CHAPTER 10
After that day, we became close to each other. It's been a week, and I got to know more about him. Doon ko lang siya lalong nagustuhan kaya alam ko sa sarili ko na wala na akong kawala dahil sa mga pinapakita niya. Sana bago matapos ang taong ito ay magkaroon naman kami ng progress. Kahit aminan stage ay ayos na sa akin. Sa susunod na lang ang ligawan. Tutal, we're already kissing each other once we're alone. Tho, for others it's awkward when in fact for me, I love it! He's also the one who insisted on the kiss, so I let him.
"Majesty! Beb." Napalingon ako dahil sa tawag niyang iyon. Pagkakita ko sa kaniya ay may mga ngiti na sa kaniyang mga labi. Nang makalapit siya sa akin ay kaagad siyang humalik sa pisngi ko na ikinagulat ko! Narito kasi ang ibang ka-blockmates ko dahil may meeting. Lahat sila ay napaiwas ng tingin pero halatang nang-aasar ang mga labi. "Kumain ka na? Nagdala ako ng palabok saka pandesal. Niluto namin ni mama. Kain tayo?"
"Later. I will finish our meeting first. Do you wanna go first?"
Umiling siya kaagad. "Sabay na tayo..." Tumingin siya sa mga groupmates ko. "Hi, guys. Ako pala si Andro, super-duper friends ni Majesty," pakilala niya kaya lumakas tawa ng mga nandito. Ibinalik niya ang tingin sa 'kin. "P'wede ako maghintay sa tabi mo?"
Pabiro ko siyang inirapan saka inayos ang papel na hawak ko. "Doon ka sa kabila. Madi-distract mo sila," pagsusungit ko kaagad.
"Sila o ikaw?" pang-aasar niya sa akin na sinabayan ng mga kasama namin. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko dahil doon. Baka mahalata nila na may gusto ako kay Andro!
Kaagad ko siyang hinampas sa kaniyang braso. "Tabi. Doon ka sa far away." Tinawanan niya muna ako bago siya sumunod.
Napatingin naman ako sa mga groupmates na nang-aasar na nakatingin sa akin. "Taray naman, Pres. Sana all may pa-super-duper friends," sabi ng isa.
Natawa na lamang ako sa kaniyang sinabi. Iba ang super-duper friends' definition naming ni Andro. We're friends pero we kissed, gave food, and cared to each other. Masaya kami kung anong meron kami. O baka ako lang? Sana ay hindi.
Pagkatapos ng meeting naming ay kaagad na umalis ang mga blockmates ko dahil alam nilang nandiyan si Andro. Speaking of ay nasa tabi ko na siya at tinutulungan ako sa pagliligpit ng gamit ko. "Gusto mo dito na tayo kumain or sa canteen?" tanong niya.
"Anywhere you want. Kahit saan naman ay ayos lang sa akin," sagot ko.
"Weh? Sa canteen na lang tayo para malamig. Namumula na pisngi mo, eh. Naiinitan ka ba o kinikilig ka sa akin?" Nang-aasar na naman siya! Hilig niya talaga ako asarin.
I looked at him and rolled my eyes. "Ang kapal ng mukha mo. Baka ikaw ang kinikilig," sabi ko.
"Sus. Ayaw lang aminin sa akin. Sige, ayos lang naman sa akin."
"Whatever, Andro. Let's eat," aya ko. I'm about to clang my bag on my shoulder but he gently get it from my hands and he's the one who bring it. "Magaan lang naman 'yan."
