Debt Payment Chapter 19

379 11 1
                                    

##### Chapter 19 Can You Be My Girlfriend


******Cojuangco Hospital******

Unti-unting iminulat ni Yoko ang kanyang mga mata, ang kulay puting kisame ang una n'yang nakita. Nag-iisip s'ya kung nasaan s'ya at kung bakit naroon sa isang silid na tanging puro puting kulay lamang ang nakikita n'ya sa buong paligid.

Saka lamang n'ya naalala ang mga lalaking dumukot sa kanya.

" P-patay na ba ako? "
sambit n'ya na nakakunot noo.

" Malala ba 'yang tama mo sa ulo at kung ano-ano ang sinasabi mo? " anas ng isang boses, kaya naman napalingon s'ya rito.

" Ms. Faye, " nagtatakang tanong n'ya.

" I'm glad you're awake, I was very worried. You just slept for three days. "

" T-toto ba 'yang sinasabi mo? "

" Oo Yoko, naaalala mo ba 'yong nangyari sa terminal? 'Yong Mask Gang?

" 'Y-yong mga walanghiyang dumukot sa 'min ni Marisa, " sabi ni Yoko, pagkatapos ay naupo s'ya sa pinagkakahigaan. Dali-dali naman s'yang tinulungan ni Faye. Naupo rin ito sa gilid ng kama n'ya.

" Mabuti na lang bago nila gawin ang masamang balak nila sa 'yo dumating kami sa tamang oras, Yho. Pagpasok namin sa loob ng bus, naitulak ka ng hayop na lalaki na 'yon kaya naman tumama ang ulo mo, pagkatapos ay nawalan ka ng malay. "

" Pagkatapos, ano na ang nangyari? "

" Nadakip sila ng mga tauhan ni Lux, ang kaso 'yong lalaking nagtangka sa 'yo ng masama nakatakas s'ya, pero huwag kang mag-alala kumikilos na ang mga tauhan ni Lux para hanapin sila. "

Napansin ni Yoko ang nakabendang braso ni Faye, hindi n'ya napigilan ang sarili na tanungin ito dahil sa labis na pag-aalala.

" Napa'no 'tong braso mo? "

" Huwag kang mag-alala, pagaling na 'tong braso ko. Mas nag-aalala ako sa 'yo. Araw-araw akong nangangamba dahil tatlong araw ka nang tulog. Ang sabi ni Freen dahil sa head injury kaya ka hindi nagigising. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon dahil nagkamalay ka na," sabi ni Faye, pagkatapos ay nginitian s'ya ng matamis na labis namang nagpatalon sa puso ni Yho.

Kinuha ni Faye ang isang kamay ni Yoko na labis n'yang ikinagulat. Tinitigan s'ya nito na napaka-seryoso.

" Yho, c-can I say something weird to you? "

" A-ano ba 'yon Ms. Faye? " kinakabahang tanong ni Yoko. Nakadagdag pa sa kaba n'ya ang pagkakahawak ni Faye sa kamay n'ya at ang pagtitig n'ya nang nakakatunaw.

" I don't know how to start in what I'm going to tell you. Hindi naman kasi ako ganito eh. I already have feelings for you. I don't know when it started but that doesn't matter. Especially when you were kidnapped by the Mask Gang, I was very nervous. I have nothing else in my mind but to save you even in exchange of it is my life. "

" Ms. Faye. "

" Believe it or not, you're the first person who made my heart beats fast. At first, I thought I had a heart disease because of it's fast beating, " sabi ni Faye, pagkatapos ay ipinatong n'ya ang kamay ni Yoko sa dibdib n'ya para madama nito ang mabilis na pagtibok ng puso n'ya.

" I used to be afraid to sleep because I always had nightmares, but when you came into my life you were always on my mind before I went to sleep. You're the only one who can make me smile without exerting an effort to do so. The only one who crosses my mind constantly through the day and bring down my mood without intention to and affect my emotions
with every action of yours . You're the one I'm afraid to lose and the one I want to keep in my life forever. "

Debt Payment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon