Siargao was an hour and a few minutes away from Manila, especially since private plane ang sakay nila. The plane landed at Siargao airport. Upon their arrival, agad silang sinalubong ng hired car na in-arrange ng kumpanya para sa kanila. It took them almost half an hour of land travel para makarating sa Port of Del Carmen. Sa port kasi sila sasakay ng boat para makarating sa island property na gustong bilhin ni Coven.
"It's already past seven. Let's go directly to the bed and breakfast place we've booked beforehand.", utos ni Coven sa driver mula sa backseat. "Doon na tayo mag-dinner."
"Yes, sir."
Tiningnan na lamang ni Chandra ang kanyang dalang file para i-review ang schedule nila. Bukas pa ang site visit kaya natural lang na diretso muna sila sa kanilang titirhan while they are staying in Siargao.
"Sir, should I confirm our arrival with Mr. Chang now?", tanong niya kay Coven.
"No, don't", tugon ni Coven matapos saglit na nag-isip. "I have my own plans. Inform him tomorrow."
"Noted.", sagot na lamang ni Chandra. Gusto niya sanang itanong kung ano ang plano ng lalaki pero nakita niya ang pagod sa mukha nito kaya naman pinasya na lamang niya na tumahik. For one, hindi niya gustong mainis sa kanya ang kanyang boss at mapag-initan nito. Second, gusto din naman niya na makapagpahinga ang lalaki dahil alam niya kung gaano ito ka-hectic araw-araw.
Pagkarating na pagkarating nila sa bed and breakfast inn, agad na inasikaso ni Chandra ang arrangements para hindi madistorbo si Coven. Siya na ang nakipag-usap sa receptionist.
"Boss, here's the key to your room.", sabay abot sa susi sa lalaki na nakaupo sa lounge ng inn habang hinintay siya.
Walang imik na tinanggap ni Coven ang susi at nagsimulang maglakad papaloob ng inn. Sinenyasan naman ni Chandra ang bellboy na siyang may hawak ng maleta ni Coven upang sundan ang binata at ituro ang daan. Dahil magkatabi lang ang kwarto niya at ang kwarto ng kanyang boss, sumunod naman siya agad sa mga ito.
Bago pa makapasok si Coven sa kanyang kwarto ay tinawag muna niya ang atensyon ni Chandra.
"Call Mr. Chang first thing tomorrow morning and make sure that he arrives here on the dot.", seryosong habilin nito. "Make sure to tell him not to be late as I hate waiting. Also, wake me up for breakfast."
"Got it, Sir.", tango ni Chandra. "Is there anything else sir?"
Tumitig muna sa kanya si Coven na para bang may sasabihin. Ang akala ni Chandra ay may iba pa itong bilin para sa kanya. Ngunit iba ang lumabas sa bibig nito bago ito tuluyang pumasok sa loob ng kwarto dala-dala ang maleta na ini-abot ng bellboy kanina. "Nothing. That's all. Good night."
Napatunganga si Chandra sa labas. Tama ba ang narinig niya? Nag-'good night' sa kanya ang kanyang istriktong boss?
Medyo wala sa sariling pinihit ni Chandra ang pinto ng kanyang kwarto habang pinoproseso ang narinig. Mayamaya pa ay napatawa siya. May mga good points din naman pala ang kanyang boss, hindi nga lang halata.
- o 0 o -
Maagang nagising kinabukasan si Chandra upang ayusin ang kanyang dapat ayusin. Habang nag-aayos sa sarili si Chandra, inililista niya sa kanyang isipan kung ano ang kanyang mga dapat gawin ng araw na iyon at kung ano ang kanyang uunahin.
Tiningnan niya ang relo at ng makita na alas-sais na ng umaga ay kinuha na niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Mr. Chang. Medyo maago pa talaga ang alas sais pero alam ni Chandra na sasagutin ni Mr. Chang ang kanyang tawag.
Sa ikatlong ring ay kumonekta na ang tawag. "Hello?"
"Good day! Am I speaking with Mr. Chang?"
"Yes, this is he speaking."
"This is Chandra Moretti, Mr. Coven Herrera's second secretary.", pakilala ni Chandra sa kabilang linya. "I would just like to inform you that Mr. Herrera has already arrived in Siargao. He instructed me to pass on a message that he will be waiting for you on time at the port. He hopes that you won't be late for today's appointment."
Medyo kinabahan si Chandra nang matapos niyang sabihin iyon at hindi kumibo ang nasa kabilang linya. Inalis niya sa pagkakalapat sa kanyang tainga ang cellphone upang tingnan kung nakakonekta pa ba ang tawag. Mas nabahala siya nang makita na ongoing pa rin ang call ngunit wala siyang narinig na sagot sa kabilang linya.
"Hello? Mr. Chang? Are you still on the line?", tanong ni Chandra. 'Please, God, don't tell me na hindi makakarating tong taong to! Ako ang malalagot nito kay Boss!'
"Yes, yes! Of course!", mabilisang sagot ni Mr. Chang na para bang nuon lang naalala na kailangan niyang sumagot. "I'll do my best to arrive on time."
"That's good.", nakahinga ng maluwag si Chandra matapos marinig ang sagot ng nasa kabilang linya. "That'd be all, Mr. Chang. Mr. Herrera anticipates your arrrival. See you later."
Matapos ibaba ang tawag ay agad na lumabas ng kanyang kwarto si Chandra at pinuntahan ang kwarto ng kanyang boss. Kumatok siya ng makatlong beses bago siya nakarinig ng kaluskos sa loob. Mayamaya ay bumukas ang pinto at tumambad sa kanya ang malapad na dibdib ng kanyang boss na walang saplot pang-itaas. Subtly, her gaze roamed downwards, which allowed her to see the man's six-pack abs. Hindi man niya aminin, medyo na-disappoint siya na makitang may suot na pajama pants ang lalaki.
'Stop, Chandra!', sita niya sa sarili. 'Don't be a pervert!'
Acting as if wala siyang nakitang kakaiba, ibinalik niya ang tingin sa mukha nito. Ang mata nitong mapupungay, na halatang bagong gising pa lamang, ay nakatingin sa kanya ng may bahid na pagtatanong.
Napalunok si Chandra. Yep, her boss is definitely the definition of Adonis, in looks and in body. Maybe because he's Cody's brother at nakikinita niya ang similarities ng dalawa, kaya naman affected siya as kanyang nakikita. Tinatanong niya ang sarili kung ganito din ba ang hulma ng katawan ni Cody.
"Is it time for breakfast?", his husky voice floated towards her, pulling Chandra out of her reverie.
BINABASA MO ANG
Figli della Notte #1: Codename Havoc
RomanceFigli della Notte, meaning 'Children of the Night'. Isang vigilante group na ang hit list ay composed of drug lords, corrupt politicians, and evil businessmen sa Pilipinas. The family has three rules: 1. Don't fall in love. 2. Don't let anyone know...