Debt Payment Chapter 13

362 12 0
                                    

##### Chapter 13 Chet

*****Cojuangco Hospital*****

" Yho please, let me explain! " habol na awat ni Max habang palabas ng hospital si Yoko.

Nang maabutan ay hinawakan n'ya ito sa braso para pigilan.

" Mag-usap naman tayo. "

" Wala na tayong dapat na pag-usapan Max, tapos na tayo. "

" Pero ayaw ko! Hindi ako papayag. "

" Ayaw ko na Max! Sawang-sawa na 'ko sa mga panloloko mo. "

" Sorry, hindi ko na uulitin. Ikaw ang mahal ko! "

" Ilang beses ko nang narinig 'yan pero patuloy mo pa ring ginagawa! "
Hindi na napigilan ni Yoko ang emosyon n'ya, pilit n'ya mang pigilan sa pagpatak ang mga luha kusa pa'rin itong nag-unahan na tumulo. Sobrang nasasaktan na kasi s'ya.

" Yho please, ayusin natin 'to. "

Tinabig ni Yoko ang kamay n'ya habang nakakapit sa braso, pero pilit pa rin s'yang hinila ni Max papalapit sa kanya kaya naman lumapit na si Lux para awatin ito.

" Let her go, narinig mo naman ang sinabi ni Yoko, hindi ba? That's why you should stay away from her, " mariing sabi ni Lux, habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa magkabilang suot na pants.

" Alis na, " dugtong pa na sabi ni Lux.

Para namang nakakuha ng kakampi si Yoko, paghila n'ya ng braso na hawak ni Max ay mabilis s'yang nagtago sa likod ni Lux na para bang isang bata na nagsusumbong.

Samantalang wala namang nagawa si Max kung hindi ay titigan na lang si Yoko, pagkatapos ay umalis na rin ito.

" Okay ka lang ba? " nag-aalalang tanong n'ya kay Yoko sabay abot ng panyo rito. Tanging tango lang ang sagot sa kanya nito habang nagpupunas ng mga luha.

" Alam kong wala akong karapatan na mangielam ng buhay mo kaya lang kasi no'ng ipa-background check ka sa 'kin ni Gov. , nalaman ko na lahat tungkol sa 'yo maging kay Max. Look at this, " sabi ni Lux sabay abot ng mga larawan ni Max na kung sino-sino ang kasamang babae.

" Yoko, you are a nice person, beautiful and smart. You don't deserve to be hurt by that useless Max. Makakatagpo ka rin ng taong mamahalin ka at hindi ka sasaktan. "

Sa sinabi ni Lux ay unti-unti nang kumalma ang pakiramdam ni Yoko, tama s'ya sa naging desisyon n'ya na hiwalayan si Max. Suko na s'ya at sawa na rin sa lahat ng sakit na dinudulot nito sa kanya.

" Ano, okay ka na ba? Halika na, hatid na kita sa hacienda. "

Oo nga, baka mamaya ay umuusok na ang ilong ni Gov. mo kakahintay sa 'kin, hindi ko pa kasi tapos linisin ang buong bahay "

" Saang parte na ba ang lilinisin mo? "

" Sa swimming pool na, even if it takes two weeks I won't be able to finish cleaning the whole house, it's too big and then I'll be the only one cleaning it. Napaka-sadista n'ya. "

" Pagpasensyahan mo na si Faye, gan'on lang talaga s'ya pero sa totoo lang Yho, mabuti s'yang tao. "

" Ah talaga ba, Lux? Pasensya na pero ang tingin ko sa kanya ay isang bruha, isang impakta na akala mo kung sino. Akala n'ya ba lahat ay kaya n'yang bilhin ng pera n'ya, " nakasimangot na sabi ni Yoko, pagkatapos ay kinapa ang bulsa ng pants na suot n'ya.

" Bakit Yho, may problema ba? "

" Naiwanan ko yata ang cellphone ko, Lux , kakaiwas ko kay Max kanina nagpunta ako sa restroom para hindi s'ya makasunod kaso sa pagmamadali ko nailapag ko sa lababo."

Debt Payment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon