CHAPTER 6
Kinabukasan ay nagising ako na masakit ang puson ko. Wow, red days na naman. Magaling. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng heating pad sa baba nang makita ko si Vermont. Kaagad siyang lumapit sa akin.
"Are you okay?"
Napanguso ako kaagad. "Masakit puson ko."
"Okay. Stay in your room. I will get you a heating pad."
Tumango na lang ako bago bumalik sa kwarto ko. Nag-chat na rin ako sa gc namin na hindi ako makakapasok kaya sa vice ko na lang iyon binigay. Hindi ko talaga kaya. Malala kasi ang cramps ko, eh.
Bumukas ang pintuan at nando'n si Vermont na may dalang heating pad. Nasa likuran naman niya si Verdell na may dalang tray ng pagkain. Parehas silang naka-uniform dahil may klase nga sila.
"Thank you, both love you!" I smiled. "Iwan n'yo na ako. Kapag may kailangan ako, kay ate Cecil na lang ako magpapatulong."
"Are you sure?" tanong ni Vermont. Napatango ako. "I'll send you to the hospital if you want."
"Ang OA mo na naman. Sige na."
"Okay. Pagaling ka," sabi naman ni Verdell.
I spent my day in my room. Maaga rin nakauwi sina mommy at daddy nang malaman nilang masakit ang puson ko. Mukha tuloy akong baby na inalagaan nila pareho ngayong araw. Napangiti naman ako dahil na-miss ko rin talaga silang dalawa.
Katulad ngayon, kahit pagod sila ay sinamahan nila ako sa kwarto. They're sleeping to my both sides. Ako ang nasa gitna nila. Ganito kami dati no'ng mga bata pa kami nina Vermont at Verdell. Palagi kaming natutulog sa gitna nilang dalawa.
Kinabukasan ay walang klase pero may seminar sa gymnasium kaya pinapunta ko na sila dahil nasa akin ang attendance.
"Uy, pumasok siya. Nakikita ko na naman ang nakakasuya niyang mukha," pagpaparinig ni Andro habang nagche-check ako ng attendance.
"Hiyang-hiya naman ako sa mukha mo," pang-aasar kong pabalik bago tumingin sa kaniya. He chuckled and handed me a chocolate bar.
"Sungit na naman. Oh, para naman ganahan kang makita ako ngayon."
"Ang kapal ng mukha mo," naiinis kong sabi.
"Alam ko. 'Wag mo nang i-emphasize," aniya. "Makapal at g'wapo," dagdag niya pa kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi ko na siya pinansin at nilagpasan. Kani-kaniya naman kalasan ang mga kaklase ko ng upuan dahil may mga gustong katabi sa ibang program. Kaya ako na naman ang naiwan. Napabuntong-hininga na lang ako at naupo sa may upuan na nasa ikatlong row mula sa dulo.
Uusog sana ako sa pinakaunahan nang may umupo roon. Si Andro. Ngumisi siya sa akin at mukhang nang-aasar na naman.
