yon."


Kumunot ang noo ko. "Huh? Bakit naman?"

Spill the BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon