Chapter 7

424 19 2
                                    

CHAPTER 7

Sa ilang oras naming magkasama ni Andro ay nalaman ko na President pala siya ng drama club. Hindi ko rin alam ang dahilan niya kung bakit siya sumali doon eh malayo naman ang kursong kinuha niya sa drama club.


Inabot din ng lagpas isang oras ang meeting namin dahil pinag-usapan ang magiging foundation week next week. Abala na nga ang ilan dahil naka-assign sila sa mga booths and programs. Ako naman ay hindi officer ng org. namin kaya naman attendance saka materials ang gawain ko.


"Ihahatid muna kita sa parking para makuha ko na rin 'yong gamit ko. Dadaan kasi ako sa drama club," aniya habang papalabas kami ng AVR.


"Uuwi na rin naman na ako diretso. Magtatagal ka ba roon? I'll go wih you," sabi ko.


Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Sigurado ka, ah? Ichecheck ko lang kung matatapos na ba sila ang props. May program kasi sa December. Manood ka, ah?"


Tumango lang ako at saka siya sinundan siya papunta sa admin building. Nasa 2nd floor ang drama club at saglit lang din ay nakarating na kami. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at narinig namin ang ingay ng mga nasa loob.


"Ayay! May kasama si Pres.! Sino 'yan, Pres? Girlfriend mo?" tanong ng isa nilang kasama kaya halos nagtinginan sa amin ang lahat.


"Majesty!" tawag ng lalaking nasa gilid. Nakilala ko siya dahil si Dos iyon, kabanda ni Vermont at paminsan-minsang nasa bahay kapag may practice sila. "Wow. Kayo ni Pres?" tanong niya nang makalapit.


I shook my head. "It's far from your imagination," sagot ko.


Nakita ko namang naglakad si Andro papunta sa mga kasamahan niya kaya kaagad akong sumunod. Si Dos naman ay natatawa sa ginagawa ko dahil para akong bata na sumusunod kay Andro at takot maiwan sa isang tabi.


Nasa likuran lang ako ni Andro habang nagtitingin siya ng mga props nila. Inilibot ko ang aking tingin sa buong club nila, ang dami nilang gamit dito. May costumes, props, backdrop and more.


Napahawak ako sa likurang bahagi ng damit ni Andro dahil naglalakad na naman siya.


"Matatapos na pala ang isang 'to. Bale sa susunod na linggo ay magfofocus naman tayo sa actors. More than a month pa naman ang preparation pero mabilis na lang 'yon," paliwanag niya sa mga kasama niya.


Dahil sa likot ng kamay ko ay kinuha niya iyon at pinagsaklop ang mga daliri namin. Hindi ako nagreklamo dahil lumalayo na siya.


"Itong costume ni Wendy, pakiayos nang kaunti parang mapupunit," sabi naman niya sa iba pang grupo.


Habang nag-i-ikot kami ay hindi ko namang maiwasang hindi mapatingin sa kamay niyang hawak ako. Tumingin sa akin si Andro bago inilibot ang tingin. Lumapit kami sa mga upuan saka ako pinaupo roon.


"Diyan ka muna. Babalik din ako kaagad," aniya. "Hindi ako makapag-focus para akong may asawang dala-dala," biro niya.

Spill the BeansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon