Alam ni Havoc na instant kung tumalab ang balang pinakawalan niya - the tranq bullet. Isa ang tranq bullet sa makabagong teknolohiya mula sa family. Sino man ang tamaan ng bala ay agad na mawawalan ng lakas. Kahit ang i-angat ang braso ay hindi mo na magagawa. It has the same effect as tranquilizers but better.
Kaagad na pumasok si Havoc sa loob ng room at ini-lock ang pinto. Kinalkula na din niya sa sarili ang timing niya. Pretty sure, he is still on time. Hindi pa makikita yung mga bangkay na itinago niya sa baba.
"Good evening, Mr. Gregory Elizalde.", bati niya sa nanghihinang matanda na may kasama pang yukod. "I am a representative of Figli della Notte, here to sentence you for your crimes."
"Anong pinagsasabi mo?!", galit na bulyaw ng don. Subalit dahil nanghihina, hindi masyadong malakas ang bulyaw na iyon.
"I believe you have received our 'Scarlet Letters' telling you to stop your illegal activities since a month ago, am I right?", tanong niya sa matanda kasabay ng paglabas ng isang tarhetang kulay pula na may insignia ng family sa likod.
Scarlet letters ang tawag nila doon but it is basically a death threat letter.
"K-kayo ang n-nagpapadala ng death threats sa akin?!", hindi makapaniwalang tanong ng don. Matapang pa rin ang mukha nito kahit na ba hindi ito makagalaw.
"Yes.", nakangiting sabi niya rito. "Sa kasamaang palad, hindi ka nagsisi sa iyong mga kasalanan. You were overconfident na hinding-hindi ka makakanti ninuman. Sa halip, nag-plano ka pa na mas palawigin ang iyong drug trafficking business gamit ang isang newly formulated odorless drug."
"P-paanong-"
"We have our means.", kibit-balikat na sabi niya at lumakad palapit dito.
"W-wait!", may bahid na ng takot na sigaw nito. "I-I don't know w-what you are talking about!"
"We have evidences, Don Elizalde."
"W-what do you w-want from me?!", nahihintakutang sabi nito ng makita si Havoc na kinakalikot ang Themis. "Money? P-power? Women? D-drugs?! I'll give you anything you want!"
"I apologize, Don Elizalde.", hinging-paumanhin ni Havoc rito habang seryosong-seryoso ang ekspresiyon sa kanyang mukha. "You have already received your death sentence. Please go peacefully now..."
Ini-umang niya ang baril. "... to hell!"
Kinalabit niya ang gatilyo. Sumigaw pa ang don ngunit mahina lamang ito. Dahil sound-proof din naman ang kwartong iyon, hindi na siya nabahala na baka may nakarinig sa kanila mula sa labas.
The bullet he used is a special medical formula na tanging ang family lamang ang meron. Ang formula na iyon ay may kakayahang patigilin ang pagtibok ng puso ng biktima at alisin ang traces ng tranquilizer sa katawan. If an autopsy is done, no one would find out any signs of foul play. The cause of death would look like heart attack then. Wala rin makikitang traces of the bullet ang coroner sa katawan ng biktima kapag inimbistigahan dahil may special characteristic iyon na madissolve once it comes in contact with the substance in a human's bloodstream.
Feeling a sense of fulfillment after watching the man in his hit list tumble over, itinago ni Havoc ang baril pabalik sa holster na nasa kanyang likuran. Akmang aalis na siya ng may marinig siyang kalabog. Napabaling siya sa pinanggalingan ng ingay ngunit nakita niya lamang ang shelf ng mga libro.
Kung normal siya na tao, iisipin niyang wala lang yun. Hindi rin siya mag-iisip na may kakaiba sa shelf na iyon. But years of being in the family honed his instinct and it's telling him to check this one out.
Habang unti-unting lumalapit sa shelf, binunot niyang muli ang baril at hinanda ang sarili. Nang malapit na siya, saka niya napansin na nakaawang ng kaunti ang shelf. Seems like the shelf was a secret door leading to somewhere.
With all precautions he knew as an assassin, he pulled the shelf open and pointed a gun inside while securing his body's vital points. Looking inside, he saw that it was a spacious yet disorderly room. Makakahinga na sana siya ng maluwag, thinking that it's safe, when his eyes moved downwards. He was met with a beautiful pair of deep obsidian eyes. Napatanga siya sandali as something inside him clicked into place. Staring at those eyes, it was as if he was looking at the galaxy and the stars.
The woman has cropped short hair. Havoc can see that she's beautiful - maputi, matangos ang ilong, prominent cheeks, at mapupulang labi. She's wearing a white lace dress with three-fourths sleeves. And she's probably younger than him by a full Chinese zodiac cycle.
Bumilis ang pintig ng puso niya. Adrenaline coursed through his body.
'Who's this woman?!', pilit niyang pinapakalma ang sarili. 'Wala to sa report!'
Naka-upo sa sahig ang babae at nakatingin lamang ito sa kanya. Sa tabi nito ay ang isang wheelchair. Mukhang nahulog ito mula roon.
He would have shot the woman with the tranq bullet but he noticed something silvery on her ankles. Upon closer inspection, it was a pair of handcuffs! Nakaposas ito sa wheelchair!
Havoc did a quick scan around the wide room to make sure na walang ibang tao ron. Ang nakita lamang niya ay isang kama, mga mesa na may mga flasks at graduated cylinders, nagkalat na papel, at white board.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang baril at lumuhod sa harap ng babae upang magpantay ang kanilang mga mata. He still stayed alert, watching out for any danger.
"Bihag ka ba rito?", mahinang tanong ni Havoc.
Mataman lamang siyang tinitigan ng babae. Akala niya ay hindi na ito sasagot pero maya-maya pa'y tumango rin ito ng marahan.
"I don't have much time so I hope you answer me quickly.", sabi ni Havoc. "Do you want me to take you out of here?"
It was only then that Havoc saw something flash in her eyes. Was it hope? Happiness? Hindi na niya alam dahil madali iyong napalitan ng blankong ekspresyon. Ganoon pa man, tinanguan siya ng dalaga.
Si-net niya ang baril from tranq bullet to flame bullet. This flame bullet can melt metals quickly kaya naman ito ang ipinutok niya sa chain ng posas.
"You can't walk, right?", pagkumpirma niya na ikinatango uli ng babae. "Excuse me for this then."
Binuhat ni Havoc ang babae, bridal style. May kaliitan ito at napakagaan rin kaya naging madali para sa kanya ang buhatin ito. Napatigil pa nga siya saglit because it felt as if this woman fits perfectly in his arms!
Hindi siya nahirapan na maka-alis sa mansion kahit na ba may buhat-buhat siyang babae. His training doesn't only include parkour and martial arts, after all. He was trained for search and rescue too.
A few seconds na makalabas sila mula roon, pinindot ni Havoc ang trigger device sa kamay niya. This triggered the small circular devices na ikinabit niya sa basement at sa iba pang parte ng mansyon. Those devices were mini-bombs na malakas ang impact. Maya-maya pa'y narinig na niyang nagkakagulo ang mga tao sa loob.
He walked straight to the getaway car. There's no need to panic. They wouldn't know what hit them, after all.
Ipinasok niya sa passenger's seat ang babae at siya pa mismo ang nag-kabit sa seatbealt nito bago siya umupo sa driver's seat at pina-andar ang sasakyan.
Mission accomplished... or is it?
BINABASA MO ANG
Figli della Notte #1: Codename Havoc
Любовные романыFigli della Notte, meaning 'Children of the Night'. Isang vigilante group na ang hit list ay composed of drug lords, corrupt politicians, and evil businessmen sa Pilipinas. The family has three rules: 1. Don't fall in love. 2. Don't let anyone know...