Debt Payment Chapter 12

381 11 0
                                    

##### Chapter 12 The Mask gang

Nagmamadaling pumunta si Faye sa address na sinabi sa kanya ni Lux, isa itong liblib na lugar sa parte ng Bulah Village. Masukal at kagubatan na ang buong kapaligiran.

Napakunoot noo s'ya ng makitang maraming taong nakiki-isyoso sa paligid. Marami ring pulis na nakapalibot upang maharangan ang mga tao.

Lumapit si Faye, kaagad naman s'yang nakita ng isang kasamahang pulis ni Lux kaya binigyan s'ya ng madaraanan.

" Ms. Faye, dito po tayo, " sabi ng isang pulis sabay turo sa daan na kaagad naman n'yang sinunod.

Nakita n'ya sina Lux at Ize na magkatabi at tila ba nababalisa ang mga ito.

" Ano ba ang nangyayari rito? " tanong n'ya sa dalawa. Lumingon naman ang mga ito at tumabi sa gilid. Tumambad sa kanya ang isang katawan ng babae na wala nang buhay.

Nakahiga ito sa lupa, nakatali ang paa at kamay. May panyo rin na nakapalibot sa bibig nito, at ang nakakakilabot dito ay hubo't hubad ito. Tila ba napakasaklap ng nangyari sa kanya, grabe ang paghihirap na dinanas nito bago tuluyang bawian ng buhay.

Napakaraming pasa ng babae sa katawan, nilapitan s'ya ni Faye upang suriin. Nakita n'ya ang maraming kiss marks sa buong paligid ng leeg ng babae na tila ba ay halatang sinadya na ilagay ito do'n.

" A-ano ba ito? Anong nangyayari sa lugar natin. Does her family know what happened to her? Kailangan na malaman nila ang nangyari sa kanya. May lead na rin ba kung sino ang may gawa nito sa kanya? " tanong ni Faye, nakaramdam s'ya ng awa para sa babae. During the time that she was the leader of Bulah Village ay ngayon lang nangyari ang karumal-dumal na ito.

" Actually Faye, hindi lang s'ya ang biktima, " sabi ni Ize.

" What do you mean? "

" Pangalawa na 'to Faye, hindi lang namin sinasabi sa 'yo. Ang buong akala kasi namin ay simpleng kaso lang ito na mareresolba kaagad, pero nagkamali kami. "

" May ideya na ba kayo kung sino ang may gawa nito? "

" Ang tanging clue pa lang na hawak namin ay ang mga iniwang marka ng kriminal, nag-iiwan s'ya ng mga marka sa leeg ng biktima, mga kiss marks. At saka a'yon sa witness mga nakatakip ang mukha nila."

" How dare them do this in Bulah Village. "

" Malapit na kasi ang botohan Faye, kaya ang mga kalaban mo nag-umpisa nang kumilos. Ang mas mabuti siguro muna nating gawin ngayon ay dalhin na ang katawan n'ya sa morgue upang ma-autopsy para makakuha pa tayo ng mga impormasyon upang makatulong sa kaso na ito, " sabi ni Lux.

Tumango na lang si Faye bilang sagot, naguguluhan s'ya sa mga nangyayari.

**********

*****Sa kalagitnaan ng gabi...*****

" Takbo! Tumakbo ka hangga't gusto mo! Hahaha, " tugon ng isang lalaking naka-maskara habang hinahabol n'ya ang isang babaeng mukhang pauwi pa lamang galing sa trabaho.

Hindi lang iisa ang lalaki, marami sila at tila ba isang grupo ng mga kalalakihan na mukhang batak na batak sa ipinagbabawal na gamot.

Habol hininga naman ang babae habang tumatakbo ng mabilis sa abot ng kanyang makakaya, nanginginig na s'ya sa takot. Napasigaw s'ya ng malakas ng mahablot s'ya ng isang lalaki sa braso pagkatapos ay bigla s'yang niyapos nang mahigpit. Inamoy-amoy s'ya nito na tila ba ay isang nababaliw na demonyo na hayok na hayok sa laman.

" P-parang awa n'yo na, kung sino man kayo. May naghihintay sa 'kin sa bahay, ang asawa at ang anak ko. "

" Boss, hindi na pala 'to virgin eh, " sabi ng isang lalaki sabay tumawa nang malakas.

Debt Payment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon