Debt Payment Chapter 11

398 13 0
                                    

##### Chapter 11 Sunny

Faye was seriously observing a cute dog that had been roaming around in the living room of her house. She also couldn't understand why she agreed to let Yho take her dog Sunny and live in her house.

Naawa kasi s'ya kay Yoko dahil wala itong tigil sa pag-iyak. Ayaw nito na iwanan si Sunny. Faye hates dogs but she can't stand seeing Yho sad, kaya naman ito s'ya ngayon napakarami n'yang trabaho na dapat asikasuhin pero dahil kay Sunny at Yoko ay nasa hacienda lamang s'ya. Hawak n'ya ang sintido habang hinihilot ito at stress na kasi s'ya at sumasakit ang ulo.

Mayro'n pang isang bagay na hindi n'ya maintindihan sa sarili. Para kasing nagiging kahinaan n'ya si Yoko.

" Kaninong aso 'yan, Ate? " tanong ni Becca sa kanya na ikinagulat pa n'ya. Hindi n'ya namalayan na nakapasok na pala ito.

" Anong ginagawa mo rito? Hindi ba ang sabi ko, kayo na muna ni Ize ang bahala sa hotel kasi hindi ako makakapunta do'n ngayon. "

" Na-curious kasi ako, kung ano ba ang gagawin mo. Kasi hindi mo naman pinagkakatiwala ang hotel sa 'min ni Ize kasi sabi mo mga isip bata kami. Tapos bigla mong sasabihin kami muna ang bahala? Anong mayr'on? "

" Pinagkakatiwalaan ko naman kayo. Kaso hindi lang talaga kayo nagseseryoso. "

" So, ano nga? Why didn't you go to the hotel? Then, whose dog is that? "

" Kay Yoko, wala kasing mag-aalaga. Baka mamaya ano pang ngatngatin dito. Alam mong ayaw ko sa madumi at mabaho, saka ilang araw na rin s'yang nagkukulong sa kwarto. Ayaw n'ya ring kumain, sumasakit na ang ulo ko sa kanya. "

" Naninibago ako sa'yo Ate, para kang sinasaniban ng masamang elemento. "

" Huh? Bakit naman? "

" Bigla kang naging weird magmula nang dumating si Yoko dito sa bahay. S'ya nga pala, ano ba talagang plano mo sa kanya? Bukod sa pagligtas mo sa kanya mula kay Mikael, ano pang reason mo? Hindi naman pwede na dahil gusto mo lang, hindi ba? "

" I want her to be my slave. "

" Huh? Seryoso ka? "

" Bingi ka ba? Sayang naman ang pagbabayad ko sa kanya ng malaking halaga kung hindi ko naman s'ya mapapakinabangan. Edi gagawin ko na lang s'yang katulong dito sa bahay, and my slave. "

" Hindi ko maintindihan kung ano bang trip mo sa buhay mo Ate, " nakakunot noong sabi ni Becca, kasabay ng pag-iling. Nagugulumihanan kasi s'ya kung ano bang nangyayari sa ate n'ya, lately kasi parang nagiging ibang tao na ito.

" Alam mo, bumalik ka na ng hotel, hindi 'yong pinakikiilamanan mo pa ang buhay ko. "

" Oo babalik na ako, hindi ko na kayang tignan ka ng ganyan, sobrang weird mo. Pero teka lang, may kukuhanin lang ako sa kwarto ko. "

" Bilisan mo na. "

" Ano bang pakiilam mo? Isa pa, hindi ko rin kailangan ng opinyon mo. Ang mabuti pa umalis ka na, bumalik ka na sa hotel. Tulungan mo si Ize do'n. "

" Pero Sa- "

" Get out, Becca! Don't wait for me to count, sasamain ka talaga sa 'kin. "

" Ito na nga eh, sabi ko nga aalis na ako, hehe ang init naman ng ulo neto. "

Ibinalik ni Faye ang paningin n'ya kay Sunny pagkaalis ni Becca sa kinauupuan n'ya para magpunta sa kwarto nito. Pagkatapos ay nilapitan ito.

" Why your boss so stubborn? Since she came here at home, she hasn't left her room. She doesn't even want to go to work. Nakakapagtaka kasi mahal na mahal n'ya ang trabaho n'ya, pero ngayon ayaw n'yang lumabas sa kwarto. Ayaw n'ya akong kausapin, kung sasagot man s'ya galit pa. She doesn't want to eat properly, nagpapakamatay ba s'ya? Kapag ako napikon sa kanya sapilitan ko s'yang papakainin, " kausap n'ya kay Sunny, para naman itong nakakaintindi dahil nakatingin lang ito sa kanya na tila ba nakikinig sa kanya.

Debt Payment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon