Chapter 23

6 0 0
                                    

Dumating ang doktor na tinawagan ni Leo within 15 minutes.

The female doctor was very beautiful, with her wavy shoulder-length curls. Nakasuot siya ng puting blouse tucked into the the waist of her pencil skirt.

"Dr. Montemayor, thank you for coming," bungad ni Coven ng makita ang papasok na doktor sa kwarto.

"No problem, Mr. Herrera," nakangiting tugon ng babae, "House calls are my favorite since I can bill as much as I want to clients."

Lumapit ang babae sa kanyang kinahihigaan. Inilapag nito ang dalang bag at binuksan. Nakita niyang naglabas ito ng gloves, stethoscope, at clipboard.

"May I know what exactly happened?"

Si Chandra na ang sumagot sa tanong na iyon since sa kanya naman nakatingin ang babae. Habang nagkukwento siya, nagsuot ito ng gloves at inilagay nito sa leeg ang stethoscope. Ipinasa din nito kay Coven ang clipboard.

Nakita niya si Coven na pumunta sa dresser. Binuksan nito ang drawer at kumuha ng ballpen doon. Nagsimula itong magsulat sa clipboard.

Naku-curious siya kung anong sinusulat nito but hindi na lamang siya nagtanong since nagsimula na siyang i-examine ni Dr. Montemayor.

Sa loob ng 30 minutes, tinatanong siya ng doctor kung saang bahagi ng kanyang katawan ang masakit.  Sometimes, may pinipisil ito sa kanyang katawan, likod, at paa, and then tinatanong nito kung masakit ba.

Smooth naman ang buong check up except sa part na hinubad ng doktor ang sapatos at medyas niya. Her toes curled when cold air hit her bare flesh.

Well, mostly din dahil uncomfortable para sa kanya when someone looks at her ankles. The scars from her surgeries haven't faded yet, and most likely will never 100% fade.

Natatago naman niya normally ang ankles niya with sneakers, boots, or long pants. If kailangan naman niya mag heels and skirt, she'll always wear stockings or hide the scar with foundation.

This time is unexpected, though.

She watched the two people in the room at napansin niya na kumunot ang noo ni Coven sa nakita. Napahinga siya ng maluwag, though, ng hindi ito nagtanong.

"There isn't anything major to worry about," maya't maya pa'y sabi ni Dr. Montemayor kay Coven. "Her nerves are okay, it might be na may na pinch lang na nerves temporarily kaya hindi niya maramdaman ang legs niya earlier. At the moment, her reflexes are normal. No signs of concussion din, but just in case, if she suddenly feels like vomiting or feels dizzy in the next 12 hours, bring her to the ER immediately. The only thing to worry about is her waist since it's sprained. I'd recommend bed rest for 2 weeks."

May iba't ibang habilin pa ang doctor to ensure proper recuperation para kay Chandra. Nagreseta din ito ng painkiller and topical ointment for her. Seryoso naman silang nakikinig ni Coven, though mas maraming tanong pa kaysa sa kanya na siyang pasyente ang lalaki.

"Then, doc, pwede na ba akong mag-travel? I mean, mga 15-30 minutes lang naman yung bahay ko away from here," singit niya bago pa man siya maunahan ng tanong ni Coven.

Taas-kilay na tumingin sa kanya ang lalaki while mukhang amused ang expression ng doktora.

"Well, I suggest, if Mr. Herrera permits, that you stay here and don't move around much," anito. "What I know is that ang painful gumalaw in your condition, so get as much rest as you can."

"You heard the doctor," sabi pa ni Coven.

Napabuntong-hininga siya. Well, ia-accept na lang niya na powerless siya at the moment and at the mercy ni Coven at ng doktor.

"How about a shower, doc? Kita mo naman na puros putik ang katawan ko," tanong niya sabay titig with all hopes sa doktor.

Sa isip niya, baka umiyak siya if sasabihin ng doktor na hindi siya pwedeng maligo. She really feels icky at hindi na siya makapaghintay na malinis ang buo niyang katawan.

"You can take a bath, but I suggest you just soak in a tub instead of showering."

"Yes! Thank you, Lord," puno ng galak niyang sabi sa mahinang tinig.

Ngumiti lang ang babae.

"That's it for my house call," sabay tayo ng doktora. "I'll send the bill to Leo as usual, Mr. Herrera. If you need anything else, just call me."

"Thanks again, doc," pasasalamat ni Coven. "I'll walk you out."

At sabay na lumabas sa kwarto ang dalawa.

Nang wala na sa paningin niya ang dalawa, iniisip ni Chandra kung papaano siya makakaligo. Pinakiramdaman muna niya ang sarili, trying to see kung gaano kasakit ang gumlaw or if kaya niya bang tumayo slowly.

She needs to get her clothes. Tapos, kailangan din niyang i-on ang tubig sa tub. Matapos ilista sa isip kung anong dapat niyang gawin para makaligo, i-estima ang least number of actions she can take to complete the task, at tumitig sa kisame hoping to try and gather enough pain tolerance sa mga gagawin niya, she braced herself.

"Ssss...," napangiwi sa sakit sa Chandra nang i-attempt niya na i-angat ang kanyang upper body.

'Nope,' ungol niya sa sarili. 'This won't work.'

"What were you trying to do?"

Nagulat bahagya si Chandra ng marinig ang boss ni Coven. Nabaling ang tingin niya sa pinto kung nasaan naroon ang lalaki.

He was leaning on the door with crossed arms at nakatingin sa kanya na para bang isa siyang bata na nahuli nito in the middle of doing something stupid.

Exasperated na tunog lang ang lumabas sa bibig ni Chandra.

"I told you, I just want to take a bath."

"You could've waited for me to come back, you know," sagot naman ni Coven sa kanya. "So how do you actually plan to go to the bathroom in your condition?"

She huffed and didn't say anything.

After what felt like an eternity of silence between them, binasag ni Chandra ang katahimikan.

"Help me," mahinang sabi nito. "please."

Coven looked at her for a moment and then he chuckled.

"Yes, ma'am," at pumasok na ito ng tuluyan sa kanyang kwarto.

Dumiretso ito sa bathroom at narinig na laman ni Chandra ang tunog ng tubig. It looks like pinupuno ni Coven ang bathtub.

"May change of clothes ka?" tanong ng lalaki nang makalabas sa bathroom. Hindi na siya nito hinintay na sumagot, though, since dumiretso na ito sa bag niya. Binuksan nito ang bag at nanghalungkat ng kanyang mga damit.

Inilabas nito ang laman ng kanyang bag - which are mostly jeans, shorts, and blouse.

"You don't have a dress packed?" baling nito sa kanya.

"Bakit naman ako magpa-pack ng dress? At bakit dress?"

"Missy, you're injured," may konting diin sa boses ni Coven sa last word. "I would like to think na mas madaling isuot ang dress compared sa jeans or shorts, considering na injured ang balakang mo."

Well, may sense ang lalaki, so di na siya nakipagtalo pa.

"Do you need a new pair of underwear?" tanong nito habang ibinabalik ang kanyang mga damit sa bag

At those words, namula ang pisngi ni Chandra.

"What are you blushing for?" taas-kilay na tanong ni Coven in a very level tone. "We're both adults here. Underwear, panty, bra, briefs, all of those are words that define clothing."

And at that, lumapit na si Coven sa intercom na nasa gilid ng guest room door upang mag-request ng change of clothes for Chandra.

Figli della Notte #1: Codename HavocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon