Debt Payment Chapter 9

400 14 0
                                    

##### Chapter 9 Weird Feelings

*****Control Room*****

Nagulat ang mga security guards at staffs nang pumasok si Faye sa control room ng hotel. She signaled them to come out, and they immediately followed her.

Umupo s'ya sa harapan ng maraming tv screen na nakapalibot. Ang bawat isa ay may anggulo ng bawat CCTV ng buong hotel. Hinanap n'ya ang mismong pwesto kung nasaan sina Yoko at Mikael habang hawak n'ya pa rin ang dibdib dahil sa malakas na pagtibok nito. Hindi pa rin kasi humuhupa simula nang magkasabay sila ni Yoko sa washroom.

Nang makita na n'ya ang pwesto ng dalawa ay hindi pa s'ya nakuntento. Nag-zoom in s'ya para makita sila nang malapitan. Kitang-kita n'ya ang pagtawa ni Yho sa harapan ni Mikael, tinutulungan pa s'ya nitong hiwain ang steak na in-order nila. Dahil dito ay bigla s'yang na-badtrip. Hindi n'ya maintindihan kung bakit.

" Tsk! If you only knew his plan, the reason why he wanted to be close to you? Magsisisi ka. He takes your trust for his evil plans, uto-uto, " bulong n'ya sa sarili habang nanghahaba ang nguso.

Lalo lang nag-init ang ulo ni Faye nang makita n'ya ang ginawa ni Mikael. Hinawi kasi nito ang buhok ni Yho na tumatabing sa mukha n'ya. Nakita pa n'yang marahan nitong hinaplos ang pisngi nito.

" Bwisit! Why I'm so annoyed like this? " nagbuntonghininga s'ya nang malalim, pagkatapos ay kinuha ang cellphone n'ya.

" Hello Lux, pumunta ka sa office ko, right now. I have something for you to do. "

" Yes, Gov., " tugon ni Lux mula sa kabilang linya, pagkatapos ay lumabas na si Faye sa control room at nagpunta na sa pribadong office n'ya.

***********

*****Faye's Office*****

Iniutos ni Faye kay Lux na ipa-background check si Yoko. Gusto n'ya kasing malaman ang lahat-lahat tungkol dito. Hindi n'ya rin maintindihan ang sarili n'ya kung bakit ba n'ya ito ginagawa at kung para saan ba. Hinihintay na lang n'ya ang result. Ngayon kasi ang usapan nila ni Lux na matatapos na nito ang pinagagawa n'ya.

Katok sa pinto ang nagpabalik sa malalim na pag-iisip ni Faye sa kawalan.
Bumukas ang pinto, pumasok si Lux na may dalang brown envelope at inabot sa kanya..

" Ito na ba 'yon? "

" Yes. "

Seryosong binasa ni Faye ang lahat ng nakasulat dito.

" Sigurado ka ba d'yan sa gagawin mo? Ano ba ang dahilan mo? Para saan ang lahat ng ito? "

" Pwede ba Lux, bakit ka ba nakikiilam. Malaki naman ang utang na loob ko sa kanya dahil sa pagligtas n'ya sa buhay ni Becca. "

" Pero hindi naman ikaw 'yan eh. Be honest with me Faye, are you interested in that doctor? Do you like her? " nakakunot ang noo na tanong ni Lux sa kanya. Alam n'yang seryoso ito dahil minsan lang s'ya tawagin ni Lux sa pangalan n'ya kapag nagseseryoso lang ito.

" Ano ba namang klaseng tanong 'yan Lux, hindi ako katulad n'yo, okay! Gusto ko lang s'yang tulungan dahil sa pagligtas n'ya sa buhay ni Becca. "

" Alam mo kasi ang hirap mong paniwalaan, you're Faye Malisorn. Your heart is like a stone, you won't just help if you're not interested in something or you don't like it. "

" Isipin mo na lang Lux, nasasakupan ko s'ya. Nandito s'ya sa distrito ko. Masama bang tulungan ko s'ya. Isa pa, hindi naman n'ya alam ang nakaabang na panganib para sa buhay n'ya. Ayaw ko s'yang mapahamak, lalo na ngayong inuumpisahan na ng Mikael na 'yon ang plano n'ya para kay Doktora Apasra. Parang hindi ko yata kakayanin na makita s'yang nagdurusa, napaka-inosente ng mukha n'ya. Mabuti rin s'yang tao, nararamdaman ko 'yon kahit hindi pa kami gan'on magkakilala, " mahabang paliwanag ni Faye, samantalang si Lux naman nakatulala at nakatingin lang sa kanya.

Debt Payment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon