CHAPTER 8
Hindi na rin ako nanood kinabukasan dahil hindi ako pumasok hanggang sa Friday. Hindi na rin ako umattend ng after-party. Iyong sapatos naman ni Andro ay pinaabot ko na lang kay ate Veronica. Pinandigan ko na lang ang pag-iwas ko sa kaniya.
Nang mag-linggo ay nag-announce ang school namin na magkakaroon kami ng academic break for one week kaya tuwang-tuwa ako dahil nag-set din sina mommy ng trip to Batanes. Lahat kami ay inispend ang one-week na 'yon para makapag-catch up sa isa't isa.
Nakaupo kaming tatlo nina Vermont at Verdell sa tabing-dagat habang papalubog na ang araw. Pinagmamasdan namin ang malawak na karagatan.
"How's life?" tanong kaagad ni Vermont sa amin.
I smiled faintly. "Complicated."
Mabilis na tumingin sa akin si Verdell. "Bakit? Lovelife? May lovelife ka na?"
"I don't know either. . ." Sumulat ako sa buhanginan ng pangalan ko. "I'm confused about my feelings. Baka nasasanay lang ako na kasama ko siya kaya pakiramdam ko ay gusto ko siya? Pero I can't accept the fact that he doesn't fit my standard."
"Majesty, love isn't about standard. Kapag tinamaan ka, tatamaan ka talaga at wala kang magagawa roon," sabi sa akin ni Verdell.
"Well, that's true. Kahit gaano pa kataas ang standard natin, if someone reached our heart, we can't do anything," dagdag naman ni Vermont.
Napanguso ako dahil mukha wala talaga akong magagawa sa feelings ko para kay Andro.
"Who's the lucky guy?" tanong ni Vermont saka ngumiti sa akin ng todo.
"Hindi pa ako sigurado sa kaniya. Basta kung sino ang unang dadalhin ko sa bahay or ipapakilala, siya na 'yon," sagot ko sa kanila. "Kayo ang unang makakikilala sa kaniya."
"Tell me about him, Majesty. I want to hear about him and why did you fall for him," sabi ni Vermont.
Biglang pumasok sa alaala ko si Andro. I looked at them and started to talk about him. "He's so daldal, mas madaldal pa sa akin. Friendly siya, mapang-asar pero gentleman paminsan-minsan. Gustong-gusto niyang inaasar akonat hindi yata nabubuo ang araw niya kapag hindi ako naiinis. Pero kahit ganoon ay nakikita ko ang pagiging caring niya. Hindi ko alam kung nadadala lang ba ako sa aksyon niya dahil siya lang naman ang nakakalapit sa akin or may iba pang dahilan."
Nagtinginan silang dalawa bago ngumiti sa akin. "You know what, Majesty. It takes time to know if the person. Hindi naman porke't gusto mo siya ngayon ay mahal mo na siya," paliwanag sa akin ni Vermont.
Napatingin ako sa kanila at napailing. "Kaya nga, hindi naman love agad 'to. Crush lang... crush pa lang yata, okay?"
Nagtawanan agad silang dalawa. Si Verdell may pilyong ngiti, siniko ako nang bahagya. "Sige, crush lang daw. Pero baka mamaya kapag nakita namin kayo niyan sa school n'yo nang magkasama, nakangiti ka na ng todo, ah."
