Chapter 17

4 0 0
                                    

"What did you just say?"

Although kalmado ang pagkakatanong ni Coven kay Chandra, alam ng babae na nagtitimpi lamang ng matinding galit ang lalaki. Sa pagtatrabaho niya rito, alam na niya na mas dangerous ang lalaki kabang kalmado nitong hinaharap ang mga issues. Mas gusto pa niya ito kapag galit kesa ganitong mahinahon na nakikipag-usap sa kanya gayong may bulilyaso.

Well, hindi naman niya kasalanan. Right now, alas diyes na ng umaga at wala pa rin si Mr. Chang. Alas nuwebe ang usapan. Meaning, isang oras nang late ang kanilang inaantay. Meaning, the devil incarnate has been waiting for one hour.

At hindi pa roon nagtatapos ang pagkapalya nang kanilang lakad ngayon. Nang tawagan ni Chandra si Mr. Chang ay ang sekretarya nito ang sumagot at sinabing kanina pa umalis ang kanilang boss. Unfortunately, napag-alaman din niya na sa Manila manggagaling pa ang businessman. It takes more than two hours from Manila to Siargao. Considering Manila traffic and other factors, talagang male-late ang lalaki sa araw na iyon.

When she relayed the information to Coven, she felt the temperature in the cottage that they were waiting at fall to a dangerously low level. Medyo nakaramdam ng cold sweats sa kanyang likod si Chandra. If she doesn't know any better, iisipin niya na may killing intent ang lalaki sa palyadong businessman.

"Let's go back to the inn and pack up your bags.", sabi ni Coven sabay tayo. "We won't be pushing through with this deal."

"Yes, sir.", sagot na lamang ni Chandra. Sabi na eh. When Boss Coven says don't be late, you shouldn't be late.

Agad siyang sumunod sa kanyang boss sa loob ng service van at nilisan nila ang port pabalik sa inn. Hindi nagtagal ng 15 minutes at naka-check out na sila.

"Take me to this address.", utos ni Coven sa driver nila habang inaabot ang isang pirasong papel.

Agad naman tumalima ang driver. Nang nasa daan na sila ay inutusan din siya ni Coven na tawagan si Mr. Chang upang sabihin na umaatras na sila sa deal.

Palihim na napabuntong-hininga si Chandra sa utos na iyon ng kanyang boss. Na-iintindihan niya ang dahilan kung bakit agad na nakaoag-desisyon si Coven na umatras sa deal. After all, napaka-unprofessional din naman ni Mr. Chang. Although ngayon ay medyo curious siya kung saan sila papunta.

Halos isang oras din ang binyahe nila bago nila narating ang address na ibinigay ni Coven. Nang tumingin sa labas si Chandra, nakita niya na nasa may pampang sila. Agad umibis si Chandra ng makitang bumaba ng sasakyan ang kanyang boss.

"Tao po!", tawag ni Coven ng makalapit sa nag-iisang bahay malapit sa kanila. "Tao po!"

"Saglit!", rinig nila mula sa loob.

Mayamaya pa ay bumukas ang pinto ng bahay at nakita nila ang isang babae na lumabas. Lumapit ito sa gate upang makausap sila.

"Anong sadya nila?"

"Magandang hapon po.", magalang na bati ni Coven sa babae na halatang mas matanda sa kanya. "Magtatanong po sana ako kung dito po ba nakatira si Antonio Bermudez?"

"Oo, dito nga.", tugon ng babae. "Anong kailangan niyo sa tatay ko?"

"Itatanong lang ho sana namin kung may nakabili na ho ba sa isla na binebenta ninyo?"

"Interesado ka sa isla?", balik-tanong ng babae. "Naku, kung gayon ay pasok kayo. Sa loob natin iyan pag-usapan. Wala pa si tatay, nasa laot, kasama ang aking asawa. Bukas o sa makalawa pa sila makakabalik."

Pinaupo sila ng babae sa sofa habang uto naman ay pumasok sa kusina upang kumuha ng maiinom nila.

"Sana kayo na talaga ang makakabili sa isla na yan.", rinig nilang sabi ng ginang habang nasa kusina. "Ang tagal-tagal na namin yang ipinagbibili. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring naisasaradong deal si tatay. Alam niyo na siguro kung bakit?"

"Yes," sang-ayon ni Coven sabay abot sa kanyang kamay. "Ako nga po pala si Coven, may-ari ng Herrera Chain of Hotels. Eto naman po si Chandra, my secretary."

"Delilah, sir," sagot ng babae. Ipinunas muna nito ang palad sa suot na damit bago inabot ang kamay ni Coven.

"As far as we investigated, gusto ng tatay mo na i-preserve as much as possible ang isla. That, as much as possible, hindi siya i-modernize at wala masyadong constructions sana ang mangyari."

"Tama po kayo sir," tamtangong sang-ayon ni Delilah. "Napamahal na po kasi kay tatay yung isla at ang bawat sulok noon. Kung hindi lang po namin kailangan ng pera para sa pag-aaral ng mga nakababata kong kapatid, hindi talaga sana namin ibebenta ang isla."

"Interesado ako sa isla and na-consider ko na din ang kondisyon na binigay ng tatay mo," saad ni Coven. "Pero bago ako mag-push through sa negotiations, gusto ko sana makita ang bawat sulok ng isla with my own eyes. That way, alam ko kung posible pa rin ba na maging sa aking negosyo ang isla kung susundin namin ang request ng tatay mo."

"Aba kung ganoon po, pwede ko pong tanungin ang aking biyenan kung pwede kayong mahatid sa isla," masayang tugon ng babae. Tumayo ito at akmang lalabas ng pinto.

"Wait," tawag ni Coven. "May matitirhan ba na cottage or bahay sa isla? We wanted to stay there for a day and a night, para ma-survey namin kung ano ang kondisyon ng lugar sa umaga at sa gabi."

Nanlaki ang mga mata ni Chandra sa narinig. 'Don't tell me isasama ako nito sa isla?'

"Ay, opo, may bungalow house po doon sa isla. Sige po, tatawagin ko po ang aking biyenan para mahatid kayo roon."

"Thank you."

Hinintay muna ni Chandra na makalabas ng bahay si Delilah bago siya tumikhim upang makuha ang atensyon ng kanyang boss.

"Sir, kasama ako sa isla?" di mapigilan ni Chandra ang sarili na magtanong. 

Truthfully, ayaw niyang sumama sa lalaki. Islands bring back bad memories for her, memories of when she was trying to run away from Primo. Kung kaya niyang umiwas sa pagi-stay sa isang isla, gagawin niya.

"Of course, kasama ka," kumpirma ni Coven. Nakataas ang kilay nito sa kanya. "You'll do an initial survey of the island with me. Why do you think sinama kita dito?"

Figli della Notte #1: Codename HavocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon