Chapter 13

63 4 1
                                    

Humihingal na siya ngunit hindi siya pwedeng tumigil sa pagtakbo. Kailangan niyang makalayo. Kailangan niyang makatakas. Kailangan niyang makalabas sa masukal na kagubatan at makalayo sa mga taong humahabol sa kanya.

Impit siyang napatili nang makarinig siya ng putok ng baril. Warning shot iyon, alam niya. Sa di kalayuan ay naririnig din niya ang mga sumisigaw sa kanya.

Mas binilisan niya ang pagtakbo. Hindi niya alam kung ilan ang humahabol sa kanya pero alam niyang hindi siya dapat maabutan ng mga ito.

Nabuhayan siya ng loob ng makakita ng liwanag sa may di kalayuan. Makakatakas na siya!

Mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo patungo sa liwanag.

Subalit biglang dumoble ang adrenalin sa kanyang katawan ng mapagtantong dead end iyon. Isang bangin!

At the last minute, napatigil niya ang sarili bago pa man siya bumulusok pababa. Mabilis siyang suminghap ng hangin. Naramdaman din niya ang panlulumo at pagluluksa habang nakatingin sa ibaba ng bangin. Naririnig na niya ang mga yabag ng kabayo sa kanyang likuran.

"Signora...", isang pamilyar na tinig ang tumawag sa kanya.

Dahan-dahan siyang lumingon sa siyam na lalaking nakakabayo at may dalang torch. Tiningnan niya ang lalaking unang nagsalita.

"Seccondo.."

"Umuwi na tayo.", saad nito sa kanya. Sinenyasan nito ang kasamahan upang bumaba at akayin siya.

"Palayain niyo na ako, pakiusap.", napapaos na pakiusap niya sa mga ito. Nanlalambot na ang kanyang katawan.

"Hindi pa pwede, Signora.", sagot ng isa pa sa mga ito. "At alam mo kung bakit."

Wala siyang nagawa kundi magpahuli sa mga ito. Isinampa siya sa isang kabayo at muli silang bumalik sa mansiyon kung saan naroon ang tinatawag na 'hari' ng teritoryong iyon.

Ilang sandali pa ay nakabalik na sila. Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ay agad na niyang nakita ang matikas na lalaking nasa itaas ng grand staircase.

"Nakabalik ka na.", saad nito na para bang hindi siya nagtangkang tumakas.

"Primo, please.", namalisbis ang kanyang mga luha. "Pakawalan mo na ako."

Humihikbi siyang nagsumamo sa lalaking nasa kanyang harapan.

"Ibalik mo na ako kay Havoc. Hindi naman talaga ako ang kailangan mo diba? Isa lang akong pain na kailangan mo upang mabingwit ang malaking isda."

Wala pa rin siyang narinig mula sa lalaki.

"Hindi ako magsasalita ng kahit ano tungkol sa Figli della Notte sa kahit kaninuman. Nangangako ako. So please, pakawalan mo na ako."

Bumuntong hininga lang ang lalaki.

"Gaya nga ng paulit-ulit kong sinabi sa iyo," tugon nito sa kanya, "matagal ng patay si Agent Havoc. He died after we retrieved you. Wala ka ng babalikan pa."

"Hindi.", marahas siyang napailing. "Hindi pa siya patay, Primo. Nararamdaman ko. Buhay pa siya."

Muli, bumuntong hininga na lamang ang lalaki sa kanyang tinuran. Paulit-ulit na din naman kasi nilang napagtatalunan kung patay na ba o hindi pa ang binatang nagligtas sa kanya.

"Seccondo, bring her to her room."

Hinawakan siya sa braso ng tinawag na lalaki at iginiya paalis. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay muli siyang bumaling kay Primo.

Figli della Notte #1: Codename HavocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon