Debt Payment Chapter 5

421 11 0
                                    

##### Chapter 5 Punishment that Faye gave

Lux violently pulled Rex up from the bed and covered his face with a blanket. He's only wearing boxer shorts and sando shirt. Rex can't do anything because Lux was strong and taller than him. Isa pa, highschool student pa lamang s'ya kaya hindi gano'n kalakas ang katawan n'ya.

Lux dragged him in front of Faye, sinipa n'ya ito sa binti para mapaluhod.

" Sino ba kayo! " sigaw ni Rex.
Sumenyas naman si Faye na tanggalin ang kumot na nakabalot sa mukha nito na mabilis namang sinunod ni Lux.

" M-ms. Faye... "
nanlalaki ang mga mata na sabi ni Rex habang nakatingin kay Faye.

" A-anong kailangan mo? " dugtong pa na sabi nito. Ngunit hindi s'ya pinansin ni Faye. Sumenyas lang ulit s'ya at para bang isang magic word na naintindihan ito ni Lux. Sapilitan n'yang iniupo si Rex sa isang upuang bakal at itinali ang mga paa at kamay nito.

Faye stood up to go to the window, she opened the curtain and looked outside.
She left Lux to take care of Rex, first.

" Tell me where we can find Andrew. Where did they take and hide him? " tanong ni Lux pagkatapos ay tinutukan ito ng baril.

Mukhang alam na ng Nakahara Family na hinahanap ni Faye ang anak nilang si Andrew kaya naman ay itinago na nila ito. Si Rex lang ang tanging paraan upang mahanap nila ito. Alam ni Faye na hindi ito makakalabas ng Bulah Village dahil pinag-utos na n'yang harangan ito sa bukana pa lamang dahil na i-report na ni Lux sa mga kasamahang pulis. Malawak ang Bulah Village kaya naman maraming lugar na pwede nitong matataguan.

" Saan nagtatago si Andrew! " inis na sabi ni Lux, hindi sila nito iniintindi. Nakangisi lang ito sa kanya at para bang nang-aasar pa.

" Akala n'yo naman may mapapala kayo sa 'kin? " sagot ni Rex na nang-iinsulto pa.

" Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, Rex! Sabihin mo na kung saan nila itinago si Andrew! " galit na sabi ni Lux. Bahagya n'ya pang hinila ang sando na suot nito pataas, ngunit si Rex ay nakangisi pa rin sa kanya.

Samantalang napabuntonghininga naman si Faye habang nakadungaw pa rin s'ya sa bintana. Pakiramdam n'ya kasi nasasayang lang ang oras n'ya kakahintay na magsalita itong si Rex. Kanina pa rin s'ya nakatingin sa katabing lamesa dahil may nakapatong ditong four fingers. Ayaw n'yang nasasayang ang oras at napipikon na s'ya, dahil hindi ni Faye nakokontrol ang emosyon n'ya.

Lumapit s'ya sa lamesa at isinuot ang four fingers sa kamay, tinabig n'ya si Lux na ikinagulat naman nito.

Mabilis n'yang binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha si Rex na s'ya namang ikinagulat nito. Napasigaw s'ya dahil sa sobrang sakit. Itinaas baba lang ni Faye ang kilay n'ya kay Rex, pagkatapos ay pinalobo ang pisngi gamit ang dila n'ya.

Muling nagbuntonghininga si Faye bago s'ya nagsalita.

" Magsasalita ka ba o hindi? "

" M-ms. Faye," nauutal na sagot ni Rex, dahil duguan na ang mukha n'ya.

" You know that I don't want anyone to waste my time, so speak up! Don't wait me to get angry because you won't like to see it. Ngayon sasabihin mo na ba kung saan nila itinago si Andrew! " sigaw ni Faye sabay suntok ulit sa mukha ni Rex.

" P-please, maawa ka sa'kin Ms. Faye, " pagmamakaawa ni Rex dahil sa sobrang sakit na nararamdaman n'ya. Duguan na kasi ang buong mukha n'ya.

" Are you kidding? Maawa? Did you feel pity while you were torturing and slowly killing an innocent farmer! " sigaw pa rin ni Faye. Hinila n'ya ang sando na suot ni Rex upang mapalapit ito sa kanya pagkatapos ay sinampal-sampal n'ya nang mahina.

" Siguro kasabwat ka ni Andrew sa pagpatay sa magsasaka! Imposible na wala kang alam! I strictly order that here in the village, it is forbidden to use violence and murder, right? " bulong ni Faye sa tenga ni Rex, ang nakakatakot na boses n'ya ay bumalot sa buong katawan nito kaya naman bigla s'yang kinilabutan. Halos pikit na rin kasi ang mata n'ya sa lakas ng suntok ni Faye sa mukha n'ya, tumutulo ang masaganang dugo pababa sa sando n'yang suot.

" Oo pumapatay ako, but the ones I kill are only evil people. That's why if I were you, magsasalita na ako habang itong mga kamay ko ay hindi pa nangangati para patayin ka. I guess you're forgetting that I'm Faye Malisorn and I'm not afraid of anyone even in your clan because I can put them all down. "
Dahil sa sinabi ni Faye ay bigla natakot si Rex para sa buhay n'ya.

" K-kapag sinabi ko ba kung saan nila tinago si Andrew, hindi mo ba ako papatayin? "

" Depende kung patatapusin mo akong magbilang, kasi kanina pa ako napipikon sa 'yo, sinasayang mo ang oras ko, " sagot ni Faye, pagkatapos ay itinaas n'ya ang tatlong daliri. Senyales na handa na s'yang magbilang at alam nilang lahat na kapag natapos ang bilang nito na hindi nagsasalita si Rex ay ito na rin ang magiging senyales ng katapusan ng buhay n'ya.

" Isa! " bilang ni Faye sabay baba ng isang daliri, kaagad namang nataranta si Rex.

" Dalawa- "

" Sa rest house nila! D-doon nila itinago si Andrew, parang awa mo na Ms. Faye huwag mo akong papatayin, " halos naiiyak na pagmamakaawa ni Rex.

" Lux, hanapin mo 'yong rest house kung saan nila dinala si Andrew, " baling n'ya kay Lux.

" Yes Gov. , akong bahala."

" Let's go, umalis na tayo dito nauubos lang ang oras natin sa walang kwentang tao na 'yan, " sabi ulit ni Faye pagkatapos ay lumabas na sila sa apartment.

Samantalang si Rex naman ay naiwang takot na takot, naihi pa nga ito sa salawal pagkalabas nila dahil sa sobrang kaba na nararamdaman.

*****

*****Samantala, sa loob ng kotse*****

" Ano na, Lux? Ang tagal mo naman, hanggang ngayon hindi mo pa rin nate-trace kung nasaan ang rest house nila Andrew? " sabi ni Faye kay Lux habang nasa loob na sila ng kotse. S'ya ang nag-drive dahil busy si Lux sa kakapindot ng laptop n'ya.

Hindi kasi alam ni Rex ang eksaktong lugar kung nasaan ang rest house, kaya kailangan pa nilang i-locate ang lugar kung saan matatagpuan ang rest house, maging si Rex kasi ay hindi pa nakakapunta rito.

" Kala ko ba magaling kang hacker? Ilang minuto na ang lumipas, wala pa rin namang nangyayari? " nakangusong reklamo ni Faye.

" Saglit lang naman. Nape-pressure ako sa 'yo eh, " sagot ni Lux pagkatapos ay nag-focus na ulit sa ginagawa n'ya.

" Ah, Gov. "

" Bakit? "

" Kanina parang masyado ka naman yatang naging malupit do'n sa bata, "

" Kay Rex ba? Nasasayang na kasi ang oras natin, saka bastos s'yang kausap siguro dapat lang 'yon sa kanya. Habang bata, habang maaga pa kailangan nang disiplinahin para hindi maligaw ng landas. Putulin na natin ang sungay upang hindi na humaba. Kapag nakita natin si Andrew, hindi lang gan'on ang mangyayari sa kanya. Sisiguraduhin kong makukulong s'ya para pagbayaran ang kasalanan n'ya at para na rin huwag s'yang tularan ng iba. "

" Sabagay, may point ka naman. Kaya lang, parang nasobrahan naman yata ang pagdidisiplina mo. "

" Kung hindi ko 'yon ginawa, hindi s'ya magkakaro'n ng takot. Ipagpapatuloy n'ya pa rin ang maling gawain n'ya. Mas mabuti na rin na binugbog ko s'ya. At least, nagkaro'n s'ya ng takot at itatatak na n'ya sa isip n'ya na hindi na s'ya muling gagawa ng kasamaan. "

" Tama ka naman do'n, " sang-ayon na lang ni Lux. Hindi na s'ya sumagot pa dahil alam n'ya namang hindi s'ya mananalo at tama naman talaga si Faye.

*****

Debt Payment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon