Chapter 11

401 14 0
                                        

CHAPTER 11

"Don't worry, okay? Mabait siya pero mapang-asar lang. Ipapakilala ko siya kapag alam kong siya na. Sa ngayon, just let me enjoy the moments," nakangiti kong sabi sa kanila.


"What if he has hurt you?" tanong ni Verdell, halatang nag-aalala dahil sa tono ng kaniyang boses.


Inakbayan ko siya. "You don't have to worry, Verdell kapag sinaktan niya ako, kayo ang unang sasabihan ko. Please, keep it as a secret for a while. Gusto ko munang masiguro ang nararamdaman ko."


"Make sure of it, Majesty. Ako ang unang haharap sa kaniya kapag pinaiyak ka niya," may pagbabantang sabi ni Vermont. Tumango ako at saka ngumiti sa kanilang dalawa.


Matapos no'n ay naghanda na rin kami sa pagsha-shopping. Gusto na rin sumama ni Verdell dahil wala naman daw siyang gagawin. Ang mga magulang naman naming ay nasa trabaho. Si mommy ay nasa restaurant while dad is at the university, working as a professor. Of course, English professor. Mabuti nga si daddy ay hindi gaanong strict when it comes to speaking. He understands if the students don't have any confidence to speak because they're afraid to judge by others.


"Mahilig magluto ang mama niya. What should I buy?" I asked them while we're inside the supermarket.


"Ingredients or any foods," suggestion ni Verdell.


"You can also buy her a pan or name customized spatula," suggestion naman ni Vermont.


Napanguso ako kaagad. "I don't know the name of her mother."


"Surname." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Tama nga naman. P'wede naman apelyido niya.


Pagkatapos naming mamili ng mga processed food ay dumiretso naman kami sa may kitchen sets area para bumili ng spatula at ng pan. Habang papalabas na kami ng supermarket ay tumawa si Verdell sa tabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"Kapag hindi naging kayo niyan, ewan ko na lang sa 'yo," nang-aasar niyang sab isa akin.


"Epal mo. Kapag ikaw ang nagkagusto, tatawanan din kita," pang-aasar kong pabalik saka siya pabirong inirapan.


After we did the grocery thing, we just ate in the near restaurant and straight to the clothe shop. Bumili si Vermont ng damit panregalo kay Iaeious na kaibigan niya rin na kabanda. I haven't seen him dahil palagi naman na sa labas nagpa-practice sina Vermont.


Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil maaga rin ang class ko. Nilagay ko na lang din sa compartment ang mga pinamili kong groceries na dadalhin ko mamaya sa bahay nina Andro. Paglabas ko ng parking area ay Nakita ko mula malayo si Andro na may kasamang apat na lalaki at nakikipagtawanan sa mga ito. Nakilala ko kaagad ang isa sa kanila dahil isa siya sa mga sikat dito sa campus naming dahil nga raw g'wapo at matangkad. Ewan ko lang kung may laman ang utak.


Kaibigan din ba sila ni Andro?


Masasalubong ko sila pero wala naman akong pakialam, nasa pathway naman ako. Pero makikita mo ang mga ilang estyudante na napapahinto dahil sa kanila. Ang ilan ay nagtitilian, bulungan at ang iba pa ay pinipicturan sila. Nagtama ang mga tingin naming ni Andro nang malapit na sila sa akin.

Spill the BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon