CHAPTER 15
Nang umalis siya, narinig ko na naman ang singhapan ng mga nasa loob, ang iba naman ay tumitili at tawa nang tawa. Tumingin ako kay Andro na may pagkabigla sa kaniyang mukha.
"Sinabi ko lang 'yon para mapaalis siya," sabi ko at akmang babalik sa kinauupuan ko kanina nang hawakan ni Andro ang palapulusuhan ko.
"Isa pa," biro niya.
Itinaas ko ang kamao ko. "Ito, gusto mo, isa pa," pagsusungit ko saka siya tinalikuran.
Inaasar naman ako ng mga nakasama ko kanina sa pwesto ko. Kumuha na rin ako ng papel at tumulong sa ginagawa nila. Napatingin ako kay Andro na may ngisi pa rin sa kaniyang mga labi. Inirapan ko siya saka bumalik na sa ginagawa ko.
Ilang oras din ang lumipas, ay natapos na sila sa lahat-lahat ng gagawin, kaya naman nag-meeting na sila for the last time. Pagkatapos no'n, ay kani-kaniya na rin alisan at siyempre, unang-una na ang president dahil may date pa kaming dalawa... ay hindi, gala lang pala.
Alas-kuwatro pa lang naman kaya marami pa kaming mapupuntahan niyan. Hawak-hawak ni Andro ang kamay ko habang papunta kami sa may parking area. Hindi ko na lang inalis iyon dahil kukulitin niya lang ako hanggang sa mainis na.
Nang makarating kami sa harap ng single, ngiting-ngiti na naman siya sa harapan ko kaya napairap ako sa kaniya. "Problema mo? Are you happy dahil bumalik ang ex mo?"
He ruffled my hair. "You sound jealous, babe," pang-aasar niya na naman.
Mapakla akong napangiti. "Bakit naman ako magseselos? We're friends at kung ang iniisip mo ang ginawa ko kanina ay dahil sa selos, mali ka ng iniisip, okay? I did that bec—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng halikan niya ako. Ipinikit ko ang mga mata ko at tumugon sa mga halik niya. Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang ang malamig na pader sa aking likuran. Ilang minuto rin ang tinagal no'n hanggang sa pareho na kaming bumitaw.
Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. He brushed my lips using his finger. I saw how his smile became visible on his face. He kissed my cheeks. "Ihahatid na kita sa inyo. Next time na tayo mag-date kapag naka-move on na ako sa kiss mo ngayong gabi."
Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Hindi ako makasagot dahil sa pagkabigla. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa tapat na ng gate namin. Kaagad akong tumakbo paloob ng bahay nang makaalis siya.
Dumiretso ako sa kwarto at dumapa sa kama. I wiggled my feet. Shucks! Isa yata iyon sa pinakamatagal naming halikan. I mean, no'ng una naman kasi wala pa akong nararamdaman para sa kaniya, pero kanina, iba! Napatihaya ako at napatitig sa kisame. Napahawak ako sa labi ko habang inaalala ang nangyari kanina. Para akong nananaginip.
Pinakiramdaman ko ang puso ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang hindi na ito normal. Talaga naman, oh.
Dahil maaga nagising kinabukasan, nakapaghanda pa ako ng susuotin. Wala kaming dress code ngayon sa university dahil nga may event sa school. Last day na rin talaga kaya naman panigurado ay maraming manonood. Meron ding galing sa mga labas na hindi nag-aaral sa campus, ilang direktor at theater actors. Kaya pressure talaga sa kanila.
