Chapter 19

3 0 0
                                    

Naglalaro ng candy crush si Chandra sa kanyang phone habang nakahiga sa duyan na nasa labas ng bahay. Well, technically, hinihintay niya ang kanyang amo na bumalik sa bahay. Nakaharap siya sa daan kung saan madali niyang makita kung may papalapit ba.

Kanina pa lumubog ang araw at nadalhan na rin niya ng flashlight ang lalaki. At that time, wala pa rin itong nabingwit kaya naman nagluto na siya ng corned beef at beef loaf kanina pagbalik niya.

Nakakatatlong level na siya sa candy crush and there he was, carrying the fishing gears in one hand and the flashlight in the other.

Ng makalapit ito sa bahay, nakita niya na nakakunot pa rin ang noo nito.

'So, he wasn't able to fish for anything then,' puna niya sa sarili.

Di niya alam kung ano ang sasabihin sa lalaki na hindi mahu-hurt ang feelings nito. Pero bago pa siya makapagsabi ng kahit ano, nauna na itong magsalita sa kanya.

"Let's have canned goods for dinner," sabi pa nito bago ito pumasok sa shed kung saan itatago ang fishing gear.

Umalis na siya sa duyan at diretsong pumunta sa kusina. Inalis niya ang takip sa hapag kainan. Kanina pa siya nakapagluto ng kanin at ulam, nailapag na din niya ang mga iyon, pero ngayon lang bumalik ang lalaki.

Habang nagse-set siya ng plato, baso, at utensils sa lamesa, pumasok si Coven at dumiretso din sa kusina.

Tumaas ang kilay nito ng makita na may pagkain na sa hapag.

"Did you expect that I won't be able to catch anything?"

"No, Sir, nakalimutan ko lang sabihin sa iyo na hindi ako marunong maglinis ng isda," walang emosyong pagsisinungaling niya. Of course, alam niya kung papaano maglinis ng isda. She knows how to dissect it too.

Coven just scoffed, na para bang alam nito na hindi siya nagsasabi ng totoo.

"It's been more than four years since I last fished," saad nito habang tinutungo ang sink at naghuhugas ng kamay. "Medyo rusty na ang skills ko."

'Excuses. More than four years ka din namimingwit. Gaano ka ba na-spoil ni Leo para makalimutan mo ang life skills na ginagawa mo for most of your life?' tanong ni Chandra sa sarili sarcastically. But di na niya iyon sinabi out loud dahil ayaw niya makipagtalo sa boss niya at the moment. Pagod na siya sa haba ng biyahe nila at kakalakad sa isla, so she really wants nothing but to rest in bed right now.

"Let's eat," tanging nasabi na lamang niya.

oOo

Naalimpungatan si Chandra mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog dahil sa dagundong na narinig niya. Napaupo siya sa kanyang kama at pilit na iminumulat ang mabigat na talukap ng kanyang mata para tumingin sa labas ng bintana.

Madilim pa sa labas pero base sa paggalaw ng mga anino sa labas, mukhang umuulan at napakalakas ng ihip ng hangin.

Ilang sandali pay isang malakas na kulog ang umalingawngaw sa paligid kasunod ng pagguhit ng kidlat sa labas.

Napangiwi si Chandra sa narinig. Hindi naman siya takot sa kulog at kidlat pero di pa rin niya mapigilan na magulat sa lakas ng tunog.

Napagpasyahan ni Chandra na lumabas ng kwarta at i-check ang boss niya sa labas. Nais din niya tingnan if wala bang problema sa labas. Hindi niya gustong bumalik sa pagtulog ng di mai-ensure na okay lang ang lahat.

Sakto naman at paglabas niya sa kanyang kwarto ay siya ring paglabas ni Coven.

Nagkatinginan silang dalawa. Napansin ni Chandra na walang suot pang-itaas ang lalaki and was only wearing a pair of shorts.

Napatikhim si Chandra at tuluyang inalis ang tingin sa katawan ng lalaki. Ibinaling niya ang atensyon sa labas ng bintana. Buti na lang at madilim, hindi makikita ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Lumabas lang ako para i-check kung okay lang ba ang lahat," sabi niya.

Napalingon pabalik kay Coven ang tingin ni Chandra dahil hindi siya nakarinig ng sagot mula dito after several seconds.

"Go and check the sala. I'll check the kitchen," utos nito.

"Yes, sir," wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa utos nito.

Ilang minuto ay bumalik sa sala si Coven.

"Good thing nothing's amiss sa kitchen and sa CR," sabi nito. "Here?"

"Wala ring problema," sagot naman niya. "Hindi lumilipad yung bubong at wala namang tulo ng tubig."

"Good," pagtango ni Coven. " We should be safe here, then. Let's go back to sleep."

At sabay nilang tinungo ang kani-kanilang mga kwarto.

"Do you think titila ang ulan bago mag-umaga?" may bahid ng pag-aalala sa boses ni Chandra.

Hindi niya gustong mag-extend pa ng stay sa isla na ito, which is highly likely na mangyari if umuulan pa rin bukas at hindi sila matuloy sa pagsusurvey sa isla.

Tumingin sa labas si Coven.

"I think titila ang ulan in an hour or two," sagot ni Coven. "Don't worry about it and just go to sleep. Or do you need me to sing you a lullaby so you can sleep?"

'Papatulan ko na to eh.'

Ngumiti na lang si Chandra at nagpatuloy sa pagbukas sa pinto ng kanyang kwarto.

"Good night, Sir."

oOo

10 AM.

10 AM na pero hindi pa rin tumitila ang ulan since last night.

Napabuntong hininga si Chandra habang nakatayo sa pintuan at nakatanaw sa ulan. How many times did she sigh sa buong business trip na ito?

Right now, wala siyang choice kundi itanong ang pinaka-dreaded na tanong niya sa kanyang boss.

"Sir, di pa rin tumitigil ang ulan. Anong plano?" tanong niya sa lalaking nakaupo sa sofa at nagtitipa sa laptop nito.

"What else? We'll stay here and then leave at 3 PM as scheduled," sagot nito ng hindi man lang inaalis ang tingin sa screen.

Mabilis na nilingon ni Chandra si Coven dahil sa gulat.

"You mean, di tayo mage-extend?"

Dahil sa tanong na iyon, binaling ni Coven ang tingin sa kanya, with matching raised eyebrows.

"You wanted to be with me that much na gusto mo mag-extend ng isa pang araw?"

'Keep calm, Chandra. Keep calm.'

"What I mean is, hindi pa tayo nakakapag fully survey sa isla," sagot niya matapos pigilan ang sarili na batuhin ng hawak na mug na may konting kape pa ang boss niya. "We only gained a little sa pagpunta natin dito. Enough na ba yon?"

Bumalik ang tingin nito sa laptop.

"Obviously, it's not enough," sagot nito. "But we'll just come back another time. Manong will be picking us up at 3 and ang last minute to ask Manong to go back empty handed at bumalik bukas. That's why, unfortunately for you, we can't extend our stay here for another day."

'Dahil sa consideration mo kay Manong, I'll let you off for that unfortunately for you bit.'

Dahil nakuha na niya ang confirmation sa kanyang katanungan, inubos na ni Chandra ang kape niya at pumasok sa kwarto upang ihanda ang mga gamit sa kanilang pag-alis.



Figli della Notte #1: Codename HavocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon