Chapter 1

630 18 0
                                    

CHAPTER 1.

The rising star Edrei Vilmeridi rumored secretly dating with his co-star Stafanie Meneses


"Anong masasabi mo sa bagong chismis ngayon, Majesty?" tanong sa akin ni Eleasar na kaibigan ko rin dito sa classroom namin. Umiwas ako ng tingin mula sa kaniyang cellphone nang Mabasa ko iyon.


"May dapat ba akong reaksyon, Ele? It's his job! Wala ako dapat maging reaksyon dahil alam ko naman kung ano ang nangyayari behind the cameras," paliwanag ko sa kaniya.


Bumuntong-hininga naman siya sa sinabi ko. "Pero you still have rights. Hindi naman yata tama na tanggapin mo na lang kung ano ang balita," aniya.


"Pero what can I do? Hindi naman alam ng public kung anong merong buhay si Andro behind cameras."


"Speaking of," aniya kaya napalingon ako sa tinitingnan niya. Narito kami sa bonza dahil katatapos lang ng midterm naming kaya nanlumo lang ako lalo nang makita ang balita.


Nakita ko ang lalaking naglalakad papunta sa amin habang may ngiti sa kaniyang mga labi. His dimples visible in his cheeks that made him more attractive. He's also wearing the white polo shirt and a black trouser with white shoes. Nang lumapit siya sa amin ay kaagad siyang humalik sa mga labi ko.


"Hi, babe. . ." Tumingin siya kay Ele. "Hi, Ele long time, no see." Naupo siya sa may tabi ko. "Okay ka lang?" tanong niya kaagad at saka ako hinarao nang mabuti.


Hindi ko siya pinansin at tumingin kay Ele. I signed him to go pero tumingin din sa kaniya si Andro at saka pinakita ang cellphone niya roon. Nabasa ko na naman ang issue niya. Masakit sa 'kin na mabasa iyon kung totoo naman dahil ako ang girlfriend niya. I'm his girlfriend behind the cameras. Pero iba kapag nasa camera.


"Uhm, aalis muna ako," paalam ni Ele. Akmang tatayo rin ako katulad niya nang hawakan ni Andro ang palapulsuhan ko.


Hindi ako umupo at nanatiling nakatayo habang tinitingnan si Ele. "Babe, please sit. Mag-usap tayo," sabi ni Andro.


Naupo ako saka siya hinarap. "Whatever you see, hindi totoo iyon, okay? Ikaw lang ang girlfriend ko," aniya. Hinaplos niya ang kamay ko at saka ngumiti. "How can I make my girlfriend happy?"


"Kapag sinabi ko bang umalis ka sa showbiz, you can do it?" Mapait akong ngumiti. "Silly me. I know you can't do that because it's your job. You're earning money from it."


"Sorry. But I'm assuring you that no other girls than you. Ikaw lang ang mahal ko."


"I'm jealous when I read it. Ang daming naniniwala." Napanguso ako. "Balik na tayo sa dati? Where we can date everywhere."


He hugged me. "Pagkatapos kong mag-ipon, I'll leave showbiz," sabi niya sa akn. "Pero sa ngayon, let's date?" aya niya habang nakangiti.


Tumango naman ako kaagad at saka humawak sa nakalahad niyang kamay.


We've been together for almost two years. Nakilala ko siya no'ng 2nd year college ako while him is on his 3rd year. Now, I'm currently a 4th-year-student while he's already graduated and working as an actor. Mabilis ang pagsikat niya in his one-year journey dahil sa appearance niya, connections dahil friendly si Andro at higit sa lahat ay sa personality niya.

Spill the BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon