Debt Payment Chapter 1

1.5K 25 3
                                    

##### CHAPTER ONE FIRST MEET

MALISORN HOTEL AND RESTAURANT...

" Hello Yho, nasaan ka na ba? " tanong ng best friend ni Yoko na si Freen mula sa kabilang linya ng telepono. Naglalakad na kasi si Yoko papunta sa exit ng hotel.

" Palabas na ng hotel, fortunately the meeting ended quickly, " sagot n'ya.

" That's good, you can go home and rest, hindi yo'ng puro trabaho na lang ang inaatupag mo. "

" Oo, uuwi muna ako sa bahay para makapagpahinga. By the way, Freen, ngayon lang ako nakarating sa hotel na to'. It's really nice here, the whole place is amazing. "

" Ay oo naman, that hotel is very beautiful and famous. Saka, hindi ba mahilig ka sa mga paintings? May art gallery rin sila d'yan. "

" Talaga? Ngayon lang kasi ako nakapunta dito eh. "

" Labas-labas ka din kasi sa lungga mo kapag may time, hindi yo'ng sinusubsob mo ang sarili mo kakatrabaho. "

" Alam mo naman kung bakit Freen, hindi ba? "

" Alam ko naman yo'n, pero sana kahit papano nagpapakasaya ka pa' rin sa buhay mo. By the way, ang owner ng hotel na 'yan ay super famous rin dito sa lugar natin, si Ms. Faye Malisorn. "

" Huh? "

" Anong huh, hindi mo kilala no? Sinasabi ko na nga ba, puro ka kasi trabaho kaya wala ka nang alam sa nangyayari sa mundo. Ano ka ba naman, Ms. Faye is the governor here in our barrio, her family is one of the richest families here. Sobrang yaman nila baka nga kahit buhay ng tao kaya n'yang bilhin eh at alam mo ba na kilala s'ya bilang si Ms. three seconds. "

" Bakit naman? " tanong ni Yoko na napapangiwi na lang dahil sa kadaldalan ng best friend n'ya.

" Because in just three seconds, she get everything she wants. "

" Talaga? " walang kalatoy-latoy na sagot ni Yoko.

" And that's not all huh, did you know that Ms. Faye is known as heartless and evil. "

" So? "

" Ano ka ba naman Yho! Wala kang kwentang kausap."

" Hindi naman kasi ako interesado sa mga kinukwento mo. "

" Sige ka baka kapag nakita at nakasalubong mo si Ms. Faye ay mapatulala ka sa ganda n'ya. She's very cool and beautiful, sobrang strong ng personality n'ya. Palagi kong nai-imagine yo'ng mga bidang babaeng boss mafia sa TV, perfect na perfect ang character na yo'n para sa kanya. "

" Alam mo Freen, kakanood mo 'yan ng k-drama, sabi ko sa'yo tigilan mo na 'yan, ni hindi ko nga ma-imagine kung ano ang mga sinasabi mo.Saka, maganda? Alam mo ba ang naiisip ko sa mga nagiging gobernador? Matatanda na sila, kalbo o kaya naman malalaki ang tiyan. "

" Gaga! Saan ka bang galing na mundo, namatay na kasi tatay ni Ms.Faye kaya s'ya yo'ng pumalit bilang gobernador dahil maimpluwensya at mayaman ang pamilya nila, walang imposible lahat magagawa nila. "

" Pwede ba 'yon? Hindi ba't dapat ang susunod na magiging gobernador ay ang Mayor. Pero nevermind na nga lang, wala naman akong pakielam sa mga bagay na 'yan, marami akong problema Freen, mas importante pa d'yan sa mga pinagsasabi mo. O s'ya sige, bye na muna tatawag ako sa'yo kapag nakauwi na ako ng bahay. "

" Okay sige, bye. "

Pag-off ni Yoko ng cellphone ay inilagay na n'ya ito sa loob ng kanyang bag. Napapailing na lang s'ya dahil sa mga pinagsasabi ni Freen, matagal na silang mag-best friend simula ng mga bata pa lamang sila. Ito rin ang takbuhan n'ya at sandigan sa lahat ng mga pinagdaraan n'ya sa buhay.

Debt Payment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon