Chapter 18

3 0 0
                                    


Marahas na napabuntong hininga si Chandra.

Naihatid na sila sa isla nila Delilah at ng biyenan nito. Currently, naglalakad sila sa isang paakyat na dirt road. Nasa unahan si Delilah at ang biyenan nito. Nakasunod naman si Coven. Habang siya ay nasa dulo at hinihingal na.

Habang nasa bangka sila, nakita niya na malaki-laki ang isla. Hindi kasing-laki ng isla ni Primo, though. But still, malaki pa rin. Iniisip niya kanina pa lang kung gaano ka-hirap mag-initial survey sa isla na yon. Most importantly, first time niya mag-initial survey kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Nag-text na siya kanina kay Leo for advice, but hanggang ngayon, wala pa din siyang natatanggap na reply.

Huminto muna sandali sa paglalakad si Chandra at kinuha ang cellphone sa bulsa. Marahas uli siyang napabuntong-hininga ng makita na walang signal sa lugar na iyon. That means that hindi na niya matatanggap kung ano mang advice ang ibibigay sa kanya ni Leo - kung nag-reply man ito.

"Chandra, you're falling behind!" narinig niyang sigaw ni Coven.

Tumingin siya sa harapan, only to see na medyo malayo na pala ang nalakad ng tatlo. Nagsimula uli siyang maglakad, and this time, binilisan niya ang kanyang mga hakbang.

She was relieved na hinintay siya ng tatlo bago sila nagpatuloy sa paglalakad. Otherwise, talagang mapag-iiwanan na siya.

Ilang minuto pa ng paglalakad at may nakita na siyang sementadong bungalow house sa unahan. Napahinga siya ng maluwag ng makita ito, because that means makakapagpahinga na talaga ang mga paa niya. It's not easy to walk on a dirt road. Buti na lang talaga at nag-sneakers siya instead of heels.

"Tuloy kayo," sabi ni Delilah matapos buksan ang pinto ng bahay. "May dalawang kwarto rito, yung kanan ay mas malaki kaysa doon sa kwarto sa kaliwa. May stove at gas dito kung gusto niyo magluto ng panghapunan o pang-agahan niyo. May ref din, pero walang naka-stock ngayon diyan. Kadalasan, namimingwit na lamang kami kung nais naming mag-stay dito sa isla. Pero may mga de lata sa kabinet kung ayaw niyo mamingwit. Kuha lang kayo."

"Diesel generator yung kuryente ng bahay. May gas pa siguro yon, pero kung maubusan kayo ngayon gabi, nasa shed yung stock na gas namin."

"Okay lang ba talaga kayo dalawa dito?" tanong ni Delilah.

"Di po kayo magi-stay dito kasama namin?" na-sorpresa si Chandra. Ini-expect niya na kasama nila si Delilah na magi-stay sa isla.

"Naku, di pwede. May dalawang anak akong aalagaan, eh." buong pagpapaumanhin na sagot ni Delilah. "Biglaan din kasi dating niyo, wala ako mapag-iiwanan sa mga anak ko."

"Oh, sorry po." hinging paumanhin din naman ni Chandra.

"No worries, Delilah, okay lang kami dito," sagot naman ni Coven.

"Mabuti naman. Anong oras namin kayo pipick-up-in bukas?"

"Mga 3PM, please."

"Oh, siya, maiwan na namin kayo," pamamaalam ni Delilah. "Pwede niyo magamit yung transmitter sa loob if may problema kayo. Konektado iyan sa bahay namin. Pero wala naman sigurong masamang mangyayari sa inyo rito."

At doon, lumisan na ang dalawa, habang si Chandra at Coven ay nanatili sa bahay. Si Coven ang unang gumalaw sa kanila, dala-dala ang backpack nito, pahakbang sa kwartong nasa kanan.

'Of course, sa kanya ang pinaka-malaking kwarto,' napa-isip si Chandra.

Sumunod na din siya, dala-dala ang kanyang backpack, papunta sa kwartong nasa kaliwa. Since uuwi din naman sila kinabukasan, hindi na siya nag-abala pang i-unpack ang kanyang bag. Humilata na lang siya agad sa higaan.

Of course, hindi siya hahayaan ni Coven na makapagpahinga. Kakadikit pa nga lang ng kanyang likod sa higaan, bumukas ang pinto at iniluwa noon ang devil incarnate at slave driver niyang boss.

"Don't dillydally. We need to go out and see as much as we can while we stay here," utos ni Coven sa kanya habang hawak ang door knob at nakapamaywang.

"Sir, di po kayo marunong kumatok?" Huli na ng marealize ni Chandra na nasabi pala niya ng malakas ang kanyang katanungan. Buti na lang at napigilan niya ang sarili, dahil kung hindi matatanong din niya 'pano kung nagbibihis ako pagkabukas mo ng pinto.'

Tumaas ang isang kilay nito.

"Mamimingwit tayo after an hour of looking around."

"Hindi po ako marunong mamingwit, Sir."

"I'll do that part. Ikaw na ang bahala magluto mamaya," huling sabi nito at tinalikuran na siya.

Napatingin muna siya sa kisame, ini-estima kung ano ang chances na mati-trace sa kanya kung itutulak niya sa bangin mamaya ang amo niya.

Napabuntong hininga na lang siya. With her IQ, maliit lang ang chances, but she still knows na di niya gagawin niyo. She quite likes the man if hindi siya overbearing sa mga utos niya as a boss.

'More than that, kapatid siya ni Cody,' paalala niya sa sarili.

'Ilang buntong hininga na ba ang pinakawalan ko the entire day?' tanong niya uli sa sarili habang buntong hiningang tumayo mula sa higaan at sumunod sa kanyang amo.

True to his words, isang oras din silang naglibot sa isla. Coven looked at every tree on the road. Tiningnan din nito ang mga trails, kung ano ang nasa bawat gilid ng kalsada, mga dead ends, etc. Siya naman, nagte-take down ng notes sa kung ano man ang i-utos ni Coven na ilista niya.

After an hour, nakatayo na ito sa fishing spot na itinuro sa kanila ni Delilah kanina habang pa-akyat sila sa bahay. Ini-inspect ni Coven ang fishing gear na iniwan sa kanila ng babae habang siya naman ay nakaupo sa nakauswang na malaking bato. Wala siyang balak tulungan ito. After all, siya ang magluluto mamaya.

Nakita ni Chandra na nag-simula na si Coven na mamingwit. Well, di siya well-versed sa pamimingwit kaya di niya alam if tama ba ang ginagawa ng amo niya or not. Nakita niya lang na may inihagis ito sa dagat at ngayon ay nakatayo na lang ito habang hawak ang fishing gear.

Ganoon lang silang dalawa - si Coven nakatayo habang siya ay nakaupo.

For fifteen minutes.

And then another five minutes.

"Sir, wala pa po bang kumakagat?"

"Shush!"

And then another ten minutes.

"Sir, baka kailangan niyo lagyan ng bagong pain or something?"

Marahas itong lumingon sa kanya. Nakita ni Chandra na nakakunot ang noo nito at may inis sa mukha.

"I'm a fisherman's son," marahas na sabi nito. "Surely, I know what I'm doing kaysa sa iyo."

Napabuntong hininga uli siya. 'Well, you do you.'

Kaysa sagutin ang boss niya, tumayo na lamang siya sa kanyang kinauupuan.

"Sige, Sir, maiwan na kita dito. Magsasaing na lang ako sa bahay," paalam niya habang pinapagpag ang kanyang jeans.

Hindi na niya hinintay ang sagot nito at nauna na siyang humakbang pabalik sa bahay. Papalubog na ang araw. If after 30 minutes, di pa dumarating si Coven sa bahay, magluluto na lang siya ng corned beef.


Figli della Notte #1: Codename HavocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon