Naka-alis ang kotse na sinasakyan nila safely. Tinitingnan-tingnan pa ni Havoc ang mga side mirrors to check if may nakasunod sa kanila. He heaved a sigh of relief when they were a distance away at walang nakabuntot sa kanila.
He removed his mask and tapped his earpiece to open the line of communication to L.
"L.", tawag niya rito.
"Havoc."
"Mission accomplished.", sambit ni Havoc. "Pero may complication."
"Complication?"
"There's a female captive with the target.", paliwanag ni Havoc. "May secret room sa study ni Don Elizalde and the woman was there, chained to a wheelchair. This isn't in the report."
Napatahimik si L sa kabilang linya.
"It seems even the great L can make a mistake, huh?", may halong tukso ang himig ng kanyang boses.
"Where is she right now?", maya-maya pa ay tanong ni L matapos ang ilang segundo na katahimikan.
"Right beside me."
"And you are letting her hear our conversation?"
"Nakita na niya akong dinidispatsya si Don Elizalde. Her hearing our conversation makes no difference."
Narinig niyang bumuntong-hininga si L sa kabilang linya.
"I'm just an informant and support operative, agent Havoc.", saad ni L. "This complication, you'll have to clean it up yourself."
"I know.", pagsang-ayon niya. "I'm just informing you about it. Also, I need your help in some things."
"What is it?"
"I need a doctor who can check on the woman.", saad ni Havoc. "Not only can't she walk, she can't speak as well."
"I see. I'll make arrangements."
"Thanks."
-*****-
Dahil hindi niya pwedeng dalhin ang babae sa condo niya, tinahak niya ang ruta papunta sa isa sa kanyang mga safe houses. This one is located in Tagaytay. Liblib na lugar ang pinagtatayuan ng bahay kaya naman siguradong hindi siya agad makikita kung may panganib man na nakasunod sa kanila.
Halos dalawang oras ang biyahe papunta roon. Pagkarating lamang sa safehouse napansin ni Cody na nakatulog na pala ng mahimbing ang dalaga.
Dahil mukhang malalim ang tulog ng babae, hindi na niya ito ginising pa. Kahit naman gising pa ito ay hindi rin naman ito makakapaglakad mag-isa. Napagdesisyunan niyang huwag na lang itong gisingin at buhatin na lang ito agad papasok ng bahay. He took off the seatbelt and carried her gently in his arms.
The safe house is a bit spacious considering na isa lamang itong bungalow. There are three guest rooms and one master's bedroom.
Binuksan ni Cody ang pinto sa guest room na pinakamalapit aa master's bedroom.
Nailapag na ni Cody ang babae sa malambot na kama ay hindi pa rin ito nagigising. Hinawi niya ang buhok na nakatabing sa mukha nito. He took that chance to stare at her face up close.
Napakaamo talaga ng mukha ng babae. She's a little pale na mukhang hindi naaarawan. Her lips though are as red as roses. Nakakunot ang noo nito kahit na ba mahimbing itong natutulog.
"What's got you so bothered even in your dreams, princess?", bulong niya while caressing her cheeks with the back of his hand.
Nakita niyang nawala ng konti ang pagkakakunot ng noo ng natutulog na dalaga. Inilapit din nito ang mukha sa kanyang kamay.
He chuckled. She's like a kitten.
Kinumutan na ni Cody ang babae at pinatay ang ilaw. Ang ilaw lang mula sa lampshade na nasa tabi ng kama ang iniwan niyang nakabukas.
"Sweet dreams, princess."
Kinabukasan, maagang nagising si Cody. Doon na siya natulog sa master's bedroom dahil hindi niya rin naman maiwan ang babae.
He showered first bago bumaba upang mag-luto ng agahan. Buti na lang may stock na canned goods ang rest house kaya naman nakapag-luto siya ng corned beef at beef loaf. Nag-saing na rin siya ng rice dahil sanay siya na heavy breakfast ang kinakain.
Nang matapos sa pagluto, umakyat siya sa guest room upang tingnan ang 'bisita'.
Kumatok muna siya ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. Pagkapasok niya, nakita niya na naka-upo lang sa kama ang babae.
Agad itong tumitig kay Cody matapos niyang buksan ang pinto. Staring straight into her eyes gave him the same damn effect as last night! Kinakabahan siya na hindi niya mawari.
Tumikhim muna siya upang tanggalin ang kung ano mang nagbara sa kanyang lalamunan bago nagsalita.
"Good morning.", bati niya rito. "I've prepared breakfast already. Do you want to eat or shower first?"
Medyo natigilan ito sa kanyang sinabi. Maya-maya pa ay bumuka-buka ang bibig nito. Tsaka lang naalala ni Cody na hindi nga pala ito nakakapagsalita!
"Eat first?", inulit niya ang tanong habang nagge-gesture na kumakain. After, tinuro na man niya ang pintonng banyo. "Or shower?"
Marahang itinaas ng babae ang mga kamay at ginaya ang pagmuwestra ni Cody na kumakain.
"We'll eat first then.", sabi niya sabay lapit sa babae upang buhatin ito. "Bubuhatin na kita ha."
Dahan-dahan niyang kinarga ang babae pababa sa kusina bridal style. Ipinwesto niya ang babae sa high stool na nasa may island counter at doon na lamang sila kakain instead na doon sa dining table.
Pagkababa sa babae, sunod naman niyang inihain ang mga niluto.
"Sorry, canned goods lang 'to.", hinging-paumanhin niya rito. "Wala kasing ibang stocks. Kain ka na."
Tumango lamang ito at kinuha ang kutsara't tinidor na inilapag niya sa plato nito. Dahil mukhang hindi naman ito kikilos upang kumuha ng pagkain, si Cody na mismo ang naglagay sa kanyang plato.
"Eat lots."
Tahimik lamang silang kumakain. Well, hindi rin naman niya ito makakausap kaya hindi na rin lang siya nagsalita. While eating, napansin rin niyang pasulyap-sulyap ito sa kanya. Marahil ay marami itong gustong itanong.
Nang matapos silang mag-agahan, kinarga ni Cody ang babae papuntang sala. Hindi na napansin ni Cody na para bang natural na sa kanilang dalawa ang pagkarga niya rito bridal style.
Matapos masigurong komportable na ang babae sa sala, bumalik naman siya sa kusina upang iligpit ang kanilang pinagkainan. Habang naghuhugas ng plato, iniisip ni Cody kung papaano kakausapin ang dalaga.
Matapos maghugas, napagpasyahan na lang ni Cody na umakyat muna sa master's bedroom upang kumuha ng papel at ballpen. Pagkababa, agad siyang dumiretso sa sala.
"Can you write?", tanong ni Cody.
Tumango ang babae sa tanong niya.
"Good.", sabay abot ng ballpen at papel rito. "Now let's talk."
BINABASA MO ANG
Figli della Notte #1: Codename Havoc
RomanceFigli della Notte, meaning 'Children of the Night'. Isang vigilante group na ang hit list ay composed of drug lords, corrupt politicians, and evil businessmen sa Pilipinas. The family has three rules: 1. Don't fall in love. 2. Don't let anyone know...