Chapter 16

282 7 0
                                        

CHAPTER 16

Hindi niya nabanggit sa 'kin na may balak siyang mag-artista. Ang alam ko lang ngayon ay bawal ako magreklamo dahil wala namang kami. Hindi niya rin ako nililigawan, ang tanging pinanghahawakan ko lang ay 'super-duper friends kami'. Silly me, alam ko namang may feelings na involve pero pinipili kong magbulagbulagan.


"Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik simula no'ng umalis tayo sa university," puna ni Andro.


Pilit ko siyang nginitian habang papasok kami sa gate nila. "Ayos lang. Pagod lang siguro sa dami ng ginawa ko kagabi. Don't worry," I told him.


"Sa kwarto ka na lang magpahinga. Mamaya na lang kita ihahatid sa inyo," aniya sa malambing na boses.


"Ayos lang ako. Saka nakakahiya naman sa mga kasama mo baka isipin nila ay snobera ako."


Umakbay siya sa akin habang papaakyat kami sa hagdanan nila. "Hindi 'yan. Mas importante pa rin sa akin ang bebe ko," aniya. Hindi ko alam kung nagbibiro siya o ano, but I like how he act today.


Nang makaakyat kami sa bahay nila ay marami agad na bisita ang bumungad sa amin. Ang ilan ay mga kaklase niya, kapitbahay nila, at ilang mga pinsan mula sa mother's side. All of their faces have smile written on it. You can't deny that they're happy.


"Congrats, pre! Success na nga sa play, may bebe pa," sabi ng isang lalaki.


"Siraulo. Pero thank you," sagot ni Andro at tinapik sa balikat ang lalaki. Hindi niya tinanggi na ako ang girlfriend niya? Tumingin siya sa akin. "Beb, si Roland pala, pinsan ko," pakilala niya.


Tumingin naman ako sa lalaki at saka ngumiti. "Hello. Nice to meet you."


"Nays nays. Sa wakas at nakilala na rin kita. Palagi kang kinekwento sa akin ni Andro. Masiyadong patay na patay sa 'yo. Akalain mo, walang araw na hindi ka niya nababa---" Hindi niya natapos ang kaniyang sinasabi nang bigla siyang akbayan ni Andro.


"Ang daldal mo na. Kumain ka na nga do'n," sabi nito at saka inilayo sa akin si Roland kaya bahagya akong natawa.


Lumapit naman sa akin si tita Annie. "Majesty, anak kumain ka nang marami, ah. 'Wag kang mahihiya, kumuha ka lang ng gusto mo," aniya na ikinangiti ko.


"Opo, tita. Salamat po."


"Kapag na-boring ka, pasok ka na lang sa kwarto ni Andro," huli niyang sambit bago niya ako iwan at pumunta sa mga ilang bisita pa.


Habang kinakausap ni Andro ang mga pinsan niya ay marahan naman akong naglakad papunta sa kwarto niya dahil nauubos na naman ang energy ko. Ewan ko ba, kapag sa pamilya ko ay mataas ang energy but when it comes to other people, it's draining me. Probably I'm not a social person, I prefer to be alone.


Humiga lang ako sa carpet dahil pakiramdam ko ay marurumihan ko ang higaan ni Andro dahil galing nga kami sa labas. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong hinihila ng antok kaya hinayaan ko na rin ang sarili kong makatulog.

Spill the BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon