Debt Payment Chapter 14

387 8 0
                                    

##### Chapter 14 Close To You

*****Hacienda Malisorn*****

Pagdating nila sa hacienda ay pinagbuksan ni Faye ng pintuan ng kotse si Yoko kaya naman labis ang pagtataka n'ya. May kabaitan rin pala itong itinatago kahit papaano. Kaso nga lang pagbukas n'ya ng pintuan ng kotse ay ibinalibag n'ya itong pasara pagkatapos ay iniwanan n'ya si Yoko, pumasok na s'ya sa loob. Sumunod na lang s'ya dito.

" Hi cute doctor, " bungad na bati sa kanya ni Lux, ngumiti lang s'ya rito. They are inside, sitting in the living room of the house.

" Anong ginagawa n'yo rito? " kunot noong tanong ni Faye sa kanila, pati kasi sila Becca, Ize at Marissa ay nasa loob at tila ba ay s'ya na lamang ang hinihintay ng mga ito. Maski tuloy si Yoko ay nagtataka na rin, naunahan pa nga sila ni Lux na makarating sa hacienda.

" Kuhaan mo muna kami ng maiinom Yoko, " baling na sambit ni Faye kay Yho.

" Okay, Ms. Faye, " sagot n'ya,

Pagkatapos ay dumiretso na paalis para sundin ang utos nito. Wala naman s'yang magagawa dahil katulong lang s'ya rito. Before Yoko went to the kitchen, she first went to the second floor of the house, because her bedroom is here. Halos magkalapit lang rin ang kwarto nila ni Faye.

Yoko quickly changed her uniform then went straight to the kitchen to get them drinks. Ngunit habang nagsasalin s'ya ng itinimpla juice ay rinig na rinig n'ya ang usapan ng mga ito.

" Why are you all here? May balita na ba kayo kung sino ang nasa likod ng mga nangyayari sa Bulah Village? Kasi hindi naman kayo pupuntang lahat dito kung hindi importante ang sasabihin n'yo. Alam n'yong lahat na isa sa pinakaayaw ko ay nasasayang ang oras ko, " rinig ni Yoko na sabi ni Faye.

" A-ano kasi, Faye, " anas ni Ize.

" Yes Ize, ituloy mo kung ano ang sasabihin mo. "

" K-kasi Faye, kaya kami nandito, because we received a call from Chet, you're fiance. "

" Yes, he called all of us to ask for help for the marriage of the two of you, " sabi naman ni Marissa.

" Gusto lang namin malaman Ate, kung ano ba ang plano mo tungkol dito? " anas ni Becca.

Habang nasa gan'on silang pag-uusap ay pumasok si Yho, dala n'ya ang tray na inumin para sa kanila. Tumayo naman sina Becca at Marissa para tumulong.

Pagkabigay ni Yho ng inumin sa kanila ay mabilis na itong umalis. Bumalik s'ya sa kusina para ligpitin ang mga ibang kalat.

" Walang magaganap na kasal. Our village is facing too many problems for me to prioritize and pay attention to the marriage you are talking about. "

" But Faye, your future marriage with Chet is signed by two powerful families, hindi mo matatakasan ito, " sabi naman ni Lux. Tinatawag lang s'yang Faye nito kapag may mga seryoso silang bagay na napag-uusapan.

" And so? It's more important to me that we save this village and protect the residents kaysa ang atupagin ang pagpapakasal sa Chet na 'yan."

" Pero Fa- "

" Kung wala na kayong sasabihin na importante, makakaalis na kayo, " sabi ni Faye, pero mga nakatingin lang sila.

" Alis na! Ituloy n'yo ang pagpapatrol sa buong village kaysa kung ano-ano ang inaatupag n'yo. And I don't want to hear more about that wedding, do you all understand! "

" Yes, Faye, " sagot nilang lahat.

" Please, umalis na kayo, " sabi ni Faye, pagkatapos ay nagkanya-kanya na sila ng tayo upang umalis na.

Debt Payment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon