Chapter 20

413 12 0
                                        

CHAPTER 20

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na naka-topless siya! Shorts lang ang kaniyang suot kaya agad akong tumalikod. 


"Sus. Nahihiya ka pa rin sa akin," pang-aasar niya sa akin. 


"D-dzuh! Malamang."


"Hindi ko narinig na nag-doorbell ka," aniya. 


"Magbihis ka nga!" reklamo ko at naglakad papunta sa pintuan ng bahay nila. 


"Arte naman. Ngayon ka lang ba nakakita ng nakahubad?"


"Andro!" naiinis kong sabi sa kaniya kahit hindi ko siya nakikita. Narinig ko naman ang pagtawa niya, halatang nang-aasar. 


"Nakabihis na," aniya. Pero mabilis din akong tumalikod dahil inaasar niya ako! Hindi pa rin siya nakabihis. Mas lalong lumakas ang kaniyang tawa dahil sa reaksyon ko. 


Mas lalo akong kinakabahan nang maramdaman ang presensya niya sa likuran ko. Marahan niya akong hinarap sa kaniya. At saka hinawakan ang baba ko. Hindi na ako nagulat nang halikan niya ako. Bumitaw rin siya kaagad at saka ngumiti. 


"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa malambing na boses. "Alam mo na uuwi ako?"


Kumunot ang noo ko. "Hindi, ah! Dinadalaw ko si tita! Nasaan ba siya?" 


Umatras ako nang kaunti dahil sa pagkataranta pero kaaagad niya akong hinawakan sa bewang saka inilapit ang katawan ko sa kaniya. "Wala si mama, umuwi siya ng probinsiya. Tayo lang ang nandito," aniya sa mababang boses. 


Napalunok ako. "Uuwi na ako."


Nang sabihin ko iyon ay humigpit ang hawak niya sa bewang ko. "Pinayagan kita?" 


Sh*t! Sobrang lapit niya sa akin! Wala pa siyang pang-itaas kaya mas kinakabahan ako lalo. Pero mayroon din sa loob-loob ko na okay sa akin dahil maso-solo ko siya ngayon.


"H-hindi," nauutal kong sagot. 


Nanlaki ang mga mata ko nang buhatin niya ako ng pa-bridal style saka sinara ang pintuan at i-lock iyon. Dumilim nang bahagya ang paligid dahil nakasara ang mga bintana na nasa sala. Winawaglit ko sa aking isipan ang p'wedeng mangyari sa amin dahil kami lang dalawa. 


"Usap tayo sa kwarto?" tanong niya. 


"Duda ako sa usap lang," pagsusungit ko sa kaniya. Humawak ako nang mahigpit sa kaniya dahil takot akong mahulog mula sa kaniyang mga bisig. 


Ngayon ko lang napansin na parang mas gumanda lalo ang physique niya kumpara no'ng makilala ko siya. Nag-gym ba siya sa loob ng barko?


Dinala niya ako sa kwarto niya at sinara ang pintuan no'n. Inupo niya ako sa gilid ng kasama saka binuksan ang electric fan na malapit sa nakasara niyang bintana. Ang tanging bukas lang ay ang maliit niyang lampshade na nasa side table kaya nakikita ko pa rin ang kaniyang ginagawa. 

Spill the BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon