Pagod na inihiga ni Cody ang katawan sa kanyang king-sized na kama. It has been one hell of a week dahil sa expansion project ng kanyang kumpanya sa Zambales.
Cody Vanz Herrera is his name. Yes, he's THE Cody Vanz Herrera that you can read in high society magazines and has been dubbed as one of the eligible bachelor billionaires in the Philippines.
The 30-year old billionaire owns the Herrera Chain of Hotels na may branches sa iba't ibang panig ng Pilipinas. His hotels are very popular at tinatangkilik talaga ng mga tao due to good customer service, magandang ambiance, and good management. The hotels have even earned lots of accolades and awards in the field of hospitality and management.
With his wealth, you would think na hindi na niya kailangang mag-trabaho. However, eto pa rin siya at nagpapakapagod na magpayaman.
Actually, kararating niya pa lamang dito sa condo niya sa Maynila at kahit gustuhin man niya ang matulog na lamang, hindi pa pwede dahil may pupuntahan pa siya.
He took an hour long nap para maka-bawi ng kahit konting lakas. When his alarm rang, he lazily stood up to shower and get ready.
As soon as he got out of the shower, he pressed the speed dial on his smartphone to call his secretary. Ang sekretarya niya kasi ang nag-hahandle ng mga bagay-bagay para sa kanya, mapa-personal man ito o sa business.
"Is everything ready, Leo?", he immediately asked as soon as the line connected.
"Yes, sir.", sagot naman agad ng lalaki sa kabilang linya. He admires the man dahil napaka-efficient nito as his secretary. Hindi pa ito pumapalya kahit minsan sa kung ano man ang ini-utos niya rito.
"Good.", napangiti siya. "Let's meet at the orphanage then."
Cody ended the call at nagmamadaling nagbihis. Kailangan niyang maka-abot sa St. Joseph of Nazareth's Orphanage.
His important appointment of the day is for charity. Bibisitahin niya ang isa sa napakaraming orphanages na sinusuportahan niya.
Most of his charity works are covered by the foundation he built habang ang iba naman ay personal niyang inaasikaso. He also offers anonymous donations kung may makita siyang nangangailangan.
Aside sa pera and pagbisi-bisita na may dalang pagkain, damit, at iba pang gamit, nagbibigay din siya ng scholarships. He also gave up a few lands for orphanages and built a few on his own.
As long as it is to help orphans and abandoned children, he is more than willing to help.
Malapit sa puso niya ang mga bata sa orphanages dahil na rin sa siya mismo ay ulilang lubos. Lumaki siya sa bahay-ampunan.
Everyone got inspired by his story dahil hindi raw naging handlang ang kanyang pagiging ulilang lubos para marating niya ang lugar kung nasaan man siya ngayon. Because of his past and his philantrophic acts, the media has dubbed him as the 'Rags-to-Riches Saint Prince'.
Ng minsang mabasa niya ang titulong iyon na binansag sa kanya, he snorted.
'Saint, huh?', sabi niya sa sarili. 'If only they knew.'
oOo
He drove his Ducati bike to the orphanage para mas mabilis at hindi siya ma-stuck sa traffic. It didn't take half an hour at na-abot na rin niya ang bahay ampunan.
Sakto rin naman na dumating si Leo in a white van. Unang lumabas si Leo mula sa shotgun seat ng kotse. Nagsilabasan rin ang isang grupo ng mga kabataan na mukhang mga college students mula sa sasakyan. They were all wearing the same red shirt na may naka-print na pangalan ng foundation niya. These were the volunteers.
"Good morning, boss.", bati sa kanya ni Leo.
"Good morning, Mr. Herrera.", magiliw na sunod na pagbati ng mga kabataan.
"Good morning guys!", masigla niyang bati sa mga ito. "Thanks for volunteering for today. I really appreciate it a lot."
"Walang anuman po, Mr. Herrera.", sagot na man ng isa sa kanila. It seems na ito ang leader of the group. "Kung ano man po ang maitutulong namin, sabihin niyo lang po. At least, kahit man lang sa ganitong paraan ay maipakita namin sa inyo kung gaano kami ka-grateful sa pagpapaaral niyo sa amin."
These volunteers are all scholars sa foundation na itinayo ni Cody - ang Children of the Night Foundation. Although ang requirements lang niya sa mga scholars niya ay ang makapagtapos ng kolehiyo, meron pa rin sa mga ito ang kusang nagvo-volunteer na tumulong sa foundation kapag may ganitong activities. Natutuwa naman siya kapag ganoon dahil nakikita niya ang bunga ng kanyang paghihirap.
"You flatter me too much, young lad.", sabi pa niya rito sabay tapik sa balikat. "Let's go in?"
Nauna na siyang lumapit sa van at kinuha ang mga paper bags na naroon. Doon na nagsikilusan ang lahat.
Ang mga paper bags na iyon ay may lamang mga regalo para sa mga bata sa bahay ampunan. Iba't iba ang laman ng mga bag, in accordance sa wishes ng mga bata.
"Mr. Herrera!", sigaw ng mga bata ng makita siya. Agad din na nagsitakbuhan palapit ang mga ito. May iba pa na agad yumakap sa kanya.
"How are you guys?", nakangiting tanong niya habang pinagmamasdan ang mga mukha na nakapaligid sa kanya. "I've got gifts for you again!"
Natuwa at nagsi-tilian ang mga bata. Bakas sa kanilang pagmumukha ang katuwaan.
Lumapit na din sa kanya si Mother Abbie. Ito ang mother superior na nangangalaga sa mga bata na nasa ampunan.
"Buti at nakarating ka ngayon, iho", sabi nito sa kanya. Nagmano rin siya rito tanda ng pag-galang.
"Kararating ko nga lang po kanina, eh."
"Oh, hindi ka na sana pumunta ngayon.", buong pag-aalalang sabi ni Mother Abbie kay Cody. "Hindi ka ba napagod sa biyahe mo?"
"Nakakapagod nga Mother eh.", he honestly answered. "Sana kasi kahapon ng umaga pa ako makakauwi. Sana nakapagpahinga ako. Kung di lang naman sa nagka-aberya kami sa mga lisensiya namin para sa proyekto, disin sana'y nakauwi na ako ng maaga."
"Nagka-aberya kayo?"
"Opo.", tumango-tango pa siya. "Hinarang po kasi sa city hall yung request namin. Napag-alaman ko na lang na in-under the table po pala ng kakompetensiya namin sa negosyo. Kaya ayun. Nakakaasar nga, Mother, eh. Nagsanib pwersa pa talaga ang gobyerno at ang corrupt businessman na si George Ling. Tsk."
"Ayan ka na naman, Cody.", malumanay na saway ni Mother Abbie. "Ipagpasa-Diyos mo na iyang galit sa puso mo so you can have your peace."
Alam na alam ni Mother Abbie ang kwento ng buhay niya at kung bakit siya slightly emotional ngayon. Hindi na lamang siya umimik at baka madulas pa siya sa sasabihin.
Hindi agad idinistribute ang mga paper bags. Bagkus, nagkaroon ng munting palabas kung saan nag-present ang mga bata sa bahay ampunan. Pati na rin ang mga volunteers ay may inihandang sorpresa rin pala para kay Cody.
Bago nagsalo-salo sa pagkain, ibinigay muna ni Cody ang mga paper bags sa mga bata.
Hindi na sumabay sa salo-salo si Cody dahil na rin sa sobrang pagod. Naiintindihan naman iyon ni Mother Abbie kaya hindi na siya nahirapang umalis. Si Mother Abbie na rin ang bahala sa pagpapaliwanag sa mga bata sa kanyang biglaang pag-alis.
When he reached home, he immediately fell asleep. Bukas, balik na naman siya sa pagtatrabaho sa Herrera Chain of Hotels. Right now, kailangan niya ng pahinga.
BINABASA MO ANG
Figli della Notte #1: Codename Havoc
RomanceFigli della Notte, meaning 'Children of the Night'. Isang vigilante group na ang hit list ay composed of drug lords, corrupt politicians, and evil businessmen sa Pilipinas. The family has three rules: 1. Don't fall in love. 2. Don't let anyone know...