CHAPTER 9
Dahil uwian na rin namin ay pumunta ako sa drama club. Tingnan natin kung makakatakas ka pa ngayon.
Pagsilip ko sa pintuan nila ay abala ang lahat sa kanilang mga ginagawa. May nagpa-practice ng linya, may gumagawa ng props, costumes, at mga tao sa backdrop.
Hinanap kaagad ng mga mata ko si Andro at nakita ko siyang naggugupit malapit sa backdrop.
"Huy, Pres. Walang special ticket sa play, ah. Baka mamaya mamigay ka naman sa bebe mo," sabi ng kasama niya.
He has a girlfriend already.
"Tss. Parang meron, ah," walang ganang sagot ni Andro.
Napatingin sa akin ang babae na kausap ni Andro at saka kinalabit siya. Nang titingin si Andro sa gawi ko ay marahan kong isinara ang pintuan.
Nakita ko ang bench na nasa gilid kaya umupo muna ako. Kung panghihintayin niya ako ng ilang oras ay ayos lang naman sa akin. Basta alam niyang hinihintay ko siya.
Pero maya-maya lang ay bumukas ang pintuan kaya napatingin ako roon. Nakita ko kaagad si Andro. Walang emosyong nakatingin sa akin bago marahang isara ang pintuan.
"May kailangan ka ba?" tanong niya. "Bakit napunta ka rito?"
Dahan-dahan akong tumayo saka siya hinarap. I met his eyes. Gusto ko nang magsalita pero hindi ko na mabuka ang aking bibig sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang usapan namin.
Should I say sorry?
"Ano? Tititigan mo na lang ako?" seryoso niyang tanong. Wala talagang bahid ng biro roon. I missed the joker, Andro. "Marami pa kasi akong gagawin sa loob."
Ano na, Majesty!? Magsalita ka naman na. Oh my God! This is not the usual me. I'm brave to everything, but it seems that I'm defeated when it comes to him.
Huminga siya nang malalim. "Kung wala ka namang sasabihin, babalik na ako sa loob."
Akma siyang aalis nang hawakan ko ang palapulsuhan niya. Napatingin siya roon saka marahang bumalik sa pwesto at tinanggal ang pagkakahawak ko.
"The shoes. Bakit hindi mo tinanggap?" tanong ko, kalmado.
"Eh? Bakit ko naman tatanggapin? Sabi mo nga, we're not friends. Hindi ako tumatanggap ng regalo from strangers. Parehas naman clear sa atin na hindi tayo 'magkaibigan', we're just strangers."
Tumaas ang isa kong kilay. "Are you serious?"
"Bakit? Totoo naman, ah. You told me that for many times kaya tanda ko na. Nagawa mo pa nga akong hindi pansinin ng dalawang linggo. I mean tinataguan mo ako, 'di ba?"
I bit my lower lip. Tama siya. Totoo ang sinabi niya. Palagi ko siyang tinataguan dahil iniiwasan ko ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ayokong lumalim iyon pero habang tumatagal ay doon ko lang nare-realize na wala na akong magagawa.
