Debt Payment Chapter 30

458 15 1
                                    

##### Chapter 30 Live or Die

*****Hacienda Malisorn*****

Sa Hacienda Malisorn ay naghari ang kaguluhan, habang si Lux ay nasa rurok ng buhay at kamatayan. Mahina ang pintig ng kanyang pulso, at ang kanyang katawan ay namumutla na halos wala nang buhay. Ang pinagmumulan ng kanyang paghihirap ay ang nakanganga na sugat sa katawan at patuloy sa pagdaloy ng dugo.

Nagmamadali si Freen na inalis ang mga laman ng malaking lamesa.

" Marissa, kumuha ka ng malambot na panapin na puwedeng higaan ni Lux, " utos ni Freen. Kaagad namang sumunod si Marissa, inilagay nila ito sa ibabaw ng lamesa na nagsilbing kama.

" Tulungan n'yo akong mailipat s'ya! " sigaw na utos ni Freen sa kanila na kaagad naman nilang pinagtulungan.

Nanginginig ang mga kamay ni Freen, naghi-histerikal na s'ya dahil sa pagkataranta.

" Freen, huminahon ka. Kaya mo 'to. Please tulungan mo si Lux, huwag mong hahayaan na mamatay s'ya. Pakiusap, kung anong mga kailangan mo tutulong kami, " sambit ni Becca, na pinupunasan ang mga luha sa mata.

" K-kailangan ko ng mga gamit para matahi ko ang mga sugat n'ya. "

Lumapit si Freen kay Lux, in-examine n'ya habang nanginginig ang mga kamay.

" M-marami ng dugo ang nawala sa kanya. Kritikal ang lagay ni Lux, kailangan ko ng dugo upang maisalin sa kanya. A-ang mga sugat n'ya kailangan kong matahi. "

" Anong gagawin natin, wala tayong mga gamit! " natatarantang sigaw ni Ize, habang palakad-lakad, paikot-ikot at nakahawak sa ulo n'ya.

" S-sa kwarto ni Ate may mga gamit do'n si Yoko, baka pwede nating magamit, " anas ni Becca, pagkatapos ay mabilis tumakbo para kunin ang kanyang sinasabi.

Maya-maya lang ay bumalik na rin si Becca dala ang mga gamit panggamot ni Yoko.

" H-hindi sasapat ang mga ito, wala ring anesthesia. Hindi ko pwedeng tahiin ang sugat n'ya ng walang anesthesia. Isa pa, kailangan n'ya muna masalinan ng dugo. "

" Freen, parang hindi na yata nahinga si Lux! " sigaw ni Marissa, kaya naman nataranta silang lahat.

Chineck ni Freen ang pulso ni Lux at pinakinggan ang dibdib nito, ngunit walang ano mang tibok na naririnig dito at walang hangin na lumalabas sa ilong n'ya, kaya naman nagmamadaling nag-perform ng CPR si Freen.

Ang noo ni Freen ay namumuo na sa pawis. Ang bawat malakas na pagkabog ng dibdib ay isang desperadong pakiusap na sana ay muling bumalik ang paghinga ni Lux.

A few minutes passed and Freen was tired and her arms were hurting from performing CPR but she didn't stop and lose hope.

" Lux! Lumaban ka, hindi ka pwedeng mamatay nang ganito lang! " sigaw ni Freen, habang sige pa rin ang pag-CPR kay Lux.

Then, a miracle happened. A shallow breath escaped from Lux's lips, almost imperceptible, but enough to spark hope in Freen's heart. It was a start, a sign that Lux was fighting too. And all of them will continue to fight by her side, every beat of their heart brings joy and excitement, a proof that they will not be swayed by any challenge they face.

But the trial is not over for them. Lux needs blood transfusions and stitches to her wounds.

" Kailangan ko ng dugo. Kailangan kong masalinan s'ya ng dugo! " anas ni Freen sa kanila pagkatapos ay kinalkal ang mga gamit ni Yoko. May nakita s'yang bag na salinan ng dugo at dextrose, kaagad n'yang kinuha ito. Kinabitan n'ya ng dextrose si Lux para kahit paano mapalitan ang nawalang lakas nito.

" I-ilang bag ng dugo ba ang kailangan n'yo? Handa kaming mag-donate ng dugo para kay Chief Lux. "
Nagulat silang lahat dahil sa pagdating ng tatlong pulis. Sila ang mga tauhan ni Lux.

Debt Payment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon