Chapter 24

7 0 0
                                    

Coven stood near the bathroom door, his usual air of authority softened by the situation at hand. Naipasok na niya sa bathroom ang pamalit na damit ni Chandra. Puno na rin ng tubig ang bathtub at si Chandra na lang talaga ang hinintay.

Chandra, on the other hand, ay nakahiga pa rin sa kama at nakatutok sa kisame. Kitang-kita ang frustration at discomfort sa kanyang mukha. Unti-unti niya kasing nare-realize na dahil sa kanyang kawalan ng abilidad na malayang gumalaw dahil sa kanyang injury, kailangan talaga niyang humingi ng tulog sa ibang tao para lang makaligo.

Quite embarrassing, truth be told. It's not even her first time na may tumutulong sa kanya maligo, considering na she spent many years without any sort of mobility sa kanyang lower limbs.

But this time, she admits na nahihiya siya simply because this is Coven... and Coven is her boss.

Napasulyap siya saglit kay Coven. Nagpapasalamat naman siya sa tulong nito, but naga-atubili siyang abalahin pa ito. He had done a lot of things to help her already.

Tumikhim na lamang si Coven para kunin ang atensyon ng dalaga.

"Chandra," panimula niya. "Hindi ka makakaligo kung hihiga ka lang diyan. How would you like me to assist now?"

Nag-aalinlangan man, pero alam niyang kailangan na niyang kumilos. Sumulyap muna siya sa banyo.

"Pwede ka bang tumawag ng isa sa mga babae mong kasambahay para tumulong sa akin na maligo?"

Napakunot noo si Coven sa kanyang sinabi. He rubbed his ears with unease.

"Unfortunately," panimula nito. "I only have male servants in the mansion."

Truth be told, may hinala na siya kanina pa na walang babaeng kasambahay sa mansyon. Dagdag pa doon, sa pagkakaalam niya, iniiwasan talaga ni Coven na may mga babae within his close staff - whether it's at home or at work. Iilan lang silang babae sa mga work staff ni Coven.

The reason? Ayaw nitong igaya siya sa kapatid nitong, ayon kay Leo, may maraming babae.

Napakagat-labi si Chandra. Alam niya na hindi niya kayang maligo on her own, yet she was reluctant na humingi pa ng tulong kay Coven.

The silence stretched between them, si Coven hinihintay lamang ang sagot niya at si Chandra naman lost in her own thoughts.

Makalipas ang ilang segundo, mahinang napabuntong-hininga si Coven.

"There might be another way," he offered tentatively.

Napatingin si Chandra sa kanya. Curious siya kung anong way ang sinasabi nito pero medyo uncertain din siya kung magugustuhan ba niya ang sasabihin nito.

Obvious din naman kasi sa mukha ni Coven ang pag-aalinlangan.

And then, he spoke slowly.

"What if... I wear a blindfold? I can help carry you or give you stuff if you can just give me instructions. It should be less awkward for you if nakapiring ang mga mata ko."

Chandra blinked, taken aback by the suggestion.

Nang rumehistro sa utak niya ang sinabi nito, bumilis ang pintig ng puso niya. Scenes from a not-so-distant past, of some unspoken thoughts and memories, came rushing into her head.

"How about this? Tutulungan kitang maligo at magbihis. But don't worry coz I'll wear a blindfold. Gamay ko na rin ang bawat sulok nitong bahay kaya kahit mabulag ako, hindi ako madadapa."

"I'll blindfold myself. Take the time to undress. Kalabitin mo na lang ako kung tapos ka na."

"Okay, guide my left hand around your back and my right underneath your knees."

"When you've covered yourself up with the towel, sabihan mo ko. I'll be removing my blindfolds so I can take you to the bed."

Thoughts were racing through her head. Sa isip niya, parang may mga puzzle pieces na nagka-clash, na para bang dapat may nag-click na, pero ang hazy pa rin at di niya mabuo-buo ang puzzle.

Bumuntong-hininga si Coven, which brought Chandra back to reality. Nakita niya na naglakad ang lalaki papunta sa bag niya at kinuha nito ang scarf sa loob.

"Don't think too much about it," narinig niyang sabi nito habang sinusuot ang piring sa mata. "Matatagalan tayong matapos dito kung hihintayin kitang makapagdesisyon. Just go along for now. If we dillydally, it will take longer for you to rest."

As if walang blindfold, dumiretso ito sa kama at kinapa ang head board. Unti-unti nitong kumapa pababa, hanggang sa makapa nito ang ulo ni Chandra. From there, he put his arms around her shoulder with certainty. Tinantiya naman nito ang posisyon ng kanyang tuhod.

If Chandra wasn't out of it, mapapahanga sana siya sa secret talent ng boss niya. But right this moment, she can't think of anything else. Right now, habang nakatitig siya sa mukha nito, the blindfolded Coven served as a stark reminder of someone she had lost long ago.

'It can't be him...,' anas niya sa sarili. 'But if it's Primo's will... can it be...?'

Natigil ang pagi-isip ni Chandra nang ilapag siya ni Coven. Doon lamang niya napansin ang kabuuan ng banyo. May separate area for shower and bathtub ito, and currently, Coven placed her sa shower area.

Her eyes stung a bit when she realized na roll-in shower ang disenyo ng banyo, with a bench na malapit sa shower mismo. As a former wheelchair-bound person, alam niya na this kind of design is meant to improve wheelchair accessibility.

"You take a shower first to wash off the mud," sabi ni Coven pagkalapag sa kanya. "I'll go out para palitan ang bedsheets. Wear this robe once you're done and I'll bring you to the tub."

Aalis na sana ito, but she tugged at his sleeve. Nakita niyang ipiniling nito ang ulo nito sa kanyang direksyon.

"What is it?"

"Yung banyo...," tumikhim si Chandra para alisin ang bumabara sa kanyang lalamunan. "... it's wheelchair accessible."

"Oh, you noticed that?" Coven chuckled, na para bang naa-amuse ito sa kanyang tanon. "Actually, the whole house is wheelchair accessible. In fact, now that I remember, may elevator din dito, though it's behind the grand staircase. I found that really cool kaya I chose this place among the many properties na pinakita sa akin ni Leo."

"Oh...," tanging nasabi ni Chandra. She let go of Coven at humakbang naman palabas ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Figli della Notte #1: Codename HavocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon