Debt Payment Chapter 29

455 14 4
                                    

##### Chapter 29 Pure Love

*****Hacienda Malisorn*****

" Ize, ilang araw na ang lumipas hindi pa rin nakakabalik sila ate, nag-aalala na ako, " anas ni Becca. Hindi s'ya mapakali habang kanina pa lakad ng lakad sa buong paligid ng living room. Kaya naman nilapitan na s'ya ni Freen at pinaupo.

Si Yoko naman ay katabi ni Marissa, habang balisa na rin kakaisip kay Faye. Ilang araw na s'yang hindi makatulog ng maayos dahil hindi pa nakakabalik sina Faye at Lux. Halo-halong emosyon na ang kanyang nararamdaman.

" Wala ba tayong gagawin? Baka kung napa'no na sila, " dugtong pa na sabi ni Becca.

" Gustong-gusto ko na sumugod sa mansyon ng mga Mondragons, pero hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos ng desisyon, " sagot ni Ize.

Tumayo si Yoko at sumilip sa labas ng bintana, naghithitbuga ng hangin para pakalmahin ang sarili n'ya. Sa ilang araw na lumipas na wala sa tabi n'ya si Faye ay para bang mababaliw na s'ya. Natatakot s'ya at nag-aalala para rito.

Nakakapagtaka rin na tumahimik na ang mga tao at mga reporters na kakapunta sa labas ng Hacienda, tila para bang may nag-utos sa mga ito na tumigil na sa ginagawa.

Napakunot noo si Yoko nang makita ang napakaraming mga pulis na papasok sa Hacienda. Ang iba ay namumukaan n'ya dahil mga tauhan ito ni Lux.

" Guys, may mga pulis na paparating, napakarami nila, " natatarantang sabi ni Yoko, kaya naman lahat sila ay tumayo sa kinauupuan nila para sumilip sa labas.

Ngunit bago pa man sila makarating sa bukana ng Hacienda ay kaagad nang pumasok ang mga ito.

" General, A-anong ibig sabihin nito? " tanong ni Ize na nagtataka, dahil pinalibutan sila ng mga ito.

" Simula ngayon walang lalabas ni isa man sa inyo sa Hacienda Malisorn! " mariing sabi ng Police General, ang Ninong ni Lux.

" Make sure you watch them carefully, whoever disobeys my orders, kill them!
Maliwanag ba! " dugtong pa na sabi nito.

" Yes, General! " sagot naman ng mga kapulisan.

" Teka, ano bang ibig sabihin nito General? Wala kayong karapatan para gawin 'to sa 'min! " sigaw na tutol ni Ize.

Ngunit naglabas lang ng baril ang General at itinutok kay Ize. Kaya naman mabilis na lumapit si Marissa sa kanya upang awatin ito.

" Ang sabi ko walang makalalabas sa Hacienda Malisorn kahit isa sa inyo! Ang sumuway sa pinag-uutos ko ay papatayin! Gusto mo bang mamatay! "

" But I don't understand! Bakit n'yo ba 'to ginagawa sa 'min! "

" Utos ng mga Mondragons. "

Lahat sila ay gulat na gulat na nagkatinginan.

" N-nasaan sina Faye at Lux? " nangingilid ang luhang tanong ni Yoko, dahil sa kaba na nararamdaman n'ya.

" Wala akong magagawa, kung ano man ang nangyari sa kanila. I warned Lux not to get involved in your family's mess but she is stubborn. Hindi ko na s'ya matutulungan sa gulong pinasok n'ya. "

" Ikaw na ang itinuring na ama ni Lux, General, pagkatapos ay aabandonahin mo lang s'ya nang ganito! " anas ni Becca.

" Wala na akong magagawa sa pinasok n'yang gulo, hawak sila ng mga Mondragons ngayon dahil nahuli silang nanloloob sa mansyon. "

" Pero hindi nila hawak ang batas, dapat kayong mga kapulisan ang lumilitis kina Faye at Lux, hindi ba. Hindi ang mga Mondragons! " anas ni Ize.

" Tulad nang sinabi ko wala akong magagawa sa kinahinantungan nilang dalawa. "

Debt Payment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon