Chapter 14

337 13 2
                                        

CHAPTER 14

Nang mag-lunes ay medyo tanghali na rin ako pumasok dahil 10:30 na rin ang class namin. Paglabas ko ng parking space ay naabutan ko kaagad si Andro na nakaupo sa gilid ng puno mapalapit sa exit. May hawak siyang paperbag at saka nakasukbit sa kaniyang mga balikat ang kaniyang bag.


"Andro," tawag ko.


Mabilis siyang tumingin sa akin at saka ngumiti. "Good morning," bati niya. He tapped my head gently. "How's your weekend?"


"Okay naman. I spent my days in the house. How about you?"


"Working..." Inabot niya sa akin ang paperbag. "Para sa 'yo."


"Thank you," sabi ko at saka kinuha iyon mula sa kaniyang kamay.


"Nga pala, Hindi muna kita masasamahan kumain mamaya, ah? Dami kasi tatapusin sa drama club kaya baka snack-snack lang muna ako."


"Sige. Ayos lang naman sa akin. I have class pa. Una na ako," paalam ko.


"Study well, ma'am."


Iniwan ko na rin siya roon dahil tinawag na siya ng isang lalaki at hindi ko naman kilala. Habang papasok ako sa building ay may humila sa akin kaya nagulat ako. Nagpumiglas ako pero mahigpit ang hawak niya at dinala ko sa gilid ng hagdanan. Nabigla lalo ako nang i-corner niya ako roon gamit ang kaniyang isang braso.


Nang makilala ko kung sino iyon ay kaagad ko siyang sinamaan ng tingin. Si Roscoe.


"Anong ginagawa mo?" matapang kong tanong sa kaniya at tinaasan siya ng isang kilay.


His face darkened. "Are you dating him?"


"So what if I'm dating him?"


His jaw clenched. Bigla akong natakot dahil baka kung anong gawin niya sa akin dito. "Do you know his life status? He's poor, Majesty."


I smirked. "And? Do I look like I care about his status? He's not violent and a pervert like you, Roscoe. Could you please stay away from me? I want to vomit in your face."


Lumayo siya nang kaunti pero akala ko ay tuluyan siya lalayo pero bigla niyang itinaas ang kaniyang kamao. Napapikit ako nang iamba niya iyon hanggang sa maramdaman ko na lang na tumama iyon sa pader na nasa likuran ko. Dahan-dahan akong nagmulat at kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mukha.


Ano bang problema niya?


Wala naman akong naalalang ginawan ko siya ng mali.


"Roscoe!"


Kaagad akong tumakbo kay Andro nang dumating siya at sumigaw. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at saka itinabi ako. Kaagad niyang sinugod si Roscoe at sinapak ito. Halos napasinghap ang ilan dahil sa pagkabigla.

Spill the BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon