Chapter 2

224 14 4
                                    

“Majesty!”

“Vermont, anong ginagawa mo rito?” tanong ko nang makita siya. His forehead knotted when I faced him.

“Para kang nakakita ng multo. Are you okay? You left your lunch box. Mom told me to give you this...” Inabot niya sa akin ang baunan. “Are you okay? You look pale.”

Mapait akong ngumiti sa kaniya. “I’m fine. Mamaya pa ang class kong one. We don’t have a professor at this hour.”

He looked at his watch. “Maaga pa, ah, and I have classes later. Gusto mo bang ihatid kita sa condo? Then, I’ll book you a ride when you’re back here.”

“P’wede ba?” tanong ko.

Tumango siya. “Let’s go.”

Matapos ang araw na ‘yon ay iwas na iwas na ako sa building ng mga Marine. Ayaw kong makita si Andro dahil sa nangyari sa gymnasium! Nando’n pati ang mga kaklase niya kaya naman nakakahiya talaga. Napa-chat pa sa akin si ate Veronica kinagabihan at tinanong ako kung ayos lang ba ako.

Nakakahiya talaga! I’ll never meet that man again. Sana lang ay hindi siya ulit awayin nina Persian. Dahil kapag nagkataon ay nasa building na naman namin siya!

“Miss first kiss ni Andro!”

Napapikit ako dahil narinig ko ang pangalan ni Andro and what they called me? Hindi ko nakikita si Andro pero ang mga kaklase niyang nakakita ay oo. Binansagan pa nila akong first kiss ni Andro!

Hinarap ko sila at nandiyan na naman ang mga mapang-asar nilang ngiti. “P’wede bang tigilan n’yo na ako? I don’t know him so stop linking my name with him.”

“Bakit? Nakakahiya ba ako, miss?”

Natigilan ako dahil kilala ko na kung kaninong boses iyong nagsalita mula sa aking likuran. Napalunok ako dahil hindi ko alam kung lilingon ba ako o hindi. Huminga ako nang malalim bago harapin si Andro.

“Excuse me?”

“Excuse me,” he mocked me. “Dadaan ka? Oh, tatabi ako,” aniya saka gumilid. Umakto rin siya na binibigyan niya ako ng daan.

I rolled my eyes at him before I left. Ang ugali talaga. Akala ko pa naman noon ay mabait siya at kinakawawa lang ng tatlo. May tinatago pa lang mapang-asar.

Wala pang isang oras ay nakita ko na naman siya kasama ni Prof. Mercedes. Siya ang naghatid kay ma’am dahil marami itong bitbit na mga papers. Iyon ang mga reflection papers na pinasa namin no’ng nakaraang meeting.

Nang magtama ang tingin namin ay tumaas ang sulok ng kaniyang mga labi. Samantalang ako ay sinamaan lang siya ng tingin bago irapan.

“You can take your long quiz at the back, Andro.” sabi ni Prof. Mercedes. What?

“Thank you, Prof.” Kinuha niya ang questionnaire at answer sheet kay ma’am bago nagtungo sa likuran.

“Ms. Villavicencio, assist him, please,” utos sa akin ni Prof.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo at saka sundan si Andro sa likuran. Hinila ko ang upuan na nasa last row dahil bakante naman iyon. Siya na ang nagbuhat no’n papunta sa gitna at pinakalikuran.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spill the BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon