"Did you receive a call from Leo?", agad na bungad ni Coven kay Chandra pagkatapos nitong makalabas sa CEO's Office.
Bagama't nagulat ay agad namang nakasagot ang babae, out of reflex.
"Hindi po sir. Hindi po ba siya tumawag sa inyo?"
"No, he didn't.", kunot-noong sagot nito sa kanya. He impatiently looked at his wristwatch. "It's almost time pero wala pa rin siya."
Napatingin din si Chandra sa orasan at nakitang isang oras na lang at off na nila sa trabaho. Naalala naman niya na aalis nga pala para Siargao ang boss niya at hinihintay lamang nito si Leo.
"Let me call him, Sir.", offer ni Chandra. Hindi na niya hinintay ang sagot ng binata at kinuha na ang kanyang cellphone upang tawagan si Leo.
Ilang ulit na nagri-ring ang kabilang linya pero wala pa ring sumasagot.
"If he's not here within an hour, you'll be taking his place.", narinig niyang sabi ni Coven sa kanyang likod. His impatient look told her that Leo is in big trouble with their boss and mas mabuti siguro kung hindi nito sasalubungin ang sumpong ng lalaki. At least, kung magpapakita si Leo pagkabalik nila, their boss' mood may not be as easy to ignite then. "Have the company driver drive you home. Pack your bags. You are coming with me."
"Okay, sir.", tango niya kay Coven. Hindi na siya nag-sayang ng laway na tumanggi o magbigay man lamang ng excuse in behalf ni Sir Leo dahil alam niyang useless din naman iyon.
'Boss' order.'
Mabilis na tinawagan niya ang isa sa mga company driver upang ipagmaneho siya. May sasakyan naman talaga siya pero inisip na rin niya na sayang ang pang-gas at miminsan lang naman siya nakakasakay sa company car nila kaya naman susulitin na niya.
In no time ay naka-uwi na siya sa at nagsimulang ng mag-impake. It's a good thing na hindi siya katulad ng ibang babae na maraming gamit na iniimpake sa tuwing may out of town na lakad. She has always been the on-the-go type of girl.
In addition, dahil sa kanyang past experiences ay alam na niya kung ano ang mga importante at hindi importanteng dalhin sa tuwing may lakad siya. Sa ilang ulit ba naman niyang pag-aattempt na tumakas kay Primo at kahit noong mga panahon na palipat-lipat siya ng tirahan, impossibleng hindi pa siya sanay sa spontaneous na lakad.
Kaya naman walang pang 15 minutes siyang nakarating sa condo unit niya ay tapos na niyang ma-impake ang sa tingin niya ay dapat niyang dalhin. All she had is one big backpack containing a couple of business formal clothes and sleepwear, toiletries, simple beauty essentials, first aid kit, and some others.
Hindi pa tapos ang one hour na ibinigay sa kanya ng kanyang boss ay nakabalik na siyang muli sa opisina.
Matapos ilapag sa may desk niya ang kanyang bag ay naglakad siya papunta sa opisina ni Coven. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago niya pinihit ang pinto.
"Sir, I'm back.",
"Good.", sagot nito nang hindi man lamang iniaangat ang tingin mula sa binabasa nitong mga documents.
Lalabas na sana siya uli nang biglang nag-angat ng tingin ang binata.
"Leo called to explain his situation on the field while you were gone.", sabit nito sa kanya. "He'll be staying here to handle those matters while ikaw ang magiging sekretarya ko sa site visit. All releveant documents are already sent to your email. Familiarize yourself with this deal so you can be of help to me. Although this will be your first time for a site visit, I expect you to perform efficiently."
"That's a matter of course, sir.", she confidently replies.
"Good.", tumatatango-tangong pahayag ni Coven bago bumalik sa inaasikasong dokumento. "We'll be leaving in fifteen minutes."
"Noted, sir."
Lumabas na siya ng opisina nito at bumalik sa kanyang pwesto. She checked her email through her phone at dinownload na rin niya ang mga papeles na dapat niyang basahin. Plano niyang pag-aralan iyon habang nasa himpapawid sila.
Eksaktong kinse minutos nga ay lumabas na si Coven sa opisina.
"Let's go.", sabi nito habang dirediretso ng lakad papalapit sa elevator na exclusive for the CEO's use.
Dalidali namang isinukbit ni Chandra ang kanyang shoulder bag na lagi niyang dala sa opisina saka binitbit ang kanyang backpack na naglalaman ng kanyang gagamitin during her Siargao trip. Hindi naman masyadong kabigatan ang kanyang mga dala pero medyo napag-iiwanan pa rin siya ni Coven. Buti na lang talaga at pinatay na niya ang kanyang computer ng mas maaga pa, kung hindi ay baka iwan lang siya ng boss niya sa kanyang pwesto.
Buti na lang din at hindi pa dumarating ang elevator kaya naman nakahabol pa si Chandra kay Coven. She immediately stood behind him to wait for the elevator that will take them to the rooftop.
BINABASA MO ANG
Figli della Notte #1: Codename Havoc
RomanceFigli della Notte, meaning 'Children of the Night'. Isang vigilante group na ang hit list ay composed of drug lords, corrupt politicians, and evil businessmen sa Pilipinas. The family has three rules: 1. Don't fall in love. 2. Don't let anyone know...