Chapter 17

214 6 0
                                        

CHAPTER 17

After he sent me the message, I rushed to the hospital where they could be. Sa pinakamalapit lang at saka kung saan kami nagkita noon ni tita Annie. When I arrived, I asked the information desk. I have a mixed feelings right now. Sana ay hindi malala ang lagay ni tita.


Nang makita ko si Andro na nakaabang sa operating room ay kaagad akong lumapit sa kaniya. "Kumusta si tita?" tanong ko sa kaniya na may pag-aalala.


He immediately hugged me. "Ano'ng ginagawa mo rito? Bumiyahe ka pa mag-isa."


Hinarap ko siya nang makakalas ako mula sa pagkakayakap niya. "Nag-aalala ako kay tita. Ano bang nangyari?"


He looks frustated. "Nagluluto siya kanina nang manghina raw ang kamay niya kaya nabitawan ang hawak niyang kawali kaya ayun bumagsak sa paa niya."


"Nasa loob ba siya?"


Marahan siyang tumango. "Dahil nga mainit ang kawali ay maaari siyang magkaroon siya ng burn degree pero ang sabi ng Doctor ay hindi naman raw sobrang lala."


Sakto namang bumukas ang operating room at lumabas doon ang Doctor. He removed his facemask. "She's fine now. Ililipat na namin siya sa ward para makapagpagaling. Pero within 24 hours ay p'wede naman na siyang umuwi," sabi ng Doctor.


"Salamat, Doc.," saad ni Andro bago tuluyang umalis ang Doctor.


Nang makaalis ito ay tumingin ako kay Andro na nakatingin na rin sa akin. "May aasikasuhin pa ba sa bills? I can ma-"


Natigilan ako nang halikan niya nang mabilis ang mga labi ko. "We can manage, beb. Don't worry. Ako na ang mag-aasikaso ng bills, dito ka na lang," aniya.


"Sasama ako."


He chuckled. "Okay, okay."


Matapos naming magbayad ay dumiretso kami kung saan inilipat na kwarto ang kaniyang ina. Nagpapahinga ito kaya dahan-dahan kaming pumasok sa kwarto.


"Magkasama na naman kayo," rinig kong sabi ng kaniyang ina, halatang nagbibiro. "Kapag kayo naghiwalay pa niyan."


"Ma, naman. Hindi pa nga ako sinasagot, eh," reklamo kaagad ni Andro sa ina.


"Ayusin mo kasi ang ugali mo para hindi ma-turn off sa 'yo."


Natatawa na lamang ako sa usapan nilang dalawa. Close na close lang din talaga sa isa't isa. Maybe the reason they only have each other to lean on. Kahit na walang suporta ang ama ni Andro sa kanila ay maayos pa rin ang pamumuhay nilang mag-ina at kanilang relasyon.


After few hours ay umuwi na rin ako. Hindi na ako nagpahatid kay Andro dahil nagpadaan na lang din ako kay Vermont. Nang mkaarating kami sa bahay ay naabutan naman namin si Verdell na nasa sala.


"Thailand daw tayo next week sabi ni mommy," aniya kaya tumakbo ako papalapit sa kaniya.


Spill the BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon