Chapter 19

180 7 0
                                        

CHAPTER 19.


Matapos niyang makaalis papunta sa training ay mas naging malungkot ang buhay ko. Isang buwan na rin ang nakakalipas at totoong nami-miss ko na siya. Kayang-kaya ko siyang tawagan o i-text pero hindi p'wede because I don't want to distract him.


"Ang lungkot ni Pres. simula no'ng second sem, bakit kaya?" rinig kong sabi ng isa sa mga kaklase ko.


"Naku. Ang mga marino kasi ay nasa barko kaya ayun wala ang kaniyang bebe," sagot naman ng isa. 


I sighed heavily. "Naririnig ko kayo," walang gana kong sabi bago tumingin sa kanila.


Ang mga kaklase kong malapit sa aking upuan ay nakatingin sa 'kin, mukhang naaawa sila sa sitwasyon na meron ako. They can't do anything, sadyang nami-miss ko lang si Andro. Gusto ko na magpalambing sa kaniya, magsumbong, at sumama sa kaniya buong araw. Paano ko 'yon gagawin kung nasa malayo siya?


"Hindi ba kayo nag-uusap, Pres.? May signal naman doon, ah."


Hindi ako sumagot. They don't know what happened between us. Tanging ang pamilya ko at mama ni Andro ang nakakaalam. Ayokong maraming makaalam dahil alam ko namang magiging maayos din kami ni Andro. Hihintayin ko lang na matapos ang kaniyang training.


"Lalo niya lang mami-miss 'yan," pagsingit ni Ele kaya natigil sa kumpulan ang mga kaklase ko. "Tama na 'yan. Oh, kumain ka na, Majesty. Ako muna mag-aalaga sa 'yo dahil binilin ka sa akin ni Andro pero 'wag kang mafa-fall, ha?" biro niya sa dulo.


Natawa rin tuloy ang mga nasa paligid namin. "Hindi ka type niyan, Eleasar. Mga gusto niyan, marino," sabi ng isa.


Ngumiwi naman si Ele. "Hindi ko rin siya type, 'no? Kung hindi ko lang kaibigan si Andro, target ko rin 'yon," dagdag niyang biro kaya nagtawanan kami.


Kahit papaano, hindi man madalas ay nababawasan ang lungkot ko dahil Ele. Mahilig kasi siyang magbiro lalo na sa klase kaya nakakalimutan ko ang dala-dala kong mga problema. Kapag tapos naman ng school ay didiretso kaagad ako sa bahay para pumasok sa kwarto.


Sanay naman akong nag-isa pero nang dumating sa buhay ko si Andro, siya na naging sentro ng lahat! Then, that was I realized na hindi dapat gawing mundo ang isang tao. Kailangan may ginagalawan pa rin tayo, where we can grow and build ourself.


Narinig ko ang pagkatok mula sa pintuan. "Pasok!" sigaw ko dahil gumagawa pa ako ng recipe book na assignment namin. Medyo matagal pa naman ang deadline pero ginagawa ko na para wala na akong problema.


"Labas tayo?" tanong ni Verdell.


Nilingon ko siya at nakadungaw siya sa may pintuan. Bumukas pa iyon lalo at nakita ko naman si Vermont na naroon din. He smiled and wave at me.


"Let's go outside?" malambing niyang tanong.


Hinarap ko ulit ang laptop ko. "Ayoko nga. Paiiyakin n'yo lang ako, eh." Napatili ako nang bigla nila akong buhati dalawa. "Ayoko nga!" reklamo ko kaagad. "Ibaba n'yo ako."

Spill the BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon