Chapter 22

6 0 0
                                    

Mansyon.

Isang malaking mansyon ang bahay ni Coven. Or better to say, ang mansyon na binili nito in a silent retaliation against his dead brother, na para bang sa pagbili nito ng mansyon, his dead brother will roll over his grave in frustration.

Actually, nung marinig niya ang kwentong ito mula kay Leo, she thought na ang childish naman ng boss niya. But seeing the mansion, napamangha na lamang siya sa kanyang nakita.

If she has the ability to buy this kind of splendid mansion, she will - no doubt about it - buy it as well.

From the aerial view she saw of the mansion, solar powered ang bahay and there's a garden maze and pool. As for the landing pad, it was placed at an open space sa likod ng mansyon ang landing pad.

Once they landed, lumabas ang co-pilot sa cockpit. He proceeded to bring out a folded wheelchair galing sa storage, but Coven waved him off.

"No need," explain nito sabay turo sa tufted lawn. "It's all grassy lawn. Mahirap i-maneuver ang wheelchair."

The co-pilot nodded at isinantabi na lamang nito ang wheelchair. Binuksan muna nito ang pinto ng plane bago tumungo sa mga backpacks nila at dalhin ang mga iyon pababa.

As for Coven, tinanggal nito ang seatbelt and stood up. Lumapit ito sa kanya and tinanggal din ang seatbelt niya. And then, he proceeded to carry her out of the plane, bridal style ulit.

Okayyy, in just a couple of hours, nasanay na siya sa pagkakarga sa kanya ng lalaki. And besides, she absolutely hates wheelchairs. So let it be na lang, ika nga.

But then, napasulyap uli siya sa wheelchair and thought bakit hindi man lang nag consider si Coven na gamitin ang wheelchair habang nasa airport sila kanina. That was asphalt road and smooth lang gamitin ang wheelchair doon.

'Well, no use thinking about it.'

Ibinaling ni Chandra ang kanyang pansin sa loob ng bahay. Mas namangha siya ng makita ang grand staircase pagpasok na pagpasok pa lamang nila ng bahay. Nasa gitna ito and after a couple of steps, it separates to the left and right.

May malaking chandelier din na nakasabit sa gitna ng area. Sa paanan ng hagdan, may circular red royalty rug din. Parang European yung style ng bahay, something that you'd only see in movies.

Dumiretso si Coven sa hagdanan and took a turn to the left. Nakasunod naman sa kanila ang co-pilot.

"The guest rooms are in the left wing," paliwanag nito. "Doon ka muna while waiting for the doctor."

Tumango lamang siya, since na-speechless ata siya sa karangyaan ng lugar.

It wasn't as if it is the first time that she's been in a mansion. But hindi ganito karangya ang bahay ni Don Elizalde. As for Primo's mansion, it was more modern-looking, with all the high-tech gadgets installed. Well, given Primo's vigilante activities, having a modern house equipped with modern security systems makes more sense.

But this house... this house is a dream house for any lady who wishes to be treated like a princess... or a queen.

Ipinilig niya ang ulo. The house is beautiful, pero hindi kanya. No use drooling over its architecture, decors, and interiors.

When they arrived at the guest room, ang co-pilot mismo ang nag-open ng pinto, given na karga-karga pa rin siya ni Coven. Coven entered first and went straight to the bed para ilapag siya.

"Wait!"

Napatigil si Coven mid-action at tiningnan siya with a questioning look.

"I mean, puro ako putik. Ang linis linis ng beddings mo, o," paliwanag ni Chandra.

Binalewala lang ni Coven ang protesta niya at inilapag na siya sa kama.

"At the moment, hindi ka pa nachecheck ng doctor," sagot nito sa kanya. "Better get you checked and treated first and then we can ask the doctor if you're good to take a bath. You'll clean up AFTER you've been seen by the doctor."

Papalag pa sana siya pero naunahan na siya ni Coven.

"Don't worry about the beddings. My men will clean that up later."

Hindi na siya nito pinansin nito at bumaling na sa co-pilot.

"You, guys, can go home. Thank you for your hard work."

"No problem, Sir," sagot ng co-pilot bago lumabas sa guest room. "Tawag lang po kayo if kailangan niyo ulit ang serbisyo namin. Una na po kami, Sir. Take care po, Ma'am."

"Thank you," pasalamat din niya sa co-pilot.

Nang makalabas na ng kwarto ang co-pilot, ibinaling naman ni Coven ang kanyang atensyon sa cellphone niya. He made a call.

"Leo, is the doctor not here yet?"

"Good."

Bumaling sa kanya si Coven matapos nitong tapusin ang tawag.

"Leo already called for a doctor kanina pa," sabi nito sa kanya. "The doctor should be here soon. You rest here for a while habang hinintay natin ang doctor."


Figli della Notte #1: Codename HavocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon