Chapter 13

348 14 0
                                        


CHAPTER 13

Hinawakan ni Andro ang aking kamay at saka ako iginiya papunta sa itaas ng kanilang bahay. Nang makaupo sa sofa, tumingin ako sa kaniya. Malayo ang kaniyang tingin, but the madness in his eyes was visible that I couldn't imagine that I would see this early.


"May first-aid ka ba? I will clean your wounds," sabi ko saka hinawakan ang kamay niya.


Napatingin siya roon at napangiti. Nagtungo siya malapit sa TV nila dahil mayroon doong cabinet. May kinuha siyang isang lagayan ng mga panggamot. Bitbit niya iyon hanggang sa makaupo siya sa tabi ko.


Kinuha ko naman iyon mula sa kaniyang kamay at sinimulan nang kumuha ng bulak at tubig. May sugat kasi sa gilid ng kaniyang mga labi. Lilinisan ko muna.


"Sorry," aniya habang pinupunasan ko ang dugo sa gilid ng kaniyang labi. Napatingin ako sa kaniya.


"Why are you saying sorry?"


"Kasi nasaksihan mo ang mga problema namin sa bahay."


Ngumiti ako sa kaniya. "Ayos lang naman sa akin 'yon. Saka lahat naman tayo ay may mga problema. Alam mo, Andro, simula ngayon kasama mo na ako."


"Talaga?" tanong niya na parang bata na hindi makapaniwala. Tumango ako. Lumawak ang kaniyang ngiti saka hinawakan ang kamay ko. "Ako rin, kapag may problema ka, nandito lang din ako, okay? Kapag may problema sa akin o naiinis, sabihin mo kaagad. Aayusin ko. Ayoko kasi ng galit ka sa akin, eh."


Ibinaba ko ang kamay ko. "Why? Am I important to you?"


"You're a very important person."


"Wow, VIP."


But I'm really happy that I'm one of his important people. That I'm one of those he trusted. Kaya sa ngayon ay magiging gano'n din ako sa kaniya. Handa akong maging open sa kaniya. No more secrets because we're like best friends with feelings.


Napatingin ako sa aso na biglang kumahol sa kung saan. Lumabas iyon sa isang kwarto at tumakbo papalapit kay Andro. Golden retriever iyon.


"Toby," tawag doon ni Andro saka hinaplos iyon sa kaniyang mukha. "Na-miss mo ba ako, ha? Ako rin." He happily wagged his tail and licked the hands of Andro.


"You have a dog pala," sabi ko sa kaniya. Saka tumingin sa aso niya na kinukulit siya.


"Oo. Si Toby."


Tumingin sa akin ang aso niya at inamoy-amoy ang bandang paa ko. Nagulat ako nang pumagitna siya sa amin ni Andro at saka humiga sa may mga hita. Bahagya naman akong napangiti dahil doon at hinaplos ang kaniyang ulo.


Napanguso naman kaagad si Andro. "Toby, alis ka muna diyan. Panira ka naman ng moment," sabi ni Andro. Natawa ako nang hindi nakinig sa kaniya ang aso dahil mas lalo lang itong humiga sa may hita ko at pumikit na nga.

Spill the BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon