Debt Payment Chapter 28

455 13 0
                                    

##### Chapter 28 Confession

" Faye! Faye! Pakiusap, gumising ka na, " impit na sigaw ni Lux kay Faye, habang ginigising n'ya ito.

" L-lux.... "

" Kamusta ang pakiramdam mo? "

" Sobrang sakit at hapdi, parang hindi ko na kakayanin. "

" Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa, makakalabas din tayo rito! "

" Pa'no? Ni hindi tayo makahingi ng tulong kina Becca at Ize. "

" Basta kahit anong mangyari, makakaligtas tayo. "

" Sorry, Lux, " sambit ni Faye na makikita sa expresyon ng mukha ang labis na pagsisisi.

" B-bakit ka nanghihingi ka ng sorry? "

" Dahil sa 'kin napahamak ka pa, nadamay ka sa dapat gulo lang ng pamilya ko. "

" Hindi ba sinabi ko naman sa 'yo, I am with you in all your battles in life. "

" Pero may sarili kang buhay, Lux. You shouldn't make your world revolve around me. "

" Nagkakamali ka Faye, sa 'yo lang umiikot ang mundo ko. No'ng una kitang makita sa burol ng mga magulang mo hanggang sa mailibing sila. I said to myself Faye Malisorn, I want to take care of you. I want to enter your life. "

" B-bakit? "

" Dahil napakabuti mong tao. Matigas ang puso mo at malupit ka sa iba pero ang kalooban mo ay napakabusilak. At saka, nagpapasalamat ako sa 'yo kasi binigyan mo ng maayos at marangal na libingan ang mga magulang ko. "

" A-anong ibig mong sabihin? " nagtatakang tanong ni Faye. Tinitigan n'ya si Lux, ngunit nakangiti lang ito sa kanya.

" My parents served at the Hacienda Malisorn. Ang Nanay ko ay isa sa mga kasambahay ninyo at ang Tatay naman ay hardinero. The night when unknown people entered the Hacienda, nand'on ang mga magulang ko. Kasama silang namatay no'ng gabing 'yon. "

" L-lux, bakit hindi mo sinabi sa 'kin? Bakit ngayon mo lang sinabi 'to? "

" Dahil no'ng una, naiinis ako sa'yo. Ikaw na lang kasi ang laging bukambibig ng Nanay ko. Puro na lang Ms. Faye, nagselos tuloy ako. Pakiramdam ko mas gusto ka na n'yang maging anak kaysa sa 'kin. But all that changed when I saw you, 'yong umiiyak ka gusto kong punasan ang mga luha mo. Gusto kitang yakapin at sabihin sa 'yo na magiging okay din ang lahat. "

" Lux. "

" Sinadya ko lahat ng ito Faye, kung bakit tayo naging matalik na magkaibigan, pati school lumipat ako. Nag-aral ako nang mabuti para lang makapasok sa paaralan kung nasa'n ka. At nang malaman ko na hinahanap mo ang pumatay sa mga magulang mo, nagpursige akong maging pulis dahil iisa lang ang layunin natin. At gusto kong protektahan ka. "

*****Flashback********

" Ninong, sino po ang pumatay sa mga magulang ko! Hindi ko kaya na mag-isa, sino na ang mag-aalaga sa 'kin. Paano na ako! " anas ni Lux habang humihikbi. Kakatungtong n'ya pa lamang no'n sa ikaunang baitang sa highschool.

" Lux, huwag kang mag-alala simula ngayon do'n ka na titira sa bahay ko, ako na ang mag-aalaga sa 'yo, " anas ng Ninong n'ya na Police Captain pa lamang no'n.

" Sino po ba ang masasamang tao na nanloob sa Hacienda ng mga Malisorn, nadamay pa ang mga inosenteng magulang ko. "

" Wala pa kaming lead kung sino sila, Lux. Pero huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para makamit ang hustisya ng mga taong nadamay sa insidenteng 'yon. "

" Ipangako mo Ninong, pagbabayarin mo ang gumawa nito. "

" Pangako, punasan mo na 'yang luha mo at ayusin mo ang sarili mo. Pupunta tayo sa chapel kung saan nakaburol ang mag-asawang Malisorn. Binigyan ni Ms. Faye ng marangal na burol ang mga taong nadamay at namatay dahil sa pag-massacre sa Hacienda Malisorn. "

Debt Payment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon