Debt Payment Chapter 16

402 15 1
                                    

##### Chapter 16 Danger

*****Cojuangco Hospital*****


Wala sa sariling naglalakad palabas ng hospital si Yho habang nakatingin lang sa cellphone n'ya. Wala pa kasing tawag or text man lang sa kanya si Freen, nag-aalala na s'ya para sa kanya

Ilang araw na rin s'yang hindi nakakapasok sa trabaho, kaya naman nami-miss na s'ya ni Yoko. Si Freen lang kasi ang naging kaibigan n'ya, simula pa ng mga bata sila magpasa-hanggang ngayon, kaya naman parang kapatid na ang turing n'ya rito.

" Yho! " boses ng isang lalaki ang nagpalingon sa kanya, dahil sa pagtawag nito. Nakita n'ya ang kumakaway na si Mikael, habang papalapit sa kanya na nakangiti.

" Anong ginagawa mo rito? "

" May ka-meet ako malapit dito, naisip ko na dumaan na sa hospital to ask you out for lunch, do you have any free time today? "

Tumingin si Yho sa relo sa wrist n'ya, lunch time na pala kaya kumakalam na ang sikmura n'ya. Kaibigan naman n'ya si Mikael, kaya hindi na s'ya nag-dalawang isip na sumama rito. Isa pa, nagpaalam din si Lux na hindi s'ya masasamahan at mababantayan dahil may mahalaga itong aasikasuhin. Kaya pumayag na s'yang sumama kay Mikael, para kumain ng lunch sa labas. Dahil sa totoo lang, ay sobrang gutom na rin s'ya.

" Sure, kakain na rin naman na talaga ako. "

" Okay, let's go, " sabi ni Mikael habang nakangiti.

Nagpunta sila sa Malisorn Hotel and Restaurant dahil ito ang pinakamalapit sa hospital. It's true that the food here is really good.

Pagdating nila sa hotel ay kaagad tinawag ni Mikael ang isang waiter pagkatapos ay sinabi n'ya ang mga order nila na pagkain. According to the waiter, their best seller is really delicious dahil sariling recipe daw ng may-ari ang iniluluto nila rito. Kaya naman ngayon, alam na n'ya. Kaya pala masarap magluto si Faye.

Maya-maya lang ay dumating na rin ang order nila at nagsimula na silang kumain.

" Mikael, can I ask you a question? " tanong ni Yoko, pagkatapos ay tinitigan s'yang maigi.

" Sige, what do you want to ask? "

" What are you doing to solve the problems that are happening in our village? Hindi ba't ikaw ang humahalili kay Mayor Felipe ngayon? At balita ko, tatakbo kang gobernador sa susunod na election, " tuloy-tuloy na tanong ni Yoko kay Mikael, na ikinagulat naman nito.

" Of course, pinakikilos ko ang mga tauhan ko. Actually, I got more people to come and help Ms. Faye in patrolling and enforcing in the village. "

" Eh ikaw, hindi ka ba sumasama sa kanila? Pansin ko kasi, parang si Ms. Faye lang ang palaging kumilos. Hindi ba't tungkulin n'yo rin naman na pangalagaan ang lugar natin? Lahat kayo, pati ang mga kapitan ng ibang districts? "

" Alam mo kasi Yho, tumutulong naman kami pero dapat din na si Ms. Faye mismo ang makakalutas nitong nangyayari ngayon. Pa'no ulit s'ya iboboto ng mga tao kung hindi n'ya kayang pangalagaan ang Bulah Village.

Nasa gan'on silang pag-uusap nang biglang nakuha ang atensyon nila ang dalawang tao na nagmamadaling lumabas sa exit ng hotel. Nauuna si Lux, kasunod naman nito ay si Faye. Nagkatitigan pa nga sila ni Yoko, bago ito tuluyang lumabas.

" Anong ginagawa ni Yoko rito? Saka, bakit magkasama sila ni Mikael? " nakasimangot na tanong ni Faye pagkasakay nila sa kotse.

" Gusto mo bang tawagan ko ang mga tauhan ko Gov. ? "

" No, hindi na kailangan. I-diretso mo na sa hacienda, may importante tayong gagawin. "

" Yes, Gov. "

Debt Payment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon