He can see her. Only her.
She's smiling brightly at him.
Inangat niya ang kanyang mga kamay to touch her face. But it seems na ang layo-layo ng dalaga sa kanya. No matter how far he stretch his arms, hindi niya pa rin ito mahawakan.
'Luna!', sigaw niya.
Kasabay niyon ay ang unti-unting pag-layo ng imahe ni Luna mula sa kanya.
'Luna!', sigaw niya uli. This time, puno ng pagkataranta iyon dahil pakiramdam niya ay mawawala sa kanya ang dalaga.
'Don't-'
Biglaan ang ginawang pagmulat ng mata ni Cody mula sa kanyang bangungot. It was then that he realized that what he just saw was all a dream. Inihilamos niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Pilit din niyang inaalala ang huling nangyari.
Medyo sumakit ang ulo niya as fragments of his memory came flooding, mula sa last mission niya with Don Elizalde, hanggang sa sagupaan nila ni Agent Doc.
Nang i-alis niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha, doon na lamang niya napagtanto na nasa loob siya ng isang puting silid. Sa tabi niya ay may mga makina at IV drip.
'Am I in a hospital?', nakakunot-noong tanong ni Cody sa sarili.
Nais sana niyang bumangon ngunit doon naman nagbukas ang pinto ng silid at pumasok ang isang babaeng naka-white coat at white half-face Venetian mask.
"Glad you are awake.", may konting ngiti na sumilay sa naka-exposed na labi ng babae.
"Who are you?", tanong niya rito. "Where am I?"
"You're here in a very special place na pag-aari ng family.", tugon nito. "I'm Morta, by the way. I'm not an agent but a part of the management."
"Management?"
"Yup. I'm one of the higher ups.", sagot nito sa kanya. "Technically, I'm in charge with disposing rouge agents."
Binundol ng kaba si Cody sa narinig. He tried to get up and it was then that he realized na hindi pwede.
He can't feel his legs.
"You won't be able to do anything now.", kalmadong saad ni Morta. "You are halfway dead. Your lower body is not functioning anymore."
"In...", tumingin ito sa relo. "... three hours, the drug that's slowly killing you will make it's way to your heart. Once it does, it will stop beating. Kapag hindi na nagpupump ang heart mo, no oxygen will reach your brain. You'll be fully dead by then."
Napatulala si Cody kay Morta. Paunti-unti lamang yata na nagsi-sink in sa isip niya ang sinabi nito.
He's dying.
And in three hours, he's dead.
Napatingin siya sa kisame. When the information fully sunk in, napasuntok si Cody sa higaan with all his frustrations.
Natalo siya. Sumugal siya nang talikuran niya ang family but natalo siya. Three hours. It may still seem like a lot of time pero alam ni Cody na wala na siyang magagawa. He doesn't know where exactly he is. He can't move. At hindi niya alam kung ano yung itinurok sa kanya and if there's even an antidote.
He doesn't want to admit defeat. Labag na labag iyon sa kanyang kalooban. But he can't stop the feeling of helplessness lalo na at wala siyang mabuong matinong plano sa kanyang isip.
Narinig niyang bumuntong hininga si Morta.
"You shouldn't have fallen in love.", puno ng panghihinayang na pahayag nito. "The family only has three taboos at yun pa talaga ang sinuway mo. Primo isn't the forgiving type pa naman."
"Where's Luna?", mahina niyang tanong.
Napatitig sa kanya si Morta na parang may malalim na iniisip. "Yung babaeng ipinagpalit mo sa family? You really love her, don't you?"
"Yes.", walang pag-aalinlangan na tugon niya.
"How come?", napapailing na tanong ni Morta. "Hindi naman kayo nagkasama ng matagal. Hindi nakakapagsalita yung babae kaya ano naman ang masasabi niya sayo para mahulog ka sa kanya? Hindi ko talaga kayo maintindihan, all you rouge agents that come here after falling in love."
"So hindi lang pala ako ang una?"
"Of course, there were agents before you. And all of them wound up dead. Wala pang nakakaligtas."
Malakas na napatawa si Cody. Unti-unti iyong humina at nalambungan ng pait.
"I should have known.", nanghihinang hayag ni Cody. "I just fell for her at first sight, you know? Hindi ko rin alam kung bakit. When I saw her the first time, something in me clicked. Something in me screamed, she's the one."
"Hindi kami nag-uusap, oo. But her eyes spoke to me more than anything. I saw something magical - a destined love. Napaka-corny mang pakinggan but that's how I felt every time I look into her eyes."
Napabuntong-hininga si Morta. "Lahat kayo, yan din ang sinasabi."
"What will happen to Luna?"
"Hindi ko alam.", kibit balikat na tugon ni Moira. "I'm not privy to Primo's plans. All I know is that she's necessary to Primo so she's definitely in good hands. That's all the information I got."
Napatahimik siya.
"What will happen after I die?"
"Truth be told, walang bangkay na paglalamayan ang maiiwan mo sa buhay.", sagot ni Morta. "Your secretary will probably search for you far and wide but wala siyang makikita. You'll be gone just like that. Nag-prepare ka naman siguro ng last will and testament mo diba? Sayang din ang buong Herrera empire na itinayo mo."
Mapait siyang napangiti.
Doon naman ay may pumasok na lalaking naka-scrub suit at naka-surgical mask. May dala itong tray.
"Eto na po, doc.", sabi nito kay Morta.
Bumaling si Morta rito at kinuha ang syringe na nasa tray.
"What's that?", tanong ni Cody.
"It's a sedative.", walang anuman na tugon ni Morta. "I need to sedate you while we are waiting for the drug to take full effect."
"You don't need to do that.", walang emosyong saad niya. "If iniisip niyo na tatakas ako, huwag kayong mag-alala. Hindi ko gagawin iyon. Wala na akong magagawa sa kalagayan kong ito."
"No can do, brother," tutol ni Morta habang tinatapik-tapik ang syringe. "It's SOP."
At lumapit na ito sa kanya. Hindi na siya nanlaban dahil nawalan na rin siya ng pag-asang makawala. Ang pakonswelo na lamang niya sa sarili ay ang isipin na walang masamang balak si Primo kay Luna. Luna's surely in good hands.
Naramdaman na niya ang pag-surok ng likido papasok sa kanyang katawan. In a while, hindi na niya mapaglabanan ang pagbigat ng kanyang mga talukap.
And he felt so sad. Isipin pa lang na hindi na niya makikita si Luna, pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang puso.
Knowing that he won't be able to reverse the situation now frustrates him too.
Alam niyang wala na talaga siyang magagawa and that helplessness ang nagpapabigat ng kanyang kalooban.
Naramdaman niya ang pangilid ng isang butil ng luha sa kanyang pisngi.
'Is this it?'
"Luna...", malungkot na anas niya bago siya igupo ng antok.
'I love you.'
BINABASA MO ANG
Figli della Notte #1: Codename Havoc
RomanceFigli della Notte, meaning 'Children of the Night'. Isang vigilante group na ang hit list ay composed of drug lords, corrupt politicians, and evil businessmen sa Pilipinas. The family has three rules: 1. Don't fall in love. 2. Don't let anyone know...