Rushing in a fight without a plan is out of character for Agent Havoc. Pero wala nang pakialam roon si Cody. All he wants to do is rescue his woman from his family's clutches.
As he was nearing the place, nakita niya ang dalawang lalaki na naka-sleeveless hoodie at washed jeans na parang nag-iinspect sa kotse. Most likely, these men were the transporters who were supposed to pick up Luna.
Marahas na pinaharurot niya ang sasakyan inside the building na pinanggalingan niya kanina. He made the car do an inertia drift right beside the Silverado. Parehong pagkabigla at pagkamangha ang naramdaman ng dalawang lalaking nakakita sa ginawa niya.
He immediately got off his car at lumapit sa dalawang lalaki. He can feel the two tense up at parang naghahanda sa susunod na mangyayari subalit sadyang mas mabilis siya kaysa sa mga ito. Ibinalya niya ang lalaking mas malapit sa kanya sa gilid ng sasakyan habang pinaputukan naman niya ng tranq bullet mula sa Themis ang isa. Hindi niya gustong patayin ang dalawang lalaki kaya naman hinampas lamang niya ang may bandang leeg ng mga ito upang mawalan ng malay.
Pumaikot siya sa kotse at agad na dumalo sa tabi ni Luna na hanggang ngayon pala ay umiiyak pa rin. Truth be told, hindi sukat akalain ni Luna na babalik para sa kanya ang binata. Mahigpit na ipinalibot ng dalaga ang kanyang mga braso sa leeg ni Cody as if her life depends on him.
"I'm here. I'm here.", paulit-ulit na sabi ni Cody kay Luna habang hinahagod-hagod ang likod nito. He was relieved at the fact na naabutan pa niya ang dalaga.
He immediately picked up Luna and carried her to his car. As soon as he ensured that Luna is properly buckled up, umikot na siya sa driver's seat. Bago pa man niya paandarin ang kotse, tinitigan muna niya si Luna at ikinulong ang mga pisngi nito sa kanyang mga palad.
"Sasama ka sa akin, Luna.", paliwanag ni Cody sa dalaga. "Kailangan siguro nating magtago at magpalamig muna sa malayo. Going into hiding is not easy but we can get through the difficulties - together."
Binigyang diin niya ang huling sinabi. He wants to get it through to Luna na sabay nilang haharapin ang kung ano man ang naghihintay sa kanila sa hinaharap. Mabilis na tumango si Luna sa sinabing iyon ng binata.
Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan at nagmaneho paalis sa lugar na iyon. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip tungkol sa mga bagay-bagay gaya nang kung saan sila pupunta, papaano sila makakapagtago kay Primo, at kung ano-ano pa. He was so lost in thought na hindi na niya namalayan na may nakasunod pala sa kanilang isang superbike.
Right when they were off the dirt road and back to the asphalt road, hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang kung sino man ang driver ng superbike. He sped up at hinarangan ang kotseng sinasakyan nila Cody at Luna. In reflex, Cody hit the brakes and swerved to the left. Buti na lang at nasa isang liblib na area pa rin sila kaya walang nasaktan sa biglaang pag-iba ng direksyon ng sasakyan.
"Shit!", marahas siyang napamura nang makita ang anyo ng taong sakay ng superbike. It was a man wearing a black long sleeve button down polo na nakatupi ang sleeves hanggang siko with matching acid wash jeans and combat boots. The worst, he's wearing a black Venetian half mask! He's another agent tulad niya!
Alam ni Cody na hindi siya makakaalis sa lugar na iyon unless he takes the man down. Kaya naman imbis na tumakas, napagpasyahan ni Cody na umibis sa sasakyan at harapin ang lalaki.
"Who are you?", tanong niya rito habang inaayos ang manggas ng polo.
"Agent Doc.", sagot nito. "Nice to meet you, Agent Havoc. Or should I say... Cody Vanz Herrera?"
"So you know my real identity."
The guy shrugged at his question.
"Bakit mo kami hinarang?"
BINABASA MO ANG
Figli della Notte #1: Codename Havoc
RomansaFigli della Notte, meaning 'Children of the Night'. Isang vigilante group na ang hit list ay composed of drug lords, corrupt politicians, and evil businessmen sa Pilipinas. The family has three rules: 1. Don't fall in love. 2. Don't let anyone know...