Debt Payment Chapter 6

440 11 0
                                    

##### Chapter 6 Justice

" Ito na yong rest house, Gov, " sabi ni Lux pagkahinto nila sa isang beach resort. Bumaba naman si Faye sa kotse.

" Are you sure they hid Andrew here? Sa pagkakaalam ko kasi pagmamay-ari ito ng mga Mondragon, " sabi ni Faye, pagkatapos ay inilibot ang paningin sa buong paligid.

" Hindi ako pwedeng magkamali. I remember, it was aired in TV news the other day, kay Mayor Mondragon ito, " dugtong pa n'ya.

" Ibig sabihin ba nito, nagsasabwatan ang dalawang pamilya sa krimeng ginawa ni Andrew? " tanong ni Lux.

" Maybe, we're not sure about that. Mas makabubuti kung ang Mondragon Family ang mismong tatanungin ko pero sa ngayon hayaan na muna natin 'to. Ang mahalaga ay makuha natin si Andrew. "
Tumango na lang si Lux sa sinabi ni Faye bilang sagot.

" Give me your gun, Lux ."

" Huh? Don't you have your own gun? Every time we have an operation, you grab my gun, " reklamo ni Lux.

" Ang dami mo pang sinasabi, ibigay mo na lang. "
Hindi na n'ya hinintay na iabot sa kanya ang baril, hinablot n'ya na lang ito sa tagilirian ni Lux.

Naunang pumasok si Faye sa main entrance ng resort habang hawak ang baril na nilalaro-laro pa n'ya. Kampante lang s'ya at walang anumang reaksyon na makikita sa mukha n'ya.

Pagdating sa mga bantay ay bigla n'ya na lang sinipa ang isa sa mga security guard na nasa main entrance.Tumalsik ito sa sahig dahil sa lakas ng sipa.

Itinaas n'ya ang hawak na baril at pinaputok ng sunod-sunod.

" Nasaan si Andrew? Ilabas n'yo! " sigaw ni Faye. Dahil sa mga putok ng baril ay nataranta ang lahat ng mga tao sa loob. Kilala ang beach na ito, pinupuntahan ng maraming mga turista at ginagawang bakasyunan kaya naman nang marinig ang mga putok ng baril ay nagkagulo ang mga tao sa loob. Ang mga staffs naman ng beach resort ay pilit pinapakalma si Faye.

" Ms. Faye, parang awa mo na po huwag kang gumawa ng gulo dito. Natatakot na ang mga guess namin, " awat ng isang staff sa kanya. Medyo kumalma naman s'ya dahil nakikita n'ya ang bakas ng takot sa mukha ng mga kasamahan ng umaawat sa kanya. Lahat kasi sila ay nakapalibot na sa kanya.

" Where is your manager? I have something to say. "

" Y-yes po, Ms. Faye. T-tatawagin ko na po si Sir, please po kumalma ka muna. "

" Tell him, he should be in front of me in two minutes. I don't want to be kept waiting. "

" O-opo Ms. Faye, " sagot ng staff na kausap n'ya, pagkatapos ay mabilis na itong tumakbo paalis.

Dinala sila ng mga staffs sa isang private room habang hinihintay na dumating ang manager ng resort. Binigyan muna sila ng pineapple juice habang naghihintay ngunit hindi naman ito ininom ni Faye dahil wala s'yang hilig dito.

" The time is u- "

" Ms. Faye! "

Naputol ang sasabihin sana n'ya nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaki na may salamin sa mata, mataas ang grado nito at pawis na pawis dahil sa pagtakbo. Medyo may katandaan na rin ito.

" Ikaw ba 'yong manager? "

" 0-oo, ako nga. "

" Fix yourself first before you sit in front of me. "

Mabilis namang nagpunas ng pawis ang manager at inayos ang sarili n'ya bago s'ya naupo sa katapat na upuan. Sa gitna nila ay may lamesang babasagin.

"I will direct to the point, I want to tell you and I know that you also have an idea why I'm here. "

Debt Payment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon